CHAPTER 8

20 3 0
                                    

Kumaway pa muna ako kila Kaye at Kreia bago ako tumalikod at nag lakad na pauwi.

Dadaan pa kasi ako sa apartment na inuupahan ko bago pumunta sa pinag tratrabauhan ko.

Kailangan kong mag trabaho para makabayad ng tuition at dahil wala na rin namang sumusustento sakin. Hindi naman libre ang pagkain sa tinitirhan ko may bayad pagkain roon, presyong ginto pa nga.

"Kuya sige na kasi, mag momovie marathon lang naman kami e!"

Napalingon ako sa kung saan ang usapang 'yon at napaatras nang makita ko na naman s'ya.

Si Macro. May kausap s'yang highschool student na nag mamaktol sa harap n'ya.

Napatigil ako sa pag lalakad.

Kapatid n'ya siguro? Kuya daw e.

"Hindi pwede. Wag matigas ang ulo, Kish!" Sermon pa ni Macro. Nakakrus pa ang braso nito at halata sa itsura ang pagtutol.

Nalukot naman ang mukha ng kapatid n'ya at sumimangot na parang maiiyak na. Nag papaawa.

"Kuya di mo na ba ako love?" Naiiyak na tanong nung kapatid ni Macro sa kan'ya. Nakanguso pa nga.

Natatawa naman akong pinagmasdan si Macro na natataranta dahil sa sinabi ng kapatid. Parang unti na lang ay bibigay na 'to sa gustong movie marathon ng kapatid n'ya.

This scene is so cute.

Napabuntong hininga si Macro bago nag salita.

"Baby naman, love ka ni kuya. Pero di ako papayag sa movie marathon na sinasabi mo, mag gagabi na. Ayokong may alalahanin pa sa trabaho ko na baka hindi ka pa umuuwi dahil may nangyaring hindi maganda. Wag matigas ulo, ha." Malumanay pang sabi ni Macro sa kapatid, nag papaintindi.

A loveble and caring brother. Sweet. Nakakatuwa lang pag masdan dahil masasabi mong close na close talaga silang mag kuya.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil para na akong chismosa ditong nakikichismis sa pinaguusapan nila. Iniiwas ko ang paningin sa kanila at nag patuloy sa pag lalakad.

"Hirap talaga sumakay dito." Bulong ko pa ng makarating sa waiting sched.

Ilang minuto na rin akong nakatayo dito pero wala talang dumadaan na sasakyan.

Baka may jeepniy strike o jeepney stripe?

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa pahabang upuan. Ilang minuto rin akong nakatulala sa kalsada nag aabang  baka may eroplanong lumanding, angkas na lang ako.

Pero ilang sandali pa may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Nag angat ako ng tingin at nagulat na si Macro ang umupo. Diretso lang ang tingin nito at tuwid na tuwid ang pag kakaupo. Umayos na lang din ako nang pag kakaupo at sa gilid ng mata ko na lang s'ya tinignan.

Nanatili lang tahimik ang paligid para bang binibigyan kami ng oras na namnamin ang pagkakataon na 'to. Pati ang hanging sariwa ay banayad na humiihip sa paligid naming dalawa. Ito yung katahimikan na nakakakalma.

I don't know but I feel peaceful, with him beside me.

Napatingin ako sa kan'ya nang pumasok yon sa isip ko at saktong nag tama ang mata naming dalawa. Nag titigan kami at napangiti ako ng hindi ko namamalayan, pero tinanguan n'ya lang ako at nag iwas ng tingin.

Nag taka pa nga ako dahil namumula ang tainga n'ya at pati ang leeg. Mestiso kasi s'ya kaya halatang halata ang pag babago sa kulay n'ya.

Nag kibit balikat na lang ako. At nang mapagtanto ang ginawa ay nakaramdam ako ng hiya, ba't nga ba ako ngumiti? Baka isipin n'yang inaakit ko s'ya.

Maya-maya pa ay napatayo ako ng may makita ng bus na paparating. Nakatayo na ako at nag hihintay na lang na huminto ang bus dito, pero nag taka ako ng makitang tumayo rin si Macro na parang hinihintay din ang bus.

Ah baka sasakay din s'ya.

"I-ingat ka." Mahina pang sabi n'ya na parang nahihiya pa.

Napatingin naman ako sa kanya at nakitang hinahawakan pa nya ang batok na parang nahihiya at yumuko.

Para s'yang bata. Pero hindi yung nakakairita, he's cute in that gesture actually.

Tipid ko syang tinanguan at sumakay na.

+

Lumipas ang mga araw na laging ganoon ang set-up naming dalawa. Sabay kaming nag aantay ng masasakyan ng walang pansinan at hindi kami nag-uusap. Tinginan at tanguan lang.

Hindi ko alam kung nag kataon lang ba'ng talaga na sabay ang uwi namin o sinasadya n'yang magpahuli para...siguro makasama ako.

Ang feeling ko naman.

Posible kayang nag kataon talaga ang lahat? Talagang sabay kami ng uwian at sabay din kaming pag labas ng gate? Hmm, siguro nga nag kataon lang.

"Take care." Bilin pa ni Macro bago ako makasakay sa bus, nilingon ko s'ya at tinanguan.

"Ikaw din, ingat ka." Sabi ko pa at pumasok na.

Pansin ko lang din na lagi ako ang nauunang sumakay, laging syang naiiwan doon.

Hinihintay n'ya kaya ako makasakay bago s'ya sumakay rin pauwi sa kanila? Magkaiba kasi kami ng daan pauwi. Kaya siguro magkaiba kami ng sinasakyan.

Posible kayang nag kataon lang rin na laging unang dumadating ang bus na sasakyan ko bago ang kanya?

Grabeng pagkakataon na 'to.

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now