Kabanata 10

5.8K 142 7
                                    

Kabanata 10

Handa

Cadler remain living with us. Hindi naman ako galit dahil nandito siya. Sa katunayan, gusto ko ngang makausap siya tungkol sa mag-ina niya. Gusto kong magtanong kung bakit niya pinili ang mag-ina niya. Kung bakit hindi siya magkanda-hirap maghanap sa anak niya at asawa. Grabe, college palang sila ay nabuntis niya ang girlfriend niya. Naitago pa nila ito sa magulang niya at ngayon ay nawawala dahil hindi niya pinili.

Bakit pa kasi kailangan mamili? Bakit hindi nalang pwedeng gawin? Bakit sa lahat ng gagawin may kailangan desisyon? Bakit kailangan hindi piliin ang mahal?

This life? This is so much unfair. Ang hirap maging masaya kasi may naghihintay na kadiliman. Ang hirap mabuhay ng payapa kasi palaging may balakid. Ang hirap mabuhay kung nag-iisa ka nalang, mamamatay kalang sa gutom kung hindi ka magsisikap. Ang buhay, sobrang hirap kung wala kang pakialam sa sarili mo.

Mabuti nalang at sanay na akong mabuhay ng mahirap. My life isn't wonderful, it's full of sorrow and hatred. But then again, I owe my parent for giving me this opportunity to live. Hindi man ako nabuhay ng marangya, lumaki naman ako ng malakas at matatag.

Kaya ngayon, nangangati ang sarili ko na magtanong kay Cadler. Sobra kasing sayang kung di niya mahahanap ang mag-ina niya. See? Pati mayaman may malaking suliranin na kinakaharap. Hindi lang mahirap ang humaharap sa pagsubok, ang pinagkaiba ngalang ay may pera sila na pwedeng gamitin sa kung saan.

Bumungtonghininga ako.

Malaki din ang problema ko kay Arvelon. Tatlong linggo na akong delay sa monthlies ko. Kinakabahan ako dahil posibleng nangyari nga ang mga iniisip ko noon. Ayoko munang magconclude sa ngayon, wala pa naman akong ebidensya na buntis nga ako pero sa tuwing umaga nagigising akong nasusuka. Bumabaliktad ang sikmura ko kapag naaamoy ko ang paksiw o kahit anong ulam na may suka. Tubig lang naman ang sinusuka ko pero hindi ko maiwasan ang maluha sa sobrang paghihirap na nararamdaman.

Sa loob ng tatlong linggo, kapag humaharap ako sa salamin palagi kong napapansin ang pamumutla ng labi ko, pamamayat ng katawan ko at panunuyo ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, wala naman akong sakit pero isa lang ang palaging pumapasok sa isip ko, maaaring buntis ako.

Huminga ako ng malalim. Sobrang maghihirap ako kapag tunay ngang buntis ako. Pero, mayaman naman si Arvelon at kaya niyang ibigay ang lahat sa anak niya. Natatakot lang ako dahil baka matulad na naman ako sa dati. Gusto kong bumigay at magpadala sa bugso ng nararamdaman ko ngunit palagi akong pinipigalan ng konsensya ko. I already forgive him, but not forgotten what I felt before. It's still in my heart.

Mahirap talaga makalimot kapag nasaktan ka sa pag-ibig. Hindi madali ang lahat kapag mag fail ang una mong pagmamahal. Mahirap ang lahat, yung tipong ipipikit mo nalang ang mga mata mo at hahayaan nalang ang lahat na kumilos sa ayon nito. Kung may paraan pa sana para bumalik sa dati, dapat hindi ko nalang hinayaan na magmahal ako. Sa lahat ng mangyayari sa akin, pagmamahal pa ang natanggap ko.

Umiling nalang ako at pinilig ang ulo para mawala ang mga malalim na iniisip. Wala ngayon si Arvelon dito, nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa office nila para asikasuhin ang negosyo niya. Lahat ng negosyo ng magulang niya ay nasa kanya na. Ang sabi niya sa akin, binigay ito ng papa niya noong matapos siya ng college. Kaya ngayon under his name na lahat ng negosyo nila.

Napaisip nga ako e, sa dami ng negosyo nila nakakaya kaya niyang pamunuan ito? Para sa akin, ang isang negosyo ay mahirap patakbuhin kapag mag-isa kalang. So, paano kaya niya kinakaya ang lahat? Dapat ko pa bang pagdudahan ang kakayahan ni Arvelon? Sigurado naman akong kaya niya iyon kahit walang tulong ng iba. It's easy for him to handle those business. I shouldn't underestimate his skill.

Dating the Ruthless (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now