"Para kang lalake umasta e may tahong ka naman!" Si Sam."WOW! Coming from you Samuell, Sam for short! Para kang babae kung umasta e may talong ka naman!" Si Gela.
Eto ang bumungad samin pag balik namin ng room galing Canteen.
Nag tawanan ang classmate namin sa nakarinig nang pag tatalo nila. Nangunguna na nga don si Eros.
Napatingin ako sa dalawa. Mag kaharap pa sila at kulang na lang ay mag sabunutan.
Si Sam na naka headband pa at kung ano-anong nakalagay sa katawan na mga pambabaeng accessories.
Binalingan ko naman si Gela napakalaki ng damit nito at maluwag parang lalake kung makipag sukatan ng tingin. Nakataas pa ang manggas ng damit at ang buhok ay magulo na parang di nag susuklay.
Tinitigan ko silang dalawa.
Bagay sila. Bagay na bagay.
Natatandaan ko pa nung 1st day of school noon nang lapitan ako ni Sam, doon ko sila unang nakilala ni Gela.
"Hi!" Masayang bati sakin ng lalaking hindi ko kilala. Classmate ko pala.
"Hello." Sumagot na lang ako
"What's your name?" Tanong pa nya.
"Macro." Tipid na sagot ko lang.
"Lalakeng lalake ang sarap-sarap. Btw Im Samantha, 'Sam' for short." Pakilala nito sa sarili at inabot pa ang kamay sakin kaya nakipag shake hands na lang ako.
Samantha? Di ba pang babae yon. Tanong ko pa sa sarili ko.
"BWAHAHAHAHAHAHA ANONG SAMANTHA SAM FOR SHORT?! ULOWL KA BA? HAHAHAHAHA BAKA SAMUELL, SAM FOR SHORT!" Malakas na sabi ng babae.
"You're so annoying! Ikaw nga tomboy pero Girlie ang pangalan!" Bawi naman ni SAMUELL.
Saan nanggaling yung Samantha?
"Excuse me SAMUELL, SAM for short. Girlie Gela ang pangalan ko at Gela ang tawag sakin."
Nakatatawa kung paano ko sila nakilala. Mula pa noon hindi na talaga sila mag kasundo. Isang lalake na may pusong babae at isang babaeng kilos lalake.
Nakikita ko na kung saan patungo 'to.

YOU ARE READING
YOU NEVER KNEW
Teen Fictionwhat if the person you love dearly has a deep connection to your dark past? will your feelings change or not?