"Okay class your seatwork would be CREATING YOUR OWN FORMULA in this given. I wouldn't consider of your work if your formula get the wrong final answer." Prof said.
Pag katapos isulat ni Sir ang given ay 'yon na ang bungad niya sa'min. Gumawa ng sariling formula? Madali lang, para kang nag chopstick ng sabaw.
"Puta? Seryoso ba 'tong panot na 'to? Hindi ko nga nagets 'yung formula niya mismo tapos gagawa pa ako ng sariling formula? Putanginang mathematics to." Pikon na reklamo ni Eros.
"Wag ka na mag reklamo mag-isip ka na lang." Sabi ko na lang habang nakatitig pa rin sa given na nakasulat sa white board.
(x)=2.00x + 5.00
(x)=1.80x+5.50Tama ka Eros, putangina nga ng Math.
Sinimulan ko na mag-isip at di nag tagal ay nakagawa na rin ng formula na pwedeng gamitin sa pesteng given. Tinry ko muna at laking tuwa ko nang makuha ko ang tamang sagot.
Tumayo ako at inabot kay Sir Alvin ang sagot.
"Macro kaibigan, matalik na kaibigan baka pwede mo akong tulungan?" Bulong pa ni Eros ng makita akong tumayo sa upuan.
Pero hindi ko siya pinansin.
"As expected Mr. Racid you got it right. Mas pinadali mo pa ang proseso at mas madali siyang maintindihan. I'm impressed." nakangiti pa niyang pang-uuto sakin.
"Thank you Sir." Ngiti ko pabalik kahit gusto ko na siyang sakalin.
"Can you represent it in front Mr. Racid?" Sir politely asked.
I nod in response. Kinuha ko ang marker at sinulat ang ginawa sa white board.
"One common approach to solving a system of equation is to graph all of the equations." I explained.
Nag drawing ng line graph para mas madali nilang makuha. At pinaliwanag ang solving process kung paano ko nakuha ang tamang sagot.
"So therefore the answer is D(x)=1.8(5)+5.5 and the final answer is 14.5" Pag tatapos ko pa.
Kasunod non ay ang malakas na palakpakan ng mga kaklase nanguna na nga si Eros na akala mo nag tatawag ng kalapati sa lakas ng palakpak.
"OMYGHAAAADDD!!!! BEBEQ YAN!!! MACRO ILOVEYOUUU!!!" malakas pang tili ni Sam habang nakatayo at tumatalon talon hawak ang scarf the Hermès na iwinawagayway sa ere.
"Hanep sa talino Macro ah, baka gusto mo mamahagi dyan!" Sigaw ni Kaylee habang binabato ako ng papel na nilukot.
"Pare apaka lupet mo, inaagawan mo na naman ako ng chix." Maangas na sabi sakin ni Gela habang umiling-iling na nakapang dikwatrong lalaki pa.
Bumalik na ako sa aking upuan at natawa ng makita si Eros na parang tae ng tuta kung mag puppy eyes sakin.
"Brad. Sa hirap at ginahawa lagi tayong mag kasama at mag tulungan sa gitna ng sakuna."
Madamdaming sabi nito na akala mo'y nasa gitna ng gera at nag aagaw buhay na.
"Loko ka. Pagod na ako mag-isip gawan mo na lang paraan yan. Gusto mo drawingan mo na lang ng hentai para bukas wala ka na dito." Suhestyon ko.
"Tnginamo talaga." Saad niya bago pinagtuunan ng pansin ang ginagawa.
Si Chase ay nanatiling naka mute.
Ako naman ay nag muni-muni na lang at tumingin sa labas ng bintana. Inaantay na matapos ang dalawa.
Sakto namang may dumaan na mga estudyante na naka pang nurse na suot. Mga medical student. Sa taas kasi ng room namin ay ang labaratory kaya normal na ang makakita ng mga nursing student na dumadaan sa room para umakyat ng hagdan.
May mga babae pang kumaway sakin at binabati ako kaya tinanguan ko na lang sila.
Napaayos ako ng upo ng makita ang isang babae na tahimik na nag lalakad kasabay nila. Wala itong kasama o katabi. Ito ang hindi normal na nakikita, ang ganda ng babaeng 'to. Litaw na litaw kahit na tahimik lang na nag lalakad. Kapansin pansin rin ang mga lalakeng nasa likod nito na parang mga asong ulol na nakasunod sa kaniya at kinukuha ang atensyon niya.
Mahaba ang buhok at kulot sa dulo, matangos ang ilong lalo na sa nakikita kong anggulo mula sa kinauupuan ko, manipis ang labi at mapula. At maputi ang makinis nitong balat. Maliit ang mukha na nag mistulang parang anghel na inutusan para mag laway kaming mga lalake.
Napaurong pa ako ng tumingin 'to sa gawi ko at nag tama ang mata naming dalawa. Para akong nakakita ng literal na anghel, napakaamo ng mukha nito.
Napahawak ako sa puso ko ng literal na bumilis ang pag tibok nito.
Langya, tinamaan pa ata ako.

YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
Fiksi Remajawhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?