CHAPTER 2

13 3 0
                                        


"Tangina tawang tawa ako sa nangyari kahapon e. Hardcore si Gela at Kaylee puta dami mong savior pre!" Kantyaw ni Eros sakin.

Tukoy n'ya sa pangyayari kahapon sa harap ng room namin.

"Bakit nga ba hindi mo pa hiwalayan yon?" Tanong ni Chase.

Himala nag salita tong isang 'to.

"Sino?" Maang-maangan ko pa. Kahit alam ko ng si Crezelle ang tinutukoy niya.

"Si Crezelle." Sabi na e.

"Ha? Hahahaha basta." Sagot ko na lang.

"Tang inang 'to pa showbiz sumagot ang sabihin mo siya yung sinusupplyan mo ng tamod tanga!" Bulyaw ni Eros sa mukha ko

"Yung laway mo nga Eros wag mong ipaligo samin." Reklamo ni Chase

"Arte mo Chase ko, laplapin pa kita dyan e makita mo!" Pang-aasar pa ni Eros.

Napa-iling na lang ako.

Nag patuloy kami sa pag lalakad papunta sa cafeteria ng school na to. Break time namin.

"Oh, tsk tsk tsk. Kawawa naman 'tong si Leila, kotang kota na sa mga bully dito oh." Nginuso pa samin ni Eros ang kaguluhan.

Nakita namin si Leila na nakaupo mag isa at sya yung binubuhusan ng juice at kung ano-ano ng mga bully na makikitid at kasing laki ng munggo ang mga utak. Mga walang kwenta ang tatanda na mga isip-bata pa rin mag-isip. Di ko alam kung bakit nakaabot sila ng kolehiyo na ganyan mag-isip.

Mga 1st year college 'tong mga to. Kaya ganyan pa may bakas pa ng mga katarantaduhan sa katawan ng high school life.

"Tara tara, gutom na ako e." Yaya pa samin ni Eros

Pero hinarang ko ang braso ko sa kanya, tinignan ko si Chase at sinenyasan na tulungan na si Leila.

Kita kong gustong-gusto nang tulungan ni Chase si Leila. Nakahakbang na nga isa nyang paa e. Nakakuyom pa ang kamao.

"Sige na puntahan mo na si Leila." Sabi ko pa.

Di naman siya nag dalawang isip at nag lakad na patungo roon.

"Oh babe saan ka pupunta?" Tanong pa ni Eros pero di na siya pinansin ni Chase.

Nanatili kami sa pwesto namin at pinanood ang pag tatanggol ni Chase.

Napangisi ako nung hilahin ni Chase si Leila patayo at yakapin ito gamit ang isang kamay at ang isa ay nakaduro sa mga nang bubully kay Leila at pinagbabantaan sila.

"Lay a finger on her and I will make your life misserable." Dinig ko pang sabi ni Chase.

"Putangna? Si Chase ba talaga yan?  Yan ba talaga si Babe Chase ko?!" Parang tangang sigaw pa ni Eros.

Ganyan nga Chase, gumalaw galaw ka. Tigilan mo na pagiging tuod sa mga babaeng nagugustuhan mo.

Nag singhapan naman ang mga babae sa paligid at halatang natakot sa sinabi ng kaibigan ko.

Isa lang naman si Chase sa pinakamayaman na estudyante sa school na 'to. Makapangyarihan ang pamilya nya, kung sino mang bumangga sa kanila tiyak na mag hihirap.

Natawa naman ako sa mga babaeng utak ipis, mukha silang tanga. Nakakatuwang panoorin.

"Tara. Hinatayin na lang natin si Ronaldo." Yaya ko kay Eros.

Pumila na kami para umorder ng makakain kasama na ang pagkain ni Chase.

Saktong pag-upo namin sa table ay pag dating ni Chase.

"Babe nag seselos ako suyuin mo ko!" Si eros.

Binatukan namin sya ni Chase, nababading na naman e.

"Anong nangyari bakit di mo siya kasama? Ayos lang naman samin makasabay siyang kumain." Wika ko na tinutukoy si Leila.

"Mas natakot nga sakin e. Nanginginig pa nung kinausap ko." Inis na sabi ni Chase.

Natawa naman ako. Yung mukha nya kasi mukhang badtrip, matakot ba naman nagugustuhan mo sayo sinong matutuwa.

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now