Chapter 57: Yuletide Aftershock

2 1 0
                                    


Matapos ang nangyari nung nakaraang araw sa ospital ay hindi na nawala sa isipan ng binatang si Cloud ang kanyang mga narinig galling sa bibig mismo ni Thunder.

*FLASHBACK*
"Oh baby ano may masakit ba?" tanong ni Thunder

"Wala baby, nahihirapan lang kasi ako ng slight lang alam mo naman malapit na akong manganak sa baby natin, arent you excited?" maarteng sagot ni Rain

"Yeah, am so excited to see him. I wanna see him grow and us having to take care of him and be a family." masayang turan ni Thunder

"Really baby? That's so nice, I love you!" sabay halik nito sa labi ni Thunder

"I love you too" sagot naman ng binata

*end*

Naguguluhan pa din ang binata dahil sa mga narinig. Isa ba itong babala sa kanya na mas masasaktan siya dahil sa kanyang desisyon? O di kaya naman ay sinasakyan lamang ni Thunder ang dalaga para di ito mag-eskandalo? Hindi niya alam ang iisipin.

Ilang araw na ding nagmemessage at tumatawag sa kanya si Thunder pero di katulad nang matapos silang magpacheck-up ng nanay niya ay sinasagot naman niya ito ngunit pero hindi niya pinapaalam sa binata ang kung ano mang kanyang mga nakita at narinig. Ilang beses na din itong nagyayaya sa kanyang lumabas subalit kanya itong tinatanggihan dahil palusot niya na busy sila ng nanay niya para sa nalalapit na pasko.

Isang araw ay naisipang tawagan ni Cloud si Storm, medyo nabuburyo na din kasi siya sa bahay kaya kailangan niyang lumabas. Matapos tawagan ay napag-uspan nilang magkita sa isang mall malapit sa kanila. Nagcommute lang siya papunta doon at doon daw sila magkikita sa may foodcourt.

“Hey Cloud! Kamusta na?” bati ni Storm

“Ok naman, eto buhay at masaya...hahaha” patawang sagot ng binata

“Balita ko ok na kayo ni Thunder ah?” tanong ni Storm

“Hmmm, sort of, but…” tigil nito

“Having second thoughts?”muling tanong ng dalaga

Tumango lamang ang binata, pero nung akmang magkkwento na ito ay pinigilan ito ng dalaga at nagsalita.

“Wait! Before you tell what happened let us search muna for a place to eat? I’m so hungry na kasi, better yet yung nagseserve na din ng cobffee or tea afterwards kasi mukhang medyo mahaba-haba yang kwento mo.” Saad ni Storm.

Napangiti naman si Cloud sa tinuran ng dalaga. Wala pa din talaga itong pinagbago. Matapos ang ilang minute ay napadpad sila sa isang fusion-style Japanese restaurant.

Agad silang pumasok at nag-order ng makakain. Nang dumating na ang pagkain nila ay agad silang kumain at nagkwentuhan.

“Oh, anu na? Now spill the tea, bakit ka nagsesecond thoughts kay Thunder?”

“Ok, actually nung isang araw nagpacheck-up si mama, sinamahan ko siya. Medyo nabored ako kaya naglakadlakad muna ako. Ayun napadpad ako sa OB gyne section. Doon napansin ko sina Thunder at Rain. Nagtago ako kasi papalapit sila sa akin eh, ayoko naming may plastikang maganap pero ayun narinig ko na excited si Thunder na palakihin iyong bata, at magiing buo silang pamilyang tatlo.” lahad ni Cloud.

“I’m not sure ha kung he intended what he said pero there’s a 50-50 chance kasi na he means it and he might ditch me in the future or pinapasakay niya lang si Rain for the sake of humanitarian reasons.” dutong ni Cloud.’

“You know, masyado kang madaming ideas in mind? You think too much! Pwede ba isantabi mo muna yan ang just go with the flow muna? Just enjoy the season muna ha? Christmas and New Year is a few day away, be happy muna ha?”

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon