"Hoy Macro alam mo bang isa kang Martir ha?!" Salubong agad sakin ni Kaylee pag pasok ko pa lang sa room."Hindi." Simpleng sagot ko na lang
"HA! HINDI MO ALAM? KUNG ANONG TINALINO MO SA KLASE E SYA NAMANG BOBO MO DYAN SA NOBYO MO!" Sigaw pa nya
Natatawa ko namang sinulyapan sya. Umiling na lang ako sa kaabnuyan n'ya.
"Ssssh, hinahan mo boses mo ang aga-aga nambubulabog ka." Pang-aasar ko pa
"ABA E DAPAT BA SA GABI AKO NAG IINGAY? GANON?! OH OH SINO NAG REREKLAMO SA KAINGAYAN KO LAPIT DITO KALTUKAN KO!" Tinaas pa nito ang manggas ng damit niya at tumingin sa mga kaklase ko na parang nag hahamon ng away.
Siraulo.
Napapailing na lang ako at ang mga kaklase ko sanay na sanay na kami sa kaingayan ng babaeng to.
"HOY BABAITA KA WALA KA SA PALENGKE PERO ANG INGAY INGAY MO! KAIMBYERNA!" Maarteng sigaw sa kanya ni Sam. Baklang kaklase namin.
Di mo mahahalata sa katawan, matipuno, matangkad, maputi at lalakeng lalake ang dating. Pero pag nakita mo na kung paano kumilos doon mo na masasabing bading to.
Sayang ka brad, mga ganyang itsura maraming mapapaiyak na babae.
Malamya at matinis ang boses na laging tumitili. Masakit sa tainga pero ayos naman kasama. Makapit nga lang.
Siya si Samuell Melvin Pemco. Lalakeng lalake sa pisikal at pangalan pero lalake rin ang tipo.
"Oh bakit Sam, nag rereklamo ka?!"
"Oo baklang 'to ang aga-aga yang bunganga mo parang armalite, ka-olay ka sis!" Tili pa niya.
"Edi lumapit ka dito sakin di kita kakaltukan pero hahalikan lang. Rawr." Kindat pa ni Kaylee kay Sam.
Natatawa naman akong pinag masdan si Samuell na tumirik pa ang mata habang kunwaring sumusuka.
"EEEEWWW YUCK KAYLEE KILABUTAN KA NGA!!!" Diring diring sambit pa niya na nag papadyak pa sa sahig.
Natawa naman kaming mga nakasaksi sa pag aasaran ng dalawa.
"SUS! ANG ARTE MO, BAKLA!" Si kaylee.
"You're getting in to my nerves Kaylee, ugh! Bebe ko Macro ipag tanggol mo ako at inaapi niya ang pag kababae ko!"
Maktol pa nito habang maarteng nag pupunas ng wala namang luha sa mata. Lumapit 'to sakin at walang kagatol-gatol na umupo pa sa kandungan ko! Ikinawit pa nito ang mga braso niya sa batok ko.
Okay kasama, mahawak lang talaga.
Napabuntong hininga naman ako. Dahan dahan ko namang binaklas ang pag kakahawak niya at marahan syang pinaalis sa hita ko.
"H-hahaha kaya mo na yan Sam si Kaylee lang yan. At wala akong magagawa sa bangayan niyo." Pag papaliwanag ko pa habang pilit siyang pinatatayo.
"Iiiiiih!!!! Macro kasi akin ka na lang di kita sasaktan kahit ako na lang saktan mo gabi-gabi, payag naman ako! Yang mga babaeng yan puro sakit lang ibibigay niyan sayo kaming mga bakla bukod sa puro at solid na pag mamahal e may extra income ka pa!" Tili nito at ninakawan pa ko ng halik sa pisngi.
"Bango bango mo talaga!" Kinikilig pang tili ulit nito.
Napasintido naman ako.
"Tigilan mo nga yan Sam nakakadiri ka!" Sigaw ni Kry
"Ako pa ang yuck Sam ha e mas yuck ka!" Sigaw rin ni Kaylee
"Whatever!" Maarteng sabi nito na hinawi pa ang imaginary'ng buhok niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/236734208-288-k300897.jpg)
YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
Ficção Adolescentewhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?