Ilang araw na rin ang nakakalipas nung simula ng pumasok ako sa AB Normal University.
Ayos naman. Mas friendly ang mga tao, hindi tulad sa school ko noon na mga maarte.
Pero si Eco hindi s'ya mawala sa isip ko.
Nakakagulat lang din na schoolmate pala kami, lagi ko s'yang nakikita sa loob ng school. Maraming ngang may kilala sa kan'ya dito.
Ang daming ding nag kakagusto sa kan'ya tulad ng mga kaklase ko, madalas ay pinag-uusapan siya pag may bakateng oras sa room. Kasama na rin ang mga kaibigan n'ya sa madalas pag-usapan.
Pag nakikita ko s'yang nag lalakad o nakikipag alaskahan sa mga kaibigan n'ya mula sa malayo, hindi ko mapigilang titigan s'ya. Kahit iiwas ko ang mata ko napapabaling pa rin ako sa kan'ya. Inaagaw n'ya ang atensyon ko ng walang kahirap hirap.
Ang gaan kasi sa pakiramdam nung aura n'ya. Parang ang liwanag at payapa ng paligid pag nakikita ko s'yang ngumingiti at pag nawawalan s'ya ng mata sa pag tawa, ang sarap pag masdan, singkit kasi si Macro.
Macro pala ang pangalan n'ya at hindi Eco. Kwits lang hindi naman Midina ang first name ko.
Kadalasan ay nakakasalubong ko s'ya tulad ngayon. Palabas sila ng court kasama ng kaibigan n'yang maingay.
Iniiwas ko ang paningin ko sa kanila at derederetsong nag lakad kahit na ramdam ko ang titig nito sa'kin.
Isa pa 'to sa ipinagtataka ko kung ba't parang lagi s'yang nakabantay sa bawat galaw ko. Para akong tinutunaw ng mga tigtig n'ya.
At nakakapanghina 'yon!
Nakilala n'ya kaya ako? Alam n'ya kayang ako 'yung tinulungan n'ya nong gabing 'yon?
Hindi ko s'ya tinapunan ng tingin, natatakot na mag kasalubong ang mata naming dalawa at magumpisa na naman sa hindi normal na pag tibok ng puso ko. Pisti.
"Tngina brad nag mukhang asong ulol ka na naman! What kind of dog are you?" Dinig ko pang sabi nung kasama n'ya pag kalampas ko sa kanila.
Aso?
+
"Tignan mo naman si Crizelle, kaibigan lang DAW n'ya yan pero grabeng mag kaibigan naman 'yan daig pa ginagawa ng mag jowa." Saad ni Kreia samin na may kasama pang pag irap ng mata.
Bakante ang oras ng klase namin kay Ma'am Taduran kaya nakakapag chismisan kami.
Napansin ko din na ang daming may galit kay Crizelle sa di ko malamang dahilan.
"Eh 'di ba may jowa yang babaitang yan?" Tanong ni Kaye
Sila pala ang mga naging kaibigan ko dito si Kreia at Kaye parehas mabait at chismosa.
"Oo! Pero ano pa bang bago sa malanding yan, kaya nakakaawa si Macro sa kan'ya. Di naman maganda, laki ng bunganga tapos naka retainer pa na halatang alambre lang na tinitinda sa Plaza!" Himutok pa ni Kreia
Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang pangalan n'ya.
"Kaano-ano 'yan ni M-macro?" Tanong ko, nautal pa ako hindi ko alam kung ba't nahihiya akong banggitin ang pangalan n'ya.
"Chismosa ka na rin?" Tanong pa ni Kreia
"Ay bet! Ngayon ka lang nag pakita ng INTERES sa chismisan namin, Naeyoh!" Malisyosong dagdag pa ni Kaye.
Kaya nahihiya ako dahil ang lakas nila mang-asar.
"Binanggit lang namin ang salitang Macro. Hmmm???" Eksahederang baling pa ni Kreia sakin.
Issue.
"So anyway, sa tanong mo, oo jowa yan ni Macro! Kaya ang daming nagagalit d'yan kay Crizelle kasi ang bait-bait talaga ni Macro tapos kung lokohin n'ya lang e walang pakundangan." Si Kaye
"True! Minsan pa nga pinapahiya n'ya si Macro in public, sinisigawan, sinasampal at kung ano-ano pang eskandalo!" Si Kreia.
Nagulat ako ron ang masigawan ka in public nakakahiya na what more pa kung sampalin? Hardcore.
"Si Macro tahimik lang na tinatanggap pag papahiya sa kan'ya. Ewan ko ba doon sa sobrang bait hindi na yata marunong magalit. Kung ako 'yan naibalibag ko na 'yang babaeng yan tapos makikipag break ako with sampal kaliwa't kanan!" Gigil pang hinampas ni Kaye ang kamay sa ere na parang may sinasampal.
Nag patuloy pa ang usapan pero wala na ron ang atensyon ko. May girlfriend na pala s'ya? Hindi ko alam kung saan galing ang pang hihinayang na nararamdaman ko, at ang letseng konting kirot nitong puso ko.
Gusto ko na ba s'ya? May gusto na ba ako sa kan'ya?
Kung meron man dapat ko ng pigilan ang nararamdaman ko hangga't maaga pa.

YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
أدب المراهقينwhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?