"May transferee daw sa Med course?" Chismis pa ni Eros.
Nagkibit balikat si Chase at ako naman ay napa isip baka yung nakita kong babae kahapon yung transferee. Ngayon ko lang siya nakita kaya hindi siya pamilyar.
"Oo, nakita ko kahapon." Sagot ko sa tanong ni Eros.
Ang bilis naman nitong inilapit ang mukha sakin kaya naitulak ko ang mukha nito.
Basta talaga sa chismis aktibo 'tong ugok na 'to.
"Aray! Putangina ang sakit non Macro!" Reklamo pa niya habang kapit ang mukha.
Lumapit to kay Chase at yinakap ang braso na parang girlfriend na nagsusumbong at masamang tumingin sakin.
"Baby Chase! Look, he hurt me. Ipagtanggol mo ako babe Chase!" Pag-iinarte pa ni Eros
Sabay kaming napangiwi ni Chase.
Kadiri.
"Ano ba Eros, kaunti na lang talaga iisipin ko ng bakla ka." Saad ni Chase habang hinihila ang braso kay Eros na madramang nakasandal dito na akala mo sinaktan at inapakapakan ang pagkatao.
"Pati ikaw Baby Chase inaaway ako? Si Macro na ba ang mahal mo? Kaya ba malamig kana sakin? Si Macro na ba ang nagbibigay ng init sayo sa bawat gabing nag daan?" Drama pa ni Eros habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria.
Napasintido naman kami ng sabay ni Chase.
"Ewan ko sayo Eros, tngina ka. Tigilan mo na 'yan. Kinikilabutan na kami." Saad ko pa at nanguna sa paglalakad. Sumabay naman sakin si Chase na iniwan si Eros na madramang pinupunasan ang mata na wala namang luha.
Nababading na ang isang 'to.
"Kinakabahan na ako kay Eros." Sabi ni Chase sakin at napailing.
Ayos ka Eros na uunmute si Chase pag nababading ka.
"Di ka pa nasanay don. Utak non nasa talampakan." Sabi ko na lang at sabay kaming natawa.
"HOY BAKIT KAYO TUMATAWA NG WALA AKO? GANYANAN NA? HINDI N'YO NA AKO MAHAL?" malakas na pagrereklami ni Eros na nakasunod sa likod naming dalawa.
"Tnginamo."
Pagkatapos umorder ng pagkain, umupo na kami sa madalas naming lamesa. At doon tinuloy ang kwentuhan.
"Hindi nga Macro, nakita mo yung transferee? Saan? Maganda ba? Matunog ang pangalan non ngayon dahil sa kalagitnaan pa ng sem pumasok. At ang sabi nakakatulala daw ang ganda nya" Mahabang sabi pa ni Eros.
Pag sa chismis aktibo yan.
"Kahapon sa room nung dumaan yung mga med student paakyat sa lab, nakita ko siya. At oo, para akong mahipnotismo ng mukha niya. Maganda." Saad ko pa habang inaalala ang itsura niya.
Mas lalong nabuhayan si Eros nang sabihin ko yon, mahilig kasi 'to sa mga babae. Lalo na yung mga mahinhin na babae.
"Kailangan kong makilala yang bagong salta dito." Determinadong sabi ni Eros.
Si Chase nanatiling walang pakialam at nagpatuloy sa pagkain.
Wala talaga siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid n'ya. Wala din sa kaniya kung gaano ka kaganda. Kaya ang daming nag kakandarapa kay Chase dahil na chachallenge ang mga babae. Kahit iharap pa ang Ms. Universe sa kaniya ay hindi niya ito iimikin.
Si Eros naman ay wala lang sa kaniya kung may itsura o wala, basta kahit sino pinapatos niya. Ang sabi pa niya dapat daw lahat ng babae naappreciate ang ganda, kaya ang mga babae nagiging baliw sa kaniya dahil kung ano-anong mabulaklak na salita ang pinagsasabi nito sa mga babae.
YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
Fiksi Remajawhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?