CHAPTER 6.

34 7 0
                                    

Third Person's POV.

Pagkalabas ni Sin sa banyo ay nakita niyang nakatayo ang tatlo, lahat sila ay bihis na at nakatitig lang sakanya. Hindi sila nagsasalita at bahagyang naka angat ang mga labi nila.

"Uhm, I know I look weird, stop staring guys." si Sin ang bumasag ng katahimikan kaya parang bumalik sa mga sarili nila ang tatlo. Natulala kasi sila kay Sin dahil paglabas nito ay para siyang kumikislap sa suot niya, bagay na bagay sakanya ang uniform nila and the gold lining on the coat emphasize the shape of her body. It's very well defined. She's so simple without even a light make up yet she's glowing.

"You're so pretty, kyaaah!" impit na sigaw ni Amara, sumang ayon naman ang dalawa, napailing na lang si Sin at kinuha ang bag pack niya.

"Shall we go?" tanong niya at agad namang tumango ang tatlo.

"The others are waiting for us at the lobby," pagkasabi non ni Kinsley ay sabay sabay na silang naglakad papuntang elevator para bumaba sa lobby ng dorm.

Margot's POV.

Nandito na kami ngayon sa lobby, nauna na kami kasi sabi ni Caylee, dito na lang daw kami maghintay dahil nahuling magbihis si Sin, for sure dahil ni Kinsley, napakabagal talaga 'non kumilos.

"...kasi nga ganon! Tapos, tapos alam niyo ba..." kung ano anong sinasabi na naman ni Carden, wala namang kwenta mga kwento niya pero nakakatawa.

"I'll pay you 50 dollars to shut up." walang ganang sabi ni Yohan sakanya.

"Ano ka ba Fafa Yohan! I don't need your money, you know what I need?," lumapit siya kay Yohan, "...you!!" tinaas baba pa niya ang kilay niya. May kabaklaan din tong si Carden eh.

"Ew, so gay," pandidiri ni Elyse.

"I'm not gay! Halikan kita diyan eh." ganti naman ni Carden.

"Really? So can you remember the time when you're still not gay?" tanong sakanya ni Liam.

"Yes, of course!" confident na sagot naman ng mokong.

"Stupid." rinig kong sabi ni Sean.

Agad kaming napatawang lahat dahil sa kabaliwan ni Carden. He remembers? So meaning he's really gay now. Bumukas ang elevetor at lumabas don sina Kinsley. Agad kaming napatahimik ng lumapit sila samin.

Ako lang ba? Ako lang ba ang napanganga ng makita si Sin sa uniform namin? Bakit ganon? Bakit sobrang bagay naman ata sakanya? Unfair! Pero seryoso, ang ganda ganda niya, mas lalong nakita ang shape ng body niya dahil don sa mga gold linings na meron ang coat namin.

"Ehem!" nagpekeng ubo si Kinsley at napaayos naman kami ng tayo, "Same guys, for sure ganyan din ang reaction namin kanina, right Sin?" bumaling siya kay Sin pero nakatingin lang ito sa malayo, it's like naa-awkward-an siya samin or maybe she's embarrassed? Halaaa! Di namin sinasadya! Na carried away lang huhu, "But y'all's reactions are funny HAHAHAHAHA." tumawa ng malakas si Kinsley pati na din sina Caylee at Amara kaya sinamaan namin sila ng tingin. Nakaagaw tuloy kami ng atensyon ng ibang nandito din sa lobby!

"Tsk, tumahimik ka nga, ang lakas ng tawa mo," sabi ni Nate kaya tiningnan siya ni Kinsley ng masama.

"Oh, bago pa magkaron ng away, tara na, malelate na tayo!" nanguna nang maglakad si Nylah at sumunod naman kami. Habang naglalakad kami ay ang daming nakatingin samin, sa laki ba naman ng barkadahan namin eh, plus nasa star section kami kaya kilala kami ng mga students dito.

AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now