Chapter 36: Can I Court Your Brother?

1 1 0
                                    


Nang matapos ang kanilang afternoon classes ay agad na nagpaalam si Cloud kina Skye at Thunder at agad itong ngbook ng Grab papunta sa Salcedo Village Makati, sa restaurant nila Skye. Binalak na sundan ni Thunder si Cloud pero pinigilan siya ni Skye.

"Pre bkit ba hindi pwede? Syempre nag aalala naman ako sa future king ko di ba?" pagdadahilan ni Thunder

"Naks future King kaagad? Pre sumunod ka na lang sa sinabi niya. Magagalit yun kapag nalaman niyang sinundan mo siya." paliwanag ni Skye

"At tsaka magtiwala ka nalang sa kanya. Wala iyong gagawing kung anuman" dugtong ni Skye

"Ok fine, so what's up now?" tanong ni Thunder sa kasama

"Hmmm, I know. If you want antayin mo na lang siya sa kanila. Also kausapin mo na din ate niya na liligawan mo si Cloud." sabi ni Skye

"Huh? Meet the family agad?" tanong ni Thunder

"Mas ok nga yun eh, magpaalam ka sa family niya para matanggap ka and yung magiging relasyon nyo. Wag kang matakot, hindi naman nangangain ng buhay yung ate ni Cloud eh. Siyempre do your best pa din para matanggap ka niya para sa kapatid niya..haha" paliwanag ulit ni Skye

Matapos mag usap ay agad na nagtungo ng dalawa sa parking lot at agad tinahak ang daan papunta sa kanila Cloud. Napagkasunduan nilang dumaan muna sa isang fastfood para sa dinner nila mamaya. Sa kabilang dako naman ay nakarating na si Cloud sa restaurant nila Skye at doon ay agad siya sinalubong ni Storm.

"Hey Cloud baby, anung problema?" tanong ni Storm sabay upo sa isang couch kaharap si Cloud

"Ahhhm, Thunder..." putol na sabi nito

"What's with Thunder?" tanong ni Storm

*silence*

"Thunder asked my permission this morning, to let him court me..." paputol putol na sabi ni Cloud

"Ohhh, alam ba ni kuya yan?" muling tanong ni Storm

"Yes and it seems like hiningi din ni Thunder ang permission niya kagabi at pumayag naman yung kuya mo. Also tinutulungan pa nga nya si Thunder eh." paliwanag ni Cloud

"Ok and then what's your answer?" tanong ulit ni Storm

"I told him na pag-iisipan ko pa." sagot naman ni Cloud

"Wait lang with your reactions right now, siya ba yung sinasabi mo noong isang araw?" takang tanong ng dalaga

Napatango na lang si Cloud sa tanong ni Storm.

"Oh naman pala eh, what's the problem?" tanong ni Storm

"Yes, may nararamdaman ako sa kanya, but ano na lang sasabihin ng mga tao sa amin? Alam namn natin na medyo aloof pa dito ang same sex relationship." sagot ni Cloud

"Cloud my dear, bakit mo iniisip ang sasabihin ng iba? Think about this: Do not do anything that will make you ask yourself "what if" just because you are just afraid on what will other people say. Your happiness is at stake here. Love knows no gender. Everyone of us needs it, but as I told you when you lay down your cards be ready for the outcome. Pwede kang masaktan, umiyak, sumaya, tumawa. Be strong for yourself and also to the people around you." mahabang paliwanag ni Storm

Napaisip si Cloud ng malalim. Tama nga si Storm, mahirap magkaroon ng regrets. Kahit na alam naman nating napakajudgemental ng mga tao ngayon eh happiness naman niya ng at stake dito.

"Ok, I've decided payag na ako na ligawan niya ako." sabi niya dito

Biglang nakatanggap si Cloud ng chat mula sa ate niya. Asa kanila daw ngayon sina Thunder at Skye kanina pa at hinihintay siya.

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon