CHAPTER 10

12 2 0
                                        

Matapos ang awkward moment namin ni Macro ay tinanong nya ako kung saan ako nakatira.

"Bakit?" Nakakunot noo na tanong ko rin.

Ugali ko na talagang sagutin ng tanong ang tanong nang nag tatanong sakin.

"G-gusto ko lang malaman, ihahatid s-sana kita."

Umiling naman ako sa alok nya. Bakit naman nya ako ihahatid, e kaya ko naman umuwing mag-isa.

"Hindi na, sanay na akong umuwi ng gantong oras kaya kung pinagaalala mong mapapahamak ako wag ka ng mag-alala."

"P-pero—"

"Hindi na Macro, kaya ko mag-isa."

"Hindi ko namang sinabing hindi. Gusto lang talaga kitang ihatid." Anas nya

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Unti na lang iisipin kong gusto nya ako, ang ashumera ko naman. Tsaka may girlfriend sya di ba?

"W-wala lang"

Pero hindi pwedeng walang dahilan. At buo na ang desisyon ko na hindi mag papahatid sa kanya, wala naman pa lang dahilan kung bat nya to ginagawa.

Ashumera ka Naeyoh.

"Ah Nae ikaw na ang mag-suot nitong helmet."

Sabi sayo desidido akong hindi mag papahatid sa kanya pero ayon nakikita ko ngayon ang sarili kong sinusuot ang helmet na bigay nya bago sumampa sa motor nya.

Nag pahatid rin ako. Tanga.

Inayos ko pag kakaupo ko bago humawak sa likod ng motor nya. May hawakan naman don.

"Oh bakit?" Tanong ko nung lumingon sakin si Macro.

Bumuntong-hininga sya at nagulat ako ng kunin nya ang mga kamay ko at iyakap sa bewang nya.

HUH?!

"Sakin ka kumapit para siguradong di ka mahuhulog." Sabi pa nya

DI AKO MAHULOG? E HULOG NA HULOG NA AKO SAYO.

Charot hindot.

"Hindi na." pakipot ko pa at inalis ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya at kinuha ulit ang mga kamay ko.

Close ba kami nito? Kanina pa sya hawak ng hawak sakin, sa kamay ko i mean.

"Pag nahulog ka di kita masasalo at pananagutan ko pa kung madisgrasya ka dyan." Sabi pa nya habang inaayos ang kamay kong nakayakap sa bewang nya.

Nag pilitan pa kami ng ilang segundo at sa huli yumakap ako sa kanya.

Todo tanggi pa akong kumapit sa kanya kanina pero tignan mo ngayon ang higpit ng yakap ko sa kanya.

"Wag masyadong mahigpit Nae di ako makahinga eh. Tsaka di pa tayo umaandar." Sabi pa nya

Gulat naman akong napatunghay at oo nga nandito pa rin kami kung saan naka-park motor nya.

"Ah h-hahaha nadala ng emosyon. Sorry." Napapahiyang sagot ko.

Di pa pala kami umaandar para na akong tuko dito na nakayakap sa kanya. Ang sarap pa ng pagkakadantay ng ulo ko sa likod nya. Feel na feel parang di nag papilit kanina!

Hindot ka self!

...

Nasa daan na kami pauwi.

Ako na nakayakap sa kanya at sya na nag mamaneho.

Sabay naming sinasalubong ang sariwang hangin.
Sariwang hangin na tumatama saking balat.

At ewan ko ba pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Alam mo yun yung parang ang tahimik, ang payapa ng pag iisip ko.

Napatitig ako sa lalaking nasa harap ko. Tulad ko ang aliwalas rin ng mukha nya, may maliit na ngiti rin sa mga labi nya.

"Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan.

"Kshdi dksjsjt md dksjsjt ls." Sagot pa nya

Ha ano daw?

Di ko maintindihan yung sinabi nya. Siguro dahil sa hangin na sumasalubong samin kaya ganon, ang choppy, tapos nasa likod nya pa ako.

"Di kita maintidihan! Ano ulit sabi mo?!" Pasigaw na tanong ko. Nilapit ko pa ang mukha ko sa gilid ng tainga nya para maintindihan ko kung ano mang sinasabi nya.

Pero halos tumalsik ako sa kinauupuan ko ng biglang syang nag preno!

"Fvck. Don't do that again. Delikado yon." Sabi pa nya habang humihinga ng malalim.

I just left dumbfouned. Siraulo ba sya?

Sya tong nag mamaneho tapos ako ang sasabihan nyang wag gawin yon kasi delikado? Ako ba may hawak ng manibela? Wala naman akong ginawa.

"Huh? Ang alin?" Takang tanong ko

Humarap sya sakin at nagulat naman ako sa itsura nya, natatawang pinag masdan ko sya. Pulang-pula kasi ang pisngi nito, tenga pati ang leeg.

Anyare dito?

"Y-yung ginawa mo, lumapit ka sakin at naramdaman ko ang paghinga mo sa tainga ko. Nawala ako sa k-konsentasyon." Pasiring sabi nya pa

Ako naman ay naiwang nakatitig sa kanya.

Boang.

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now