Chapter 30: Sleepover

2 1 0
                                    


Araw ng Sabado, maagang natapos ang mga klase nila nung araw na iyon. Sina Cloud at Thunder naman ay hindi na nagstudy session noong araw na iyon dahil mauuna nang uuwi si Thunder. Kailangan niya pang magprepare para mamaya. Si Cloud naman ay sasabay na lang kay Skye at dadaan muna sa bahay nila para kumuha ng mga gamit at para magpaalam ulit sa ate niya dahil alam nitong nakalimutan na naman nito ang tungkol sa sleepover.

Matapos dumaan sa bahay nila Cloud at magpaalam sa ate nito ay dumaan muna ang dalawa sa isang supermarket para bilhin ang mga ipinabili ni Thunder. Nagchat kasi ito kanina at nagpapabili ng mga beer na maiinom nila mamaya. Bumili ang dalawa ng 3 kahong beer. Dinamihan na nila para may stock sila in case na bibisita ulit sila kila Thunder.

Nang makarating sila ay namangha na lang ang dalawa dahil sa lawak at laki ng bahay nila Thunder. Mayroon itong indoor pool na may jacuzzi at basketball court. Meron ding malawak na garden na punong puno ng mga bulaklak. Agad silang sinalubong ni Thunder na nakasuot ng pambahay.

"Oi Pre! Kamusta byahe!" tanong ni Thunder

"Ok naman, as usual traffic pa din! Ikaw ha sana sinabihan mo muna kami kung gaano kagarbo itong bahay nyo para di na kami nagulat pa.. Haha😁😁" pagbibiro ni Skye

"Naku tigilan niyo nga akong dalawa! Halina kayo pasok na nang makapag umpisa na tayo..haha😁" sagot naman ni Thunder

"Ahhm, Pre sino kasama mo dito?" tanong naman ni Cloud habang naglalakad sila papasok

"Ahh ako lang tsaka yung mga kasambahay namin. Only child kasi ako tapos parents ko nasa States dun na nakabase." sagot ni Thunder

Nang makapasok na sila ay agad silang naglagay ng beer sa may chiller tapos inaya muna silang kumain ni Thunder. Maraming nakahaing putahe sa mesa para ngang may party eh. Habang kumakain ay nagtanong si Skye:

"Ui! Mukhang andami naman nitong pinaluto mo eh tatlo lang naman tayong kakain anung akala mo sa amin vacuum?" tanong ni Skye

"Ahehehe, Actually tinanong ko na sila manang kanina kung bakit madami siyang niluto eh tatlo lang naman tayong kakain. Sabi niya eh first time daw kasing may mga pupuntang kaibigan ko dito kaya ganun madami siyang niluto." paliwanag ni Thunder

"Huh? Eh bakit sina Paul? Yung mga kateam mates mo sa basketball team? Di pa ba sila nakakapunta dito?" gulat na tanong ni Cloud

"Ahhhm, Hindi pa. Mga maaarte kasi yung mga yun, kesyo malayo daw tsaka traffic papunta dito kaya ayun wala pang nakakapunta talaga, kayo pa lang." maikling paliwanag ni Thunder

Nang matapos na silang kumain ay pumunta na sila sa may theatre room. Nandoon ang isang 52" LED tv na may speakers. Mayroon ding snack bar doon kung saan makikita mo ang isang mini popcorn machine, mga junkfoods ibat ibang klase ng sodas, at bottled juices pati na din yung mga beer na binili nila kanina.

Agad na pinagdebatehan ng tatlo kung ano ang papanoorin nila. Nanalo naman si Cloud at siya ang pumili. Ang napili niyang papanoorin nila nung gabing iyon, ung ay The Exorcism of Emily Rose (2005). Aayaw sana ang dalawa dahil parehas silang hindi sanay na manood ng horror pero wala silang magawa

"Cloud wag na yan iba na lang" pagtutol ni Skye

"Oo nga Cloud iba na lang pangit yan!" pagdugtong ni Thunder

"Naku? Eh ano pang silbi kong namili ng papanoorin natin kung kayo din pala ang masusunod? Di ba?" iritang sabi ni Cloud

"Tsaka bakit ayaw nyo ba ito? Or natatakot lang kayong manood dahil horror ito? Anu kayo mga bakla? Have balls men? " dutong nito

Hindi na nakaimik ang dalawa. Kahit ayaw nilang panoorin iyon at medyo takot sila eh wala silang magawa dahil mas nakakatakot magalit si Cloud dahil di ka lang nito sasaktan physically kundi pati emotionally.

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon