CHAPTER 17.

22 6 0
                                    

Sin's POV.


Pinaikot ikot ko sa daliri ko ang susi ng SUV ko, naglalakad ako ngayon papunta sa parking lot. Naalala ko lang na may papeles ako na kailangang kuhanin kaya ayun, kukuhanin ko na ngayon kasi makakalimutan ko na yun later.


If y'all are wondering why I can use my right hand without hassle anymore, it's because I think when Margot healed my arm, she also healed my broken wrist so hindi na ganon kalala kaya in just 2 days ay magaling na ito at parang walang nangyari.


Pagkakita ko sa sasakyan ko ay pinindot ko na ang unlock at sumakay sa driver's seat. Inabot ko ang glove box sa harap ng shotgun seat. Kinuha ko ang papeles na kailangan ko pero may nalaglag na kahon. Itim na box.


Pinulot ko iyon at tinitigan. This is the box that Margot saw, together with my parcels. It doesn't have anything outside that's why I assumed it isn't a package. It's a plain black box with a black ribbon tied around it.


Hinila ko ang ribbon kaya naalis ang pagkakatali nito. Dahan dahan kong inaangat ang taklob ng box at bumungad sakin ang isang puting papel. Kinuha ko iyon at nakitang may kutsilyo pala sa ilalim nito. Isang itim na kutsilyo na may nakasulat na 'Sinclair'.


Napakunot ang noo ko, ano naman 'to? Binuksan ko ang papel na hawak ko at agad ding nabitawan iyon dahil sa dugo ang ginamit na pang sulat dito. What the fuck?


"Do not trust anyone. They are all fooling you. We're coming for you soon. :)"


What..?


It's written using blood, and it's already dry now. I'm guessing it's been more than a month there on my room. But I can't think about that now, I'm confused what this letter or message means? And why the hell it is written in blood. And the knife. Ugh.


Napahawak ako sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagsakit nito. The knife, it's familiar like I've seen it before but I actually can't remember so I'm sure I haven't. Damn it.


Bumaba na ako ng sasakyan ko at naglakad na pabalik sa dorm. Pagkapasok ko ay nadatnan ko silang nag aasaran. Hindi ko na sila napansin at dumiretso na sa kwarto namin. Kinuha ko agad ang phone ko at nag dial.


"Hello, Sinclair." agad sagot ng nasa kabilang linya.


"Harris." banggit ko sa pangalan niya, "Please do me a favor." seryosong saad ko sakanya.


"Hmm, what favor?"


"I need you to investigate on something, I'll send you the details. Thanks." binaba ko na din agad ang tawag dahil nahihiya din naman ako sakanya dahil sa dami na ng pinapagawa ko. Pero kung hindi ko ito papaimbistigahan sakanya, mananatili akong naguguluhan.


Harris is a trusted Detective of mine. Nakilala ko siya dahil kay Tito. But it doesn't matter for now kung anong koneksyon naming dalawa.


***


Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa may gym. Wala na kaming klase, pero may training. Bago daw talaga mag sembreak ay nagkakaroon ng training na ganito. What are we going to train? Or rather what are they going to train? Their powers. Narealize ko lang, na hindi ko pa alam masyado ang mga kapangyarihan nila. Only Margot, Tori, Amara, Lincoln and well.. Yohan.


"Sin! Watch us okay?! I'm more handsome kapag lumalabas kapangyarihan ko!" pagmamalaki ni Carden at tumango na lang ako at medyo ngumiti sakanya bago naupo sa bleachers. Sabi ni Sir River I can train on my own if I want because he needs to look out for them in case something goes wrong but I'm too lazy to move right now.


AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now