CHAPTER 5

12 3 0
                                        

Matapos mapagtagpi-tagpi ang mga kumot ko ay hinagis ko na to sa labas ng bintana ko at tinali sa paanan ng kama ko.

Shit. Kailangan ko ng makaalis agad. Kinuha ko na ang isa kong malaking bag na nag lalaman lahat ng aking damit. Ang bigat, baka di na ako kayanin ng mga kumot na tinali ko lang para makababa.

Huminga muna ako ng malalim bago sumampa sa bintana at tinawag lahat ng santo na gabayan ako sa zipline na 'to. Dinungaw ko ang ibaba at halos malula ako sa taas nitong kawrto kong 'to. Nasa 3rd floor nga pala ang kwarto ko.

Walang mangyayari kung panghihinaan ako ng loob dito.

Kumapit na ako sa tali at unti-unting bumaba. Grabe ang kaba ko. Naiisip ko kasing paano pag bumigay ang pinagtatalian ko ng dulong kumot na to. Bali-bali na ang katawan ko non. Buwis buhay na itong ginagawa ko. Sana may patunguhan ito.

Malapit na ako sa lupa dahil nasisinagan ko na. Maya-maya lang bigla ako bumulusok pababa dahil naputol ang kumot na tinali ko lang. Napatili ako.

Ang sakit ng likod ko. Napadaing ako sa sakit ng pagkakaplakda.

Hindi ko na ininda ang pagkakahulog ko, agad akong tumayo dala ang bag ko. Naglakad ako palabas pero di pa man nakakalapit sa gate nakita ko na ang mga tauhan ni Papa na nag lilibot sa mansyon.

Nag tago ako sa mataas na pader ng bahay ng malingunan ako ng isang tauhan. Napahawak ako sa dibdib ko.

Muntikan na. Walanghiya talaga tong mga kalbo na to na akala mo laging may libing na pinaglalamayan, men in black kasi.

Nang makasigurado nang 'di sila nakatingin mabilis akong tumakbo papunta sa gate. Buti at shifting ng mga guwardiya kaya walang bantay. Nakalabas ako ng gate at nag madali palabas ng subdivision na ito.

Sa wakas. Gusto ko nang makawala sa lugar na iyon kahit na nandoon ang pamilya ko. Para akong naka kulong sa hawla. Di ako malaya sa mansyon na yon. Di malayang mag bigay ng opinyon, di malayang mag pahayag ng mga gusto kong gawin dahil bawal.

Nag patuloy ako sa paglalakad kasabay ng pag-ihip ng hangin dahilan para liparin nito ang buhok ko. Nakakalma ako pag nakakalanghap ng hangin galing sa mismong mga puno.

Ilang minuto lang ang nakalipas at sa gitna ng paglalakad ko. Napahikbi ako ng maalala ang mga pinag-usapan namin ni Papa. Yun din ang dahilan kung bakit ako nag alsabalutan.

"Nae my beautiful daughter, tumapad ako sa usapan nating dalawa at sana sa pagkakataong 'to ay 'di mo ko bibiguin." Saad ni Papa habang nakaupo sa kaniyang swivel chair sa opisina niya rito sa bahay.

"Huh? What is happening Papa? Ano ba ang hihingin mong kapalit?" Tanong ko.

May napagkasunduan kasi kaming dalawa ni Papa nung 1st year college ako n'on.

Gusto kasi nitong kunin kong kurso ay Law. May law firm kami na kilalang kilala sa bansa. Iilan pa lang ang natatalong kaso nito, bilang lang kahit na napakatagal na simula ng mabuo ito.

Pero ang passion ko ay hindi mag basa habang-buhay kung'di ang alamin ang pasikot-sikot at bawat sulok ng ating katawan. Gusto ko ng Med.

Nagalit sakin si Papa, sinabing hindi ako pag-aaralin kung 'yon ang kukunin kong kurso pero 'di ako nag patinag. Nanindigan ako. Sa galit niya ay hindi niya ako binigyan ng pera at binawi ang mga cards na nag lalamam ng pera galing sa kaniyang Law Firm.

Tanga nga ni Papa akala naman niya titigil ako dahil don. Kahit na walang allowance ay nag patuloy ako sa pag-aaral sa gusto kong kurso.

Naging working student ako. Nag trabaho ako nang sobra para lamang mabayaran ang kalahati lang tuition ko ng 1st sem. Ang mahal ng binabayaran ko sa school na pinapasukan ko, hindi kaya ng kakarampot na sinasahod ko sa pagtratrabaho.

YOU NEVER KNEW Where stories live. Discover now