Kaye: Payag daw kayo mag sleep over sa inyo si Zander Ford?
Iyon ang bungad sakin pag bukas ko ng GC naming tatlo. Ewan ko ba dito sa mga 'to gumawa pa ng GC pero kami lang tatlo member. Group name pa nga ay "CHISMISAN WALL."
May sinend pa syang screen shot na post ni Zander Ford na may caption na "Payag ka sleepover ako sa inyo?"
Kreia: Oo payag ako, basta nakatali sya sa gate.
Reply ni Kre kay Kaye.
Natawa ako dito sa may counter, nasa work kasi ako isa akong kahera ng isang bakery/coffee shop.
Nag haha react ako sa chat ni Kreia, siraulo talaga. Natatawa pa ako ng biglang tumunog ang schimen sa pinto tanda na may pumasok.
Nagkatinginan pa kami ng customer at sabay nanlaki ang mata naming dalawa, paano ang pumasok lang naman ay walang iba kung'di si Macro.
"Oh..." nasabi ko na lang sa pagkagulat.
Lumapit agad sya sakin ay may inabot na papel, tinignan ko 'yon at nagulat na medyo marami syang oorderin.
"Nag wowork ka pala dito?" Panimula nya sa usapan.
Tumango ako habang hinahanda na ang order nyang kape.
"Oo, last week pa ako nag simula. Ikaw saan ka?" Pansin ko kasing nakauniform sya.
"Dyan lang sa tapat, sa motorcycle shop. Mekaniko." Sagot pa nya.
"Ahh." Sagot ko na lang habang nakatalikod.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang nagwawala kong dibdib. Kinakabahan ako, 'di ko alam kung dahil ba nakatitig s'ya sakin habang nakatalikod ako o dahil sa presensya nya mismo.
"Ngayon lang kita nakita dito..." panimula nya ulit
"Ngayon ka lang naman kasi pumunta dito." sagot ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
At halos manginig ang kamay ko ng marinig ko ang mahina nyang pag tawa.
Fuck! Sayang nakatalikod ako hindi ko nakita.
Tawa ka nga ulit pero yung nakikita ko sana.
Sabi ko pa pero sa isip ko lang.
"Sarado kasi sa kabila kaya dito ako nag punta, pero simula ngayon dito na ako bibili." Sambit pa n'ya.
Oo pag balik mo for sale na rin ako.
Natawa ako sa nasabi ng isip ko. Hindot.
Matapos maibalot ang sandamakmak na order nya'y inabot ko na 'to sa kanya.
"Uh anong oras ang out mo?" Tanong pa nya na nag pagulat sakin.
"Bakit mo naitanong?" Tanong ko rin sa tanong n'ya.
Parang ang tanga ko sa part na may nag tanong sakin tapos sinagot ko rin ng tanong.
"Nais ko lamang itanong, sana'y di mo mamasamain" habang kakamot-kamot sa batok na sabi n'ya.
Nag kibit-balikat na lang ako.
"10 ang out ko dito." Sagot ko na lang habang kinuwenta ang binayad n'ya.
"Fvck. 10:30 pa ang out ko" bulong pa nya na hindi ko masyadong narinig
"Huh? May sinasabi ka?" Angat ko ng tingin sa kanya pero umiling lamang s'ya at matapos maabot ang sukli ay lumabas.
+
NANG dumating na ang boss ko'y nag handa na akong umalis dahil tapos na ang shift ko.
"Mag-iingat ka Nae." Paalala pa ni Maam Nadia.
"Opo, maraming salamat po. Kayo rin po." pahabol ko pa bago lumabas.
Muntik na akong mapatalon sa gulat pag labas ko.
"Oh...bibili ka uli ng kape? Palpitate na aabutin mo n'yan." Pabirong anas ko pa kahit na nagulat dahil bungad s'ya pag labas ko!
Si Macro na sa labas ng pinag tratrabauhan ko!
"Ah hindi haha p-pauwi na rin ako nag kataon lang na napadaan ako dito."
"Ah ganoon ba." sabi ko na lang at tinalikuran ko na s'ya upang mag patuloy sa pag lalakad.
Pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko kaya gulat akong napaharap sa kanya.
Ganon din sya, nagulat din sa biglaang pag hawak sakin kaya mabilis pa sa alas-cuatrong binitiwan nya ang kamay ko.
Eto na naman yung pakiramdam na halos lumabas na ang puso ko sa dibdib dahil sa kaba, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, sa kanyang singkit na mata mismo.
Anong bang ginagawa mo sakin? Bakit ganito?
Tanong ko sa isip ko habang nakatitig sa kanyang mata na kagaya ko'y may mababasang kalituhan din.
Nanatili ang katahimikan saming dalawa habang nakatitig sa mata ng isa't-isa, kasabay non ang mabining hangin na humihip sa paligid naming dalawa.
Tanging pag tibok lamang ng puso ang naririnig ko, ang pag kabog ng dibdib ko ang naghari sa pagitan naming dalawa.
"Pasensya na sa pag hawak ko ng kamay mo hindi ko 'yon sinasadya." Nahihiyang sabi pa nya.
Napatitig lang ako at tumango.
Awkward.

YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
Novela Juvenilwhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?