____________________Chapter E
Parang tumigil ang oras noon dahil nagkatanginan pa kami bigla ni Tyra. She was smiling when she looked at my way, pero unti-unti ring naglaho nang makita niya ako. I think she was triggered by seeing me wide eyed while watching them. Tapos may ibinulong siya sa lalaking kasama, at pagkatapos ay mabilis silang umalis, hindi man lang lumilingon pa pabalik.
"Hoy! Seryoso ka?!" Pahiyaw na sinabi ni Jandra nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari.
Mabilis ko namang tinakpan ang kanyang bunganga. I didn't like to share it, but I was too bothered to keep it. Kagabi nga, hindi ako nakatulog!
Alam ba 'yon ni Mecho? Na nitu-two time na siya ng girlfriend niya?
"Pucha, hindot talaga 'yung Tyra na 'yun," reklamo ni Jandra. Mukhang mas gigil pa siya kaysa sa akin. "Please sabihin mo sa aking mas gwapo si Mecho kesa sa side chic niya."
Napaisip naman ako. The man she's with was tall, dark, and handsome. Halos typical hot guy in high school ang dating, pero kahit naman ganoon, mas malakas pa rin para sa akin ang dating ni Mecho.
"Tea 'yan. Pwede ka ng makabawi, sis!" Niyugyog niya ako. "Spill it already! Pinahiya ka rin niya noon sa internet kaya bawian mo!"
"Pwede ba? Hindi mahalaga sa akin 'yung pagchicheat niya..."
May isa lang akong inaalala. Si Mecho. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niya? How does it feel like to be even cheated on? Siguro masakit? Malamang masakit! Pero para kaya kay Mecho? Masasaktan ba siya kapag nalaman niya?
"Keith, sabihin na nating...girlfriend mo ako," wala sa sarili kong sinabi. Gumagawa ako ng sariling scenario sa utak ko para lang maipaintindi kay Keith ang ninanais kong sabihin.
We are currently eating lunch together sa office nila. Inaya niya ako kanina at hindi na ako nakatanggi pa. Idagdag mo pa si Jandra na may bago na namang kalandian kaya wala akong kasamang kakain kung sakali.
"Uh-huh. Then?" He nonchalantly answered, he continued eating though.
"Then, I cheated on you. Nalaman mo iyon. Magagalit ka ba?"
"I won't."
"Huh? Bakit?"
His bored eyes landed on my face. Mataman niya lang ako tinitigan. It is so obvious that this topic bores him, pero kailangan ko talaga nga advice kaya hindi ko na na-consider pa 'yon.
"Iba ang galit sa nasasaktan. If you ask me, and act like myself. I would definitely get hurt, pero nasa akin na iyon kung paano ko tatanggapin. If you know the person is short-tempered, then there is a possibility that they'll cope up with physical attacks or violent words."
Hala! Madali pa namang mairita si Mecho! Baka sapakin niya si Tyra? Mygosh!
"And one factor to consider is...if you really love the person. For example, you cheated on me...."
Umangat ang tingin niya sa akin. Namungay ang kanyang mga mata, habang ako'y nag-iinit na ang mukha. Iba ang impact ng mga salita niya. For a moment, I felt intimidated and awkward.
"And I love you so much."
Napalunok ako roon. Syempre for example lang daw, chill.
"I would obviously get hurt a lot...knowing that you can be with somebody else when I am around."
Mahal kaya ni Mecho si Tyra? Doble sakit kapag mahal niya. Ano ba 'yan. Parang ako pa ang nasasaktan habang iniisip.
"Finish your food first. If you are willing to solve your own dilemma, eat first for a healthy thinking."
BINABASA MO ANG
Kiss or Slap
Teen Fiction"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh.. ...kiss or slap?" Nag-palpitate iyong makakapal niyang kilay, sabay ngisi na parang aliw na aliw. Both of his friends smirked at him while he only scoffed. "Gusto ko kis...