EPILOGUE

181 3 0
                                    

EPILOGUE


"Saan ka pupunta?" tanong ni daddy pagkatapos niya akong makitang ayos na ayos.


"Pupunta lang po ako ng coffee shop, medyo bored kasi ako dito" sagot ko sa kanya.


"Sige. Umuwi ka ng maaga dahil bukas na ang alis natin," bilin ni daddy na sinang-ayonan ko naman.


Bukas na ang alis namin sa Pilipinas at kakatapos lang namin mag impake kanina. Bored ako sa bahay kaya napag-isipan kong libangin ang sarili dahil huling araw ko na sa siyudad na 'to.


Umalis ako pasado ala una ng hapon bago nagmaneho papunta sa AB Café. I actually found my favorite old novel book last night and I decided to re-read it inside the coffee shop.


Pagkaliko sa Limketkai mall ay dumiretso ako papunta sa All Homes kung saan katabi ang coffee shop na pupuntahan ko.


When I arrived, I parked the car and walk inside.


The smell of the coffee immediately welcomed me. The whole interior design was on vintage. This coffee shop has a simple library that can make you relax. The place is wide and it perfectly fits my mood today.


Nag order ako at nakuha naman kaagad ito. Pinili kong maupo sa may dulo upang walang maka-istorbo. There are also other people except me but they are all quiet.


Pag-upo ay agad kong binasa ang librong gustong basahin. I love this book because it was written by my favorite author. I finished reading it years ago but I want to re-read it.


The book was entitled Destiny of the Moon by Jessi. She's a Filipina author and a movie writer. But she stopped writing because people became mad after she fell in love with a celebrity. People are so very cruel when it comes to this kind of thing. Jessi didn't do anything wrong but people still think that falling in love with a celebrity is a sin.


Hours passed by and it was already 4 pm. Hindi ko namalayan na natagalan pala ang pagbabasa ko. But I still want to continue reading because I am already at the most exciting part.


"Excuse me. May naka-upo ba dito?" nagulat ako sa nagsalita kaya agad kong naibaba ang librong hawak.


Napakunot ang noo ko sa kanya habang nag-isip kung anong pwedeng isagot.


"Wala," maikli kong sambit. Nakita kong napangiti siya bago umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin sa binabasa.


"Mag-isa ka lang?" rinig kong tanong ng lalaki kaya naibaba ko na naman ang libro.


"Hindi ba obvious?" sarkastikong tanong ko. Feeling close, tsk.


"Sorry na, anong pangalan mo?" tanong niya kaya nagulat ako. Seriously? Ano bang nakain nito at gustong makipagkaibigan sakin?

When The Heart Fails (COMPLETED)Where stories live. Discover now