CHAPTER 15.

27 8 0
                                    

Amara's POV.


Nagmamadali na kaming mag ayos dahil male-late na kami! Doon kasi kami natulog sa hospital dahil binantayan namin si Sin. Eh hindi agad kami natulog kasi akala namin magigising si Sin pag midnight na, kaso hindi. Simula nung mahimatay siya sa may storage room, hindi pa siya nagigising. Ang sabi ng doctor ay okay na daw naman si Sin, pero she needs more rest dahil hinang hina talaga ang katawan niya.


Pesteng Clarisse! Kung hindi ako pinigilan nina Carden ay bubugbugin ko talaga siya! Mas malala sa ginawa niya kay Sin! Nakaka isang linggo pa lang si Sin, tapos ganon na ginawa niya?! Ano na lang sasabihin ng pamilya ni Sin? Paano kung ibalik siya doon sa dati niyang school?


Napaka laki talaga ng sira nung babae na yun sa utak. I know she's a fame whore, but why the hell does she needs to include Sin on her craziness?! Argh!


"Kinsley! Bilisan mo na, late na talaga tayo oh!" rinig kong sigaw ni Caylee kay Kinsley. Tapos na kasi kami, eh siya mukhang nagmumuni muni pa.


"Sorry na! Ito na nga po, tapos na." kinuha niya ang bag niya at lumabas naman na kami.


Halos patakbo na kaming tatlo kung maglakad, 8 simula ng klase at 7:50 na! Napahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa room na wala pang 8 at wala pa din si Miss Rina, siya ang first sub namin ngayon eh. Kami lang tatlo ang nahuli kasi pinauna na namin sina Nylah, mas madaling tumakbo pag kakaunti kami kaya kami lang ni Caylee ang naghintay kay Kinsley.


"Oh ano? Hinga baka matigok!" bungad agad ni Carden sa amin, pagkatapos kong maghabol ng hininga ay lumapit agad ako sakanya at sinakal siya, "Ack! Wait, a-aray!"


"Hinga din boi, baka matigok!" panggagaya ko sakanya at nagtawanan naman sina Nylah.


"Tama na yaaan! Parating na si Miss!" tumatakbong sigaw ni Liam, siya kasi ang spy kung parating na mga teachers namin. Oh, diba? Astig!


Umupo naman ako sa upuan ko at tiningnan ako ni Carden ng masama, inirapan ko na lang siya.


"Good morning class!" masiglang bati samin ni Miss Rina.


"Good morning Miss!"


"Get your books now, aayusin ko lang ang laptop ko then start na." gaya ng sinabi niya ay ganon nga ang ginawa namin, kumuha ako ng book ko at si Miss naman ay inayos ang pagka-connect ng laptop niya sa projector.


"Okay, so last time we discussed about-" naputol ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang pinto.


"Sorry, I'm late Miss." walang emosyon na sabi ni Sin at bahagyang nag bow kay Miss bago dumiretso sa upuan niya.


Natigilan naman si Miss Rina at lalo na kami! Bakit siya pumasok? Dapat ay mags-stay siya sa hospital at magpapahinga ng maayos eh! Halatang halata kasi na hindi siya okay, ang dami niyang pasa at sugat sa mukha, pisngi niya lang naman ang may bandage kaya kitang kita talaga. Yung sa braso niya, hindi naman kita, pero nakatupi ang sleeve nung sa right arm niya dahil naka cast ang wrist niya, na binali ng siraulong babae na yon!


"O-ohh, Sin, it's alright, we haven't started yet, but are you allowed to attend class now?" tanong ni Miss.


"I'm fine." simpleng sagot ni Sin at tumingin na lang sa may blackboard. Ack, nasa likod ko siya diba? Ramdam na ramdam ko yung intense na tingin niya omg.


***


Mabilis natapos ang klase namin para sa araw na ito. Lunch na namin ngayon at katatapos lang ng klase ni Miss Jean.


AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now