____________________Chapter B
Noong mga sumunod na linggo, hindi ko na nakitang pumasok pa si Mecho. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko na rin naman inalam. Pero dahil nagkaroon ako ng madaldal na kaibigan, nalalaman ko pa rin ang mga bagay-bagay na hindi ko naman ninanais na malaman.
"Mecho's parents contacted the school owner kaya hindi siya mae-expel," umpisa ni Jandra.
Kyle recovered, but he was unconscious for quite some time before regaining consciousness. Usap-usapan kasi sa school iyon, at kahit medyo matagal-tagal na ay hindi pa rin humuhupa.
I feel bad for Kyle, though. Kumusta na kaya siya? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya pumapasok. Baka kailangan niya pa ng karagdagang pahinga? Or his doctor prohibits him to? About his parents, I didn't choose to know anymore. Obvious naman na siguro kung ano ang reaksyon nila.
Basag ang mukha ni Kyle, ano na lang ang iisipin nila 'di ba? Alangang ikatuwa pa nila iyon.
"Come on, Isha. Sa 12 STEM naman tayo." Wika ni Diana sa akin, ang President ng club ko, Social Sciences.
Ako ang Vice President at kasalukuyan kaming nagru-room to room dahil freshly elected lamang kaming mga officers. We are going to introduce ourselves, like the usual.
"Huwag kang mag-alala, wala yata si Keith doon ngayon dahil may inaasikaso silang mga SC." Ngumiti si Diana sa akin.
Kung paano niya nalaman na crush ko si Keith, ay hindi ko na alam.
"Okay lang naman," ngumuso ako. Though, I am a little disappointed to hear Keith will not going to be there. Nakakapanlumo.
"Sus! Eh, ba't mukhang disappointed ka?" Tumawa siya.
"Ano? Crush mo si Keith?" Usisa ng Secretary naming si Jillian.
"Lahat naman ng babae rito crush siya!" Pagdadahilan ko na lamang, namumula pa ang pisngi.
"Hoy, hindi naman!" Reklamo ng isa pa, Grade 11 siguro.
"Ako nga si Mecho ang crush ko," hagikgik pa noong isa pa.
Umiling-iling na lamang ako sa kanila. Nang makapasok kami sa classroom ng STEM 12 ay kasalukuyan silang nagkaklase sa PR II. Nagpa-excuse na lamang kami para makapagpakilala na.
Kahit alam kong wala si Keith, luminga-linga pa rin ako sa paligid at tumigil ang tingin ko sa gawi ng nakadukdok na estudyante sa likod. Katabi siya ni Yeji na tuwid na nakaupo. Duval is in front mukhang lumipat lang ng upuan dahil doon ang ka-grupo, nang magtama ang mga paningin namin ay agad siyang lumingon sa likod, naabutan ko naman si Yeji na sinisiko na ang nakadukdok.
Nang umangat ang ulo niyon ay napakagat na lamang ako sa aking labi.
It's Mecho in his sleepy face. Namumungay pa ang mga mata. His red lips were currently protruding when Yeji pointed in front na sinundan niya naman ng tingin.
Nang magtama ang mga paningin namin ay umayos siya ng upo at humikab. Humalukipkip pa siya at pakayang na naupo sa kanyang silya.
Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Akala ko naman hindi siya pumasok. Kailan pa kaya siya nag-umpisang pumasok ulit?
"Hi! We are the Social Sciences Club and we are here to...."
Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ni Diana dahil lumilipad bigla ang utak ko. Or talagang busy lang ako sa pakikipag-iwasan ng tingin kay Mecho? Ay ewan.
Hanggang ngayon kasi, ramdam ko pa ring nakatitig siya sa akin.
Is he mad at me? Naaalibadbaran ba siya sa presensya ko dahil sa pagsasabi ko ng totoo kay Mrs. Nishida? E, 'yun naman ang dapat, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Kiss or Slap
Teen Fiction"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh.. ...kiss or slap?" Nag-palpitate iyong makakapal niyang kilay, sabay ngisi na parang aliw na aliw. Both of his friends smirked at him while he only scoffed. "Gusto ko kis...