U

1.4K 58 6
                                    

____________________Chapter U

"Pre, tignan mo 'to, oh, chixx sa HUMSS," sabay pakita ni Yeji sa akin ng screen ng kanyang cellphone.

"Ano'ng pangalan?" Humikab ako.

"Janine Cassandra, pre."

Nalukot ang noo ko, ang ganda naman ng pangalan. "Ito ba?" Sabay turo ko roon sa mas malaki ang hinaharap.

"Tanga, ito 'yung sinasabi ko, hindi 'yan," turo niya sa kulot na babae.

Ah, wala. Mas maganda 'yung isa. Kaso 'di ko matignan 'yung mukha. Laki kasi ng hinaharap, doon ako mas tumingin kaysa sa mukha. Halatang maliit lang 'to, eh. Mga 5'2 ganoon. Nakalugay ang buhok tapos namumula pa nang kaunti ang mukha. Pucha, ang cute. Mukhang inosente.

"Iyong isa, sino?"

"Ah, si Isha? Crush ni Keith 'yan." Aniya.

"Oh?" Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip.

Crush siya ng Top 1 namin? Napatawa ako. Damn. Big boobs really attract smart men, huh? Smart din naman ako, kaya siguro na-attract ako.

"Marami pang nagkakagusto riyan, pre. Pati si Coronado ata may gusto sa kanya," singit ni Duval sa gilid.

"Bakit parang 'di ko naman siya nakikita dito sa school?" Napanguso ako.

"Malay namin. Palagi ka naman kasi sa ABM, pinopormahan mo ba 'yung Tyra?" Humagalpak si Yeji.

Ngumisi ako at sinapak siya sa braso. "Gago, ano'ng masama roon?"

"Ex ko 'yun, eh. Noong elementary," Duval said, laughing at naghype five sila ni Yeji.

"Ah, oo. Elementary pa lang kayo noon pero naghahalikan na kayo? Dude, gross."

"First kiss ko 'yun, tanga." Duval said.

Mahilig kaming man-trip sa school. Lagi kaming may kaso at kulang na lang ay maging best friend namin si Mrs. Nishida dahil laging nagku-krus ang mga landas namin. Dumating iyong araw na may nahuli kaming ipis. Buong araw naming ginawang panakot iyon sa mga babaeng kaklase namin, tapos may isang babaeng lumapit sa akin. Pamilyar ang mukha, at nakilala ko kaagad kasi kapapakita lang sa akin ni Yeji ng picture noong isang araw.

"Mecho. Kiss or slap?"

Naramdaman ko ang pagpipigil nila Yeji ng tawa sa likuran ko. Namumula pa ang kanyang mukha at hiyang-hiya sa akin.

Ang sarap halikan.

"Gusto ko kiss, pero dapat sa lips."

Mas lalo siyang namula roon. Napansin ko pa kung gaano siya ka-nerbyos at natatakot sa akin. Hindi na dapat iyon bago sa akin dahil madalas namang ganoon talaga ang tingin ng iba sa akin. Nakakatakot. Naiinis lang ako na natatakot siya sa akin, bakit naman? Hindi ba dapat, imbes na matakot sa akin ay ma-attract na lang siya?

Isinaboy ko sa kanya 'yung ipis. Nahimatay siya habang tumatawa kami sa kanya. Napatigil ako sa pagtawa nang akayin siya patayo ni Keith.

Wow, Superman, as always.

Apparently, we met Mrs. Nishida later again that time. Na-suspend ulit kami ng ilang araw. Wala akong magawa sa bahay, at ayaw ko namang kausapin ang mga tao rito, mas maiirita lang ako.

Buong araw akong nag-social media. Puso sa mga pictures ng mga college na babae. Tapos naisipan kong bisitahin 'yung profile noong sinabi ni Yeji sa akin na si Isha. Nakaka-curious lang kasi, hindi man lang nag-krus ang landas namin sa school kahit minsan, ni kahit magkasalubong man lang sa corridor.

Kiss or SlapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon