CHAPTER 11

6 2 0
                                        

"Oy bilisan nyo dyan nagugutom na ako." Reklamo ni Kaye

"Edi kumain ka patay-gutom." Rebut ni Kreia

Ako naman ay napailing. Nasa library kasi kaming tatlo nag reresearch tungkol sa topic namin sa physics. May pinactivity kasi samin e hindi naman tinuro. Bwisit.

College na daw kasi kami at hindi nya kailangan ituro samin ang mga lesson, matuto daw kaming mag-aral mag-isa. Sana nag pa homeschool na lang ako. Self-study pala e.

Busy akong nag susulat habang nagtatalo ang dalawang bruha sa gilid ko.

Buti na lang at tahimik ang paligid kaya mas nakakapag-isip ako ng maigi. Pero may naulingan akong ingay sa pinto, parang may mga papasok pero ang iingay. Nasaway tuloy sila ng librarian. Sungit pa naman ni Ate.

"Eto kasing si Eros napakaingay." sabi pa ng pamilyar na boses. Si Macro.

"Eh kasi nagugutom na ako tangina ka ano bang gagawin natin dito? Alam mo namang nahihilo ako sa libro." Bulong bulong pa nung kasama ni Macro na si Eros daw. Naririnig ko dahil naglalakad sila papalapit sa pwesto namin.

"May kakausapin lang ako at para na rin makasilay si Chase."

Di ako makapag concentrate mag basa dahil naririnig ko sila.

"Kanino naman sisilay si bebe ko Chase? Eh andito naman ako." Madramang sabi pa ni Eros habang nakahawak sa dibdib na akala mong nasaktan ng lubos.

"Tanginamo manahimik ka kung ayaw mong mananghalian ng libro." Sabat ni Chase. Nagulat ako ron, ngayon ko lang kasi narinig ang boses nya.

Madalas kasi ay tahimik at laging siyang seryoso. Bilang pa ang mga salitang sinasabi niya na parang nagtitipid ng laway.

"Ayan nagagalit na si Tamute kaya manahimik kana...—"

"Oh bat natahimik ka, Macro?"

Napaangat naman ako ng tingin at nakitang nakatitig sa'kin si Macro habang nakaawang ang labi. Cute.

"Ay tangina kaya pala. 'Di ba ang aso pag nakikita yung Amo nila tumatahol sila pero bat ikaw natatameme? Tumahol ka tnginamo." Asar pa sa kanya ni Eros pero hindi nito ito pinansin at nanatiling nakatitig sa'kin.

Mukhang tanga pero ang cute nya pa rin.

Tinanguan ko na lang sya at nag nagbaba ng tingin sa librong binabasa ko.

And the next thing I knew kachikahan na ni Kaye at Kreia si Eros. Katabi na nila ito sa upuan.

"Nakakapag taka." Sabi pa ni Eros habang nakahawak ang mga daliri nya sa baba na animo'y takang-taka.

"Huh? Ang alin?" Sabay na tanong ng KK. Kreia at Kaye.

"Habang patagal ng patagal, paganda kayo ng paganda." Banat pa ni Eros at kumindat sa mga kaibigan ko.

Ang dalawa naman tawa ng tawa.

"Ulol Eros, di ka namin type. Si Chase ang gusto namin hindi ikaw."

"Babanatan mo pa kami e wala namang epekto samin yan."

At nag tawanan naman ang mga kaibigan ko.

Napapalatak naman sa inis si Eros.

"Tss type nyo bebe ko Chase? E sakin lang kakalampag yan!"

"Ssshh, quiet." Saway ng librarian. Napalakas kasi ang pagsasalita ni Eros.

Engot.

"Ulol." Duet ng dalawa kong kaibigan at nag tawanan na naman sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now