Chapter 9: Heartbreak

5 1 0
                                    


Nagising si Thunder na wala na sa tabi niya si Rain. Hinanap nya ito sa buong bahay ngunit wala ito. Nagtanong siya sa kanilang mga kasambahay ngunit wala ding makapagsabi kung nasaan ito. Umakyat siya sa rooftop at doon niya nakita ang kasintahan habang naninigarilyo ito at nakatingin sa ganda ng paligid ng bahay nila Thunder. Nakasuot ito ng maikling shorts at mahabang tshirt ni thunder.

"Hi baby, why are you here? Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" tanong ni thunder sa kasintahan sabay halik sa pisngi

"Wala naman baby, I just wanted to see the view. Ang ganda talaga dito sa inyo." sagot ni Rain

"Did you had fun last night?" muling tanong ni thunder bago halikan si rain sa labi

"Uhhhmmmm, Yeah baby wala ka talagang kupas. You make me happy and satisfied when we do our session!" ungol na tugon ni Rain habang dinidilaan ang tenga ni thunder

"Well then, round 2?" tanong ng binata habang pumupungay ang mga mata nito dahil dahil s sensasyong ibinibigay ng pagdila ni Rain sa tenga nito.

"Pero baby, my pasok tayo eh"

"Then baby we'll ditch class"

"No baby, di pwede eh we have an activity and it's a laboratory class mahirap na baka bumagsak ako. Lam mo naman sila mommy" malanding tugon ni rain habang pinapaikot ang mga daliri nito sa bangs niya

"Maybe next time, para mapaghandaan ko ulit yung SESSION natin.. Hihihi"dugtong ni rain

"Ok sige na nga," nakangusong sabi ni Thunder na parang batang inagawan ng candy

Biglang nag ring ang cellphone ni Rain. Isa itong unregistered number. Alam ni Rain kung sino ito, si John ang asst captain ng football team at ang isa pang kinakalantari ni Rain. Nagpaalam si Rain na sasagutin ang tawag.Sinagot niya ito at lumayo sa kasintahan.

"Hello?"patanong na sagot nito

"Hello Rain, i missed you! Ipaaalala ko lang sa iyo na mamaya may session ulit tayo" saad nito habang humihingal na sabi nito dahil kasalukuyang nagjojogging ito

"Ok baby, punta na lang ako mamaya sa condo mo."

Ang di alam ni Rain ay kahit mdyo malayo ito kay thunder ay naririnig pa din ng binata ang pinag uusapan nila ni john sa telepono
Nang binaba ni Rain ay lumapit ito kay thunder at sinabing wag na siya ihatid mamayang uwian dahil maaga siya uuwi dahil may family dinner sila.

"Uhm baby, tumawag si mom pinapaalala yung family dinner namin mamaya wag mo na akong ihatid. I'll just take taxi to the venue" pagllahad ni Rain sa kasintahan

"Ok baby, may group study din kasi kami ng mga barkada ko kaya di kita maihahatid" sabay halik sa labi ng dalaga

Ang di alam ni Rain ay plano siyang sundan ni thunder. Sa loob loob nito ay galit ito at gumagawa na ito ng plano ng mga gagawin niya mamaya.
Naging mahaba ang araw, Hindi mapakali si thunder. Dahil sa inis at galit n namumuo sa puso nito bigla na lang itong napasigaw at biglang sinuntok ang pader sa cafeteria. Nangingilid ang luha nito.
Nagulat ang lahat at napatingin sa kung saan nanggaling ang sigaw. Nakita nila na galing iyon sa lamesa nina thunder. Agad namang nagbulungan ang mga tao sa paligid.

"Tol anong meron? Mukhang highblood si Thunder ah?" bulong ng isang estudyante

"Bayaan mo na papansin lang yan, siguro frustrated pa rin dahil sa pagkatalo niya kay Cloud noong isang araw" bulong na sagot ng katabi nito

Nasa cafeteria rin sina Skye at Cloud nang mangyari ito, hindi na lang nila pinansin ito dahil sabi ni cloud na may mas mahalagang bagay pa na dapat pagtuunan ng pansin.

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon