H

2.2K 74 22
                                    

___________________Chapter H

"Matagal pa ba iyong sundo mo?"

Ang tahimik niya eh. Kanina pa kami rito sa tapat ng main gate ng school namin, ni hindi siya kumibo simula noong makalabas kami.

Akala nila sa loob ay umuwi na kami ni Mecho. Supposedly, maiinteroga na naman siya ni Mrs. Nishida, kung hindi ko lang siya hinila paalis doon. Ipagpapabukas na lang siguro dahil akala nila ay umuwi na.

"Ang sakit ng ulo ko," he said suddenly.

"Ha? Bakit? T-Teka."

Luminga-linga ako sa paligid at nakakita ng pwedeng mauupuan sa gilid. Inakay ko siya at doon kami naupo.

Idinampi ko ang palad ko sa kanyang noo. Malay mo, 'di ba...nakakabigay pala ng sakit ang sobra-sobrang pagkagalit.

"Wala akong sakit," mataman niyang sinabi at kinuha iyong kamay ko.

Hinawakan niya iyon habang isinasandal ang ulo sa balikat ko.

"Sandal ako, ah," pagpapaalam niya. "Ang bigat ng pakiramdam ko."

"You were so mad..." nagdadalawang-isip kong sinabi. "Nakakatakot ka kapag galit."

"Natakot ba kita?" He asked. He moved closer to me at 'saka ako hinapit sa baywang. Ipinulupot niya rin ang mga braso roon!

Tinapik ko ang kanyang kamay ngunit hindi siya natinag, instead, he tightened his sideway hug.

"Hoy! Tsansing ka, ah?"

"Nilalamig ako. Body heat lang," paliwanag niya.

"Nilalamig ka, e nakasweatshirt ka?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Porque nakasweatshirt, hindi na lalamigin?" He countered.

Kung sa bagay.

"Nga pala...kanino mo nalaman?" Humina ang boses ko dahil sa kaba.

"Doesn't matter." Umayos siya ng upo at mas inilapit ang katawan sa akin. Isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko.

His hot breath sent shivers down my spine. Nakikiliti ako, literal at parang kinukuryente.

"But, you know...you have the rights to get angry at her." Umpisa ko. "When you love her and yet—"

"Hindi ko siya mahal." Agap niya. "I just simply hate cheaters. That's all."

"Bakit naman? Besides the fact that they are cheaters, ano pa?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Reklamo niya. "Ang bango mo. Ano'ng pabango mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Wala. Mumurahin iyan. Galing sa tianggehan."

"Pahingi ako."

"Ano'ng pahingi? Mas mabango ka nga, eh. Ano ba iyong pabango mo?"

"Ewan. Roman numerals pangalan. Nakakatamad intindihin. Basta pabango." Mas lalo niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko.

Nanigas ako sa ginawa niya. I know I should complain dahil hindi dapat ganito. Pero hindi ko ginawa!

"Shit. Wala na akong girlfriend, pwede na siguro kitang landiin palagi?"

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kanyang sundo. Dumaan siya sa bahay dahil kailangan kong gamutin ang kanyang sugatang kamao. Grabe naman kasi mauntok. Pati bungo mabibitak!

Tinanong ko na rin sa kanya kung bakit ayaw niya pang dumiretso pauwi, ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Mukhang ayaw ding sagutin iyon o pag-usapan.

Kiss or SlapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon