____________________Chapter N
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. His eyes reflected his dark aura, almost too strong for me to bare. I looked like a scared little kitten compared to his domination. What I am feeling right now, is the same with how I felt when I first met him.
Nakakatakot.
He blinked slowly as his eyes crawled up to my face. I unconsciously smiled to hide my affright.
"You..dressed up," seryosong puna niya at nag-iwas ng tingin. "You shouldn't have..."
Tuluyan na akong nakalapit sa kanya kahit nag-uumapaw pa rin sa akin ang kaba.
"Nasaan na 'yung kasama mo kanina?" Bigla kong tanong at luminga-linga sa paligid na parang narito lang siya.
"I don't know."
"Ang ganda niya," pagpupuna ko.
My visors served as a headband now. Nakatulong iyon upang hindi matabunan ng aking buhok ang mukha.
"Yeah."
Of course, he'd agree. Totoo naman kasi. Reverse psychology, my ass. Akala ko pa nama'y magwo-work. Sa mga libro kasi, kapag iyong babae ay maypinupuring ibang babae, iyong lalaki ay biglang bibigyan ng assurance iyong babae. Gaya na lang ng, "Mas maganda ka roon, huwag kang mag-alala", " You're even prettier in my eyes".
Ngayon, napatunayan kong sa libro lang iyon mangyayari.
"Uhmm...ano. About what I have said and what I made you feel that day. Sorry. I realized, I was wrong and I shouldn't have just...said that without thinking about how'd you feel towards the idea." Itinago ko ang magkahawak na mga kamay sa likod ko doon ko inilabas ang pagkakailang.
Tinabihan ko rin siya sa pagtayo roon. Ngayon ay pareho na naming pinapanuod ang mabagal na paglubog ng kahel na araw.
"Sa tingin mo ba. Immature ako?" He asked. "Isip bata?"
Agaran akong umiling. "H-Hindi!"
"Isha." Para niya akong sinusuway pero sa kalmadong paraan. "I understand if that's what you think. Wala akong magagawa roon, lalo na kung ang basehan mo'y kung paano ako umakto at sa ugali ko. You don't have to pretend anymore."
"I'm sorry, Mecho. I-I was wrong. I admit...I sort of...judged you. Huli na nang napagtanto kong mali ako."
"I was just being dramatic," he smiled. "Siguro, dahil na rin sa selos." Pag-amin niya.
I was stunned to hear him fully admit how he felt. Naupo siya sa buhangin, at wala sa sarili ko siyang ginaya. Tumagilid ang ulo ko at walang hiya-hiya siyang tinitigan. All I can see is his side image. His eyes were more expressive this time. Kumikislap. His long eyelashes brushed through the air when he slowly blinked, protruding his red lips.
"In fact, ilang beses na akong nasabihang isip bata...sanay na ako roon...pero iyong ikaw ang nagparamdam sa akin na isip bata nga ako at immature. Iba. Alam mo naman na siguro ang ibig kong sabihin, 'di ba?"
"I am really, really sorry, Mecho. I wanna clear that out. Hindi ka isip bata at immature."
"Okay lang," he smiled sideways. Itinukod niya iyong dalawang kamay niya sa likuran at inunat ang dalawang paa. "I cannot just explain myself every time. When people judge your personality, you feel so wrong and an outsider to the world. Akala kasi nila, lahat ng tao dito sa mundo ay dapat mabait, dapat may respeto, dapat banal. Iisa lang naman ang paraang alam nila para maging mabait, eh. Nakakatawa."
"I'm sorry." Wala akong masabi. Nagbara ang lalamunan ko dahil hindi ko rin inakalang ganito pala ang epekto sa kanya noong nangyari.
"Selos na selos ako kay Keith noon. Naisip ko. Siguro manghang-mangha ka sa kanya, kasi siya, imbes na sigawan 'yung junior, ay tinulungan niya pa iyon at inalu. Salungat sa ginawa ko. I was rude and I even cursed on her," he chuckled without humor.
BINABASA MO ANG
Kiss or Slap
Teen Fiction"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh.. ...kiss or slap?" Nag-palpitate iyong makakapal niyang kilay, sabay ngisi na parang aliw na aliw. Both of his friends smirked at him while he only scoffed. "Gusto ko kis...