PROLOGUE

22 4 0
                                    

"Ano ba yang suot mo? Ang dumi at ang rungis tignan. Nakakahiya ka!" Bulyaw sakin ni Crizelle

Napatingin naman ako sa suot ko, at napa buntong hiningang nilibot ang mata sa mga taong nakiki-usyoso saming dalawa.

May ibang tumatawa at pinag-uusapan kung gaano ako nakakahiya sa suot kong 'to. Wala naman akong makitang mali.

Isang sandong itim sa pang itaas at maong na kupas ang suot ko sa pang ibaba.

"Pasensya na galing pa ako sa palengke at nag karga ng mga gulay don, di ko naman alam na dito ka pala sa Bar mag papasundo. Kaya 'di na ko nag palit at dumiretso agad dito." Mahinahong paliwanag ko

Siniringan naman ako nito at tinignan ng masama. Ni Crizelle.

"Ehw kargador in palengke pala boyfriend mo Crizelle, as in EHW!" Maarteng sabi nung babaeng nasa tapat ng bar at diring diri na pinag mamasdan kami ng mga kasama n'ya rin.

Sumang-ayon naman ang mga tao nandon sa labas ng bar nakatambay, at nag tawanan sila.

"H-hindi ko s-siya b-b-boyfriend ah." Utal utal pang tanggi ni Crizelle.

Napatingin naman ako sa kanya pero hindi sya makatingin sakin. Napabuntong-hininga na lang ako ulit.

Sanay na sanay na akong tinatanggi at kinakahiya ni Crizelle. Di na nga bago sakin to, may mas nakakahiya pang pangyayari na ginawa niya sakin. Hindi na bago, sanay na ako.

Hindi ko dapat kaawan sarili ko sa mga simpleng panlalait sakin ng mga 'to, nag papaka-totoo lang ako. At yon ang mahalaga don.

"Tara na Crizelle, umuwi na tayo." Pag-aya ko pa sa kanya at malumanay na hinawakan sya sa siko.

Mabilis na inigaw nya sakin ang siko nya at pinagpag na parang diring-diri.

"W-wag mo kong hawakan. H-hindi kita kilala!" Sigaw nya habang umiiling-iling pa.

"Hatid ka daw niya gamit kariton Crizelle kaya sumama ka na pauwi!" Sigaw muli nung babae.

Nag tawanan naman ang mga kasama niya. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakakatawa don. Wala kasing kwenta.

Huminga na lang ako ng malalim bago tignan si Crizelle na yamot at masama ang tingin nya sakin.

"Sige. Mauna na lang ako. Tawag ka kung may kailangan ka." Mahinahong sabi ko pa

Tumalikod naman ako at saktong pag parada ng isang magarang sasakyan sa harap ko. Naiharang ko naman ang kamay ko sa mata dahil nasisilaw ako sa ilaw nito.

Mula don lumabas sa kotse nya ang isang lalaki. Matangkad, maganda ang suotan maporma, halatang mayaman sa pananamit pa lang.

Di ko na sana papasinin ito at akmang aalis na pero nag taka ako dahil papunta ito sa gawi ko, sa pwesto ko.

Kumunot ang noo ko nung makitang sobrag pag kakangiti nito dahilan para lumitaw ang sungki-sungking ngipin.

Lumagpas ang lalaking to sa kinatatayuan ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Hey Crizelle, sorry im late." Nakangiti pang sabi nito habang nakayakap kay Crizelle. At hinalikan ito sa labi sa mismong harap ko.

Gulat naman na napatingin sa gawi ko si Crezelle. Tinitigan ko lang siya.

"A-a-ah h-ahahaha o-okay lang C-cody. Akala ko nga di ka na dadating e dapat talaga u-uuwi na ako."

Ah, kaya pala nag pasundo siya sakin dito.

"I'm sorry babe, nag dinner pa kasi kami ng family ko. And who's this guy?" Turo pa sakin ni sungki.

"Ha? No one. Hindi ko siya kilala. Tara na pasok na tayo sa loob?"

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now