Chapter 52: Isang Bagong Kaibigan

2 1 0
                                    


Nang matapos kausapin ni Cloud ang taong tinawagan niya ay agad siyang nag-ayos ng mga gamit niya. Kinausap niya kasi si Ms. Alda na kung pwede ay sa Biñan na muna siya sa manufacturing plant ng Alda Motors pumasok para sa kanyang internship kahit stay in dahil gusto niyang matuto din ng ilang bagay tungkol sa car manufacturing, pero ang totoo ay nais lang muna niyang lumayo upang makapag-isip isip.

Pumayag naman si Ms. Alda sa gusto ni Cloud pero may konting hinala ito sa biglaang desisyon ni Cloud. Ang lalong nakakapagtaka dito ang pakiusap ni Cloud na wag sabihin kay Skye ang ginawa niya kahit magtanong ito. Agad na tinawagan ng dalaga ang ilang mga tao para maiayos ang nais ni Cloud. Nang maiayos na ito ay agad na tinawagan ni Ms. Alda si Cloud upang maipagbigay alam sa kanya na ok na ang lahat at ipapasundo na lang siya first thing in the morning.

Maagang nagising si Cloud kinabukasan. Sinabayan niya ang kanyang ate sa almusal at dito ay nagpaalam na siya dito na sa Biñan na siya muna papasok at stay in siya doon.

"Ahhhm,  ate magpapaalam lang sa iyo. Sa Biñan muna ako papasok para s internship ko. Kailangan din daw namin kasing malaman yung tungkol sa car manufacturing. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon pero kung may time uuwi naman ako." paliwanag ni Cloud

"Sige,  basta magpakabait ka doon ha?  Galingan mo." wika ng ate ni Cloud

"Nga pala ate,  wag mong sasabihin kila Skye kung nasaan ako lalong lalo na din kay Thunder. Baka kasi biglang sumugod iyong mga iyon doon. Kailangan ko munang lumayo sa kanila kumbaga, hihinga lang ako para makapag-isip isip." pakiusap ng binata

"Ok sige,  pero bakit pati si Skye?" tanong ng ate ni Cloud

"Humingi kasi sa kanya ng tulong si Thunder para makapag-usap kami. Tinulungan naman niya at nakapag-usap naman kami pero syempre dahil sa bugso ng damdamin napunta sa sagutan kaya parehas kaming mas lalong nasaktan." paliwanag ni Cloud

Habang nag-uusap ng mag-ate ay may bumusinang sasakyan sa labas nila. Agad itong sinilip ni Cloud at siniguradong iyon ay yung company car at hindi iyon sina Skye at Thunder.

Nang masigurado na iyon nga ng company car ay agad na nagpaalam si Cloud sa kanyang ate at kinuha ang kanyang mga gamit. Agad na sumakay si Cloud at lumisan na sila papunta sa manufacturing plant ng Alda Motors.

Nang makaalis na si Cloud ay umalis na din ang kanyang ate at pumasok sa kanyang trabaho. Medyo naging busy ito s kanyang trabaho nung umagang iyon pati na din ssa pag-aalala sa kapatid. Hindi niya maitago ang pag-aalala at ito ay napansin din ng kanyang amo,  si Ms. Alda Rubio.

"Claire? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa  sarili mo at di ka mapakali? May problema ba?" tanong ni Ms. Alda

"Ahhhm,  Ma'am wala po ito nag-aalala lang po ako sa kapatid ko. Heartbroken kasi siya kaya medyo malungkot ayun. Also nagpaalam po siya sa akin na ililipat siya sa Biñan ng Alda Motors and stay in siya doon." kwento ni Claire

Napataas ang kilay ni Ms. Alda sa narinig. Agad itong nagtanong sa dalaga para kumpirmahin ang isang bagay.

"Claire,  answer me is your brother's name Kaizen Cloud Samaniego?" tanong ni Ms. Alda

"Yes ma'am, why?" tanong ni Claire

"What a coincedence? I didn't know na kapatid mo pala siya, I really admire that boy, very talented, good looking and intelligent." manghang lahad ni Ms. Alda

"Thank you for the praises ma'am" pasalamat ni Claire

"He called kagabi, telling me that he wants to be transfered to Biñan because he wanted to know more about car manufacturing yun lang. Pumayag ako, without asking. What's happening ba? You said na he's heartbroken? What happened?" pangungulit ni Ms. Alda

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon