Kabanata 6

3.7K 148 3
                                    

Kabanata 6

Kalayaan

Days passed, my love for him become firmly. And those days passed, it's a treasure to remember forever. Arvelon is not just a ruthless, there is more on him. His sweetness, calmness and clinginess, indeed a different man. Hindi rin siya nagkulang sa pagpapa-aalala sa akin na ang mundo niya ay akin na din. When he said that he'll give me his world, it's so much more.

Ang mundo niya ay iba sa akin. Mayaman siya, lupa ako. At alam ko na kahit salungat ang mundo namin, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. He never fail make me feel his love, and it's worth to feel. I love him, the way he is. Siguro ganito nga talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit alam mong masama siyang tao o marami siyang kakulangan, mamahalin mo parin siya ng buong puso.

Marami akong natutunan sa mundo, sa mga mahihirap na bagay, sa nakakamatay na pagsubok at sa mga taong aalipustahanin ka, lahat ng iyon ay mga natutunan ko sa loob ng mura kong edad. Life is not easy, it's the hardest thing to do, to survive, to lived and to breathe.

Salungat man ang mundo sa aming dalawa, kapag talaga mahal mo ang isang tao, babaliwalain mo ang lahat alang-alang sa kanya. Makapangyarihan nga talaga ang pag-ibig. Mahirap dayain, mahirap takbuhan at mahirap makaligtas.

In this lifetime, all I need to do is to survive and make my life worth to live. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit sukong-suko ka na, lalaban parin para sa buhay na binigay sayo ng diyos. That's life anyway!

Maingat akong tumayo mula sa kama, tulog na tulog pa si Arvelon, napuyat kami sa ginawang reviewing kagabi. Ngayong araw kasi ay midterm nila at first grading examination ko naman. Hindi naman mahirap ang mga discussion namin kaya malakas ang positibo kong makakapasa ako. Si Arvelon naman, siguradong makakapasa rin.

Simula ng dumating siya pagkatapos ng reunion nila, mas lalo siyang naging mahigpit sa akin. Pansin na pansin ko minsan ang pagiging balisa niya habang hawak-hawak ang cellphone. Minsan gusto ko siyang tanungin kung bakit nagiging balisa siya ngunit natatakot naman ako sa magiging reaksyon niya. May mga araw na iritado siya, mahigpit at galit nag alit kapag may kausap akong ibang tao.

Kapag hawak ko naman ang cellphone ko, kukunin niya nalang ng basta-basta at hindi ipapagamit sa akin. Pag sasabihan pa akong bawal mag-open ng social media accounts. Well, hindi naman ako mahilig sa facebook o kahit sa anong platform ng social media, ngunit hindi ko mapigilang mag-isip, mangamba at magtanong sa sarili ko, may tinatago ba siya?

May dapat ba akong malaman? Ano-ano nga ba ang nangyari sa reunion nila? Masaya ba? May kakaiba bang nangyari? Those question always haunt me every time he took my cellphone away. Kung wala namang problema, hindi naman siguro siya magiging ganun diba? Well, ayokong mag conclude sa mga iniisip ko, gusto kong mag work itong relasyon namin. Natigilan ako, may relasyon nga ba kami? Yes, he revealed that he is in love with me but he didn't mention that we are in a relationship.

Ano nga ba kami? Fling? No label? Just devour each other heat? Yun lang ba kami? Ayokong magtanong, baka isipin niyang uhaw na uhaw ako sa relasyon o label. Our set up is very complicated, but still, I love him. Siguro iyon nalang muna, ang importante mahal namin ang isa't-isa.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape, nakahiligan ko ng magtimpla ng kape sa umaga. Hati kami sa gawaing kusina, he cook for us and I prepared coffee for us. Ngunit ngayon, ako nalang muna ang gagawa dahil tulog pa si Arvelon. Huminga ako ng malalim, kumuha ako ng tatlong itlog, isang pack na hotdog at ham. Nagsimula akong magluto ng breakfast namin.

After minutes of cooking, inihanda ko na sa lamesa namin ang pagkain. Kasama na ang gawa kong kape, kumuha na din ako ng dalawang pinggan, kutsara at baso. Bumuntonghininga ako bago bumalik sa kwarto para gisingin si Arvelon. May dalawang oras pa naman kami para maghanda sa school, ng pumasok ako sa loob, tulog na tulog parin si Arvelon. Wala siyang saplot sa itaas ng katawan, nakahiligan niya kasing matulog na walang damit.

Dating the Ruthless (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now