Kabanata 7
Basura
Ang akala ko ay ganun lang kahigpit at karahas si Arvelon, hindi pa pala. May irarahas at ihihigpit pa pala siya. Simula nung nangyari yung araw na iyon, hindi na halos ako makalabas ng condo niya. Ang usapan namin noon ay hindi ako titira sa kanya, pwede akong matulog o manatili doon ng ilang araw pero hindi mag-live in. Ngayon, bantay sarado na niya ako. He become more ruthless than I thought.
Hindi na rin nawala sa isipan ko yung text message na nabasa ko. Until now, I can still remember about it. It really haunts me for days now. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin nun? Totoo ba yun? Talaga bang may nangyari sa kanila gaya ng sinasabi ng texter? Gulong-gulo na ako ngayon, sinasabayan pa ng ugali ni Arvelon.
At gaya rin ng sabi ko, nahulog nga ako sa ilang subject namin sa exam na yun. Mabuti nalang at mababait ang mga teacher namin at binigyan ako ng pagkakataon na ayusin ang mga grado ko. Ngayon, maayos na ang lahat sa school ko, ang malaking problema ko lang talaga at bumabagabag sa isipan ko ay si Arvelon, at yung text message. I want to understand Arvelon for having this kind of attitude but my fears always beating me down. Nauunahan ako ng takot sa kanya, pakiramdam ko kasi kapag nagtanong ako ay pagagalitan niya ako.
I want to know the real. Ang katotohanan sa likod ng text message na iyon, kung totoo ba talaga iyon. Nangangamba na talaga ako sa kanya, punong-puno ng maraming katanungan ang isipan ko. Takot lang talaga ang nagpapatiklop sa akin na tanungin siya. Mahal ko siya, minahal ko siya bilang siya. Walang duda, walang iniisip noon pero ngayon, ewan ko nalang. Loving him makes me weak!
Mas lalo akong nangamba sa kanya ngayong nababalisa siya, para bang takot sa bawat araw na lumilpas. Parating kaharap ang cellphone, galit na kinakausap ang katawagan, hindi matukoy kung sino iyon. Sa mga araw at tawag na iyon na umaalingawngaw ang cellphone niya sa gitna ng gabi, sa tabi ng aming pagtabi ay nagigising akong galit niya ang naririnig. Ang pangamba ko ngayon ay mas lalong umusbong, kulang nalang ay paniwalaan ko ang sariling rason na may ibang babae siyang nakasama sa kaligayahan nila sa reunion na iyon.
Kung totoo man ang umiikot sa isip ko, wala akong ibang magagawa kung di ang bumitaw sa anumang delubyo na dadating sa aming dalawa. Mahirap lumaban kung ganito lang ako, walang anuman sa buhay. Mahirap kung magpapatuloy akong lalaban, kasi alam ko sa sarili ko na hanggang dito lang ako...hanggang pangarap lang talaga ako.
Bumuntonghininga ako. Sa daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko na magawang makita ang sarili sa salamin. Sa bawat gabing umuuwi siya ng hating gabi, palagi akong ginagamit sa malamig niyang katawan. Palagi niyang pinapaalala sa akin kung kanino ako, kung sino ang nagmamay-ari sa akin, at siya ang Kalayaan ko. Those nights, he made love to me. Itanggi ko man, ramdam ko sa sarili ko kung gaano ko kagustong malasap ang langit sa kanya.
Napahinga ako ng maramdaman ang mabigat na braso ni Arvelon. Umaga ng sabado ngayon at malamig ang simoy ng hangin. Tanging kumot lang ang nakatakip sa aming katawan, limang minuto ang lumipas pagkatapos niya akong dalhin sa kaligayahan. Ramdam na ramdam ko ang kalagkitan sa katawan ko, kitang-kita ang ko tatlong ginamit niyang condom na nasa sahig. Hindi ako pwedeng mabuntis, iyan ang nasa isip ko sa tuwing inaangkin niya ako. Mas lalo akong mahihirapan kapag magdalang-tao ako. Maghihirap lang sa piling ko ang anak niya, kaya dapat safe kaming dalawa. As long as possible, I always remind him to use condom when we do it. At least, it's safe.
Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin, maingat din akong umupo at umalis ng kama. Hubo't-hubad pa ang katawan ko ng pinulot ko ang mga kalat niya. Nang makuha ko ang suot na pantulog, sinuot ko iyon pabalik sa katawan ko, lumingon-lingon ako sa kabuohan ng silid namin. Napansin ko agad ang cellphone niyang umiilaw sa sahig. Naka silent iyon kaya hindi marinig ang ringtone niya, siguradong nahulog niya kagabi bago maghubad ng damit.
YOU ARE READING
Dating the Ruthless (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceStatus: Completed Start Posted: June 27, 2020 End: September 15, 2020 Arvin Arvelon Merciless known for being soulless, relentless and cruel in the town. He owned half of the city and he love making it complicated. As like his last name, he is fucki...