Chapter 22: Skye's Guilt

3 1 0
                                    

Matapos umamin ni Skye ay medyo naging mailap ito kay Cloud. Palagi itong tahimik at lutang. Kahit kausapin siya ni Cloud ay ganoon pa din. Mukhang hindi pa din niya matanggap ang nangyari nung umamin siya sa kaibigan. Nandoon pa din kasi yung guilt feeling na nagsinungaling siya kay Cloud.

Nararamdaman ni Cloud ang nangyayari lay Skye. Kahit gusto niya itong tulungan sa pamamagitan ng pagsasabing Ok lang sa kanya ang ginawa ng kaibigan ay si Skye lang ang makakatulong sa sarili nito ngayon.

Dumistansya muna si Cloud sa kaibigan upang bigyan ito ng space. Kinausap muna niya si Skye na kahit magcommute na lang muna siya papasok at pauwi at wag na muna siyang sunduin at ihatid, pumayag naman si Skye dito.

Isang araw na lang at midterms na. Nag kanya kanyang review muna ang magkaibigan. Hindi muna sila ng group study sa bahay ni Skye. Maghapong nakakulong sa kwarto si Cloud para magreview. Hindi naman siya iniistorbo ng ate niya. Nang bandang hapon na ay lumabas si Cloud sa bahay para magpahangin.

Nakarating siya sa mini park ng village nila. Doon ay may mga batang nagtatakbuhan at mga lalaking nagbabasketball. Naalala ni Cloud si Skye, Kamusta na kaya ng kaibigan niya?

Sa kabilang dako ay ganoon pa din si Skye, malungkot, lutang at palaging nakatingin sa malayo. Nagkulong lang siya sa kwarto maghapon, nagpakabusy siya sa pagrereview. Dumating ang hapon ay umakyat siya sa terrace nila para makalanghap ng sariwang hangin.

Araw na ng lunes, gaya ng napag usapan nila Skye at Cloud ay hindi na sinundo ng una ang huli. Nagcommute na lang ito. Habang nasa school premises ay walang kibuan ang dalawa. Maski magkatabi sila sa klase ay tahimik pa din sila. Mag uusap man ay sandali lang.

Ganoon pa rin ang naging scenario ng magkaibigan sa mga sumunod na araw. Tahimik, magkatabi pero hindi nag uusap. Ikinalungkot ito ni Cloud. Halos mapaiyak siya sa mga nangyayari sa kanila. Hindi siya sanay na ganito ang pakikitungo ng bestfriend niya sa kanya. Mahirap at masakit.

Lunchbreak, araw ng Miyerkules. Habang lahat ay busy sa pagkain ng lunch at pagrereview sa mga malalabi pa nilang exams ay tumigil ang instrumental cover na tumutugtog sa audio. Pumalit dito ang boses ni Cloud.

Agad na tumugtog ito ng gitara at kinanta ang kanyang cover ng Stay ni Carol Banawa. Habang kumakanta si Cloud ay kasama naman ni Skye ang mga officers ng music club. Sa kanila siya sumasama simula nung huling usap nila ni Cloud.

"Hey Guys? Is that Cloud?" tanong ni Amanda habang kumakain ng binili nitong pagkain

"Yyyaaahh? Yah it's Cloud?" nagtatakang sagot ni Keiffer

"Skye, nasabihan mo ba si Cloud na instrumental song lang ang ipplay na natin ngayong midterms? Na bawal muna ang live performance." baling na tanong ni Keiffer kay Skye

"Yah, actually inulit ulit ko pa nga yun sa kanya eh." walang ganang sagot nito

"Wait lang Keif, listen to the way that he sings the song. Is he in pain? I think longing perhaps? Ramdam mo yung sakit na nararanasan niya ngayon and halatang malungkot siya" saway ni Amanda

Nang marinig ito ay unti unting lumayo si Skye sa mga kasama at tumakbo. Gusto nang kumawala ng mga luha nito ngunit pinigilan niya. Dumiretso siya sa rooftop. Sa rooftop kung saan siya umamin kay Cloud. Pagdating sa rooftop ay saka niya ibinuhos ang mga luha niya. Mga luha ng pighati at lungkot pati na din ang guilt na nararamdaman niya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala. Pero hindi niya kaya.Gusto niyang ilabas ang nararamdaman niya para kaya na niyang makaharap ulit ang bestfriend niya.

At natapos na nga ang kanta, Agad na lumabas si Cloud sa Club room. Bago makalabas ay nakasalubong niya sina Amanda at Keiffer sa may pinto.

"Hey!" bati nito sa dalawa

"Hey! Nasabi ba sa iyo ni Skye na instrumental music lang ang ipplay natin this midterms?" tanong ni Keiffer

"Yes chief, and I'm sorry for that I just really need to release stress. That's why I went here to play a guitar but di ko napansin na nakakabit pala yung chord nito kaya narinig sa buong campus." malungkot nasagot ni Cloud

"It's ok" sabi ni Keiffer

"Ahhhm Cloud? Are you ok? Is there bothering you?"singit na tanong ni Amanda

"I'm ok, why?" ani Cloud

"I asked because the way you speak right now and the way you sang that song a while ago, damang dama kasi yung longing, yung sadness, yung pain. What's happening? Are you really ok?" paliwanag at muling tanong ni Amanda

"Ahhm, thank's for the concern, let's just say it's to personal kaya medyo mahirap sabihin." malungkot na ngiti ng binata

"Ok, but if you need someone to talk to andito lang kami ha ?" pagbibigay ng assurance ni Amanda kay Cloud.

Habang umiiyak si Skye ay nagulat na lang ito nang may isang lalaking bumangon sa di kalayuan. Mukhang kakagising lang nito at biglang tumayo. Nang makalapit na ito ay lumapit ito kay Skye at nagtanong;.

"Why are you crying?" tanong nito

"I'm sorry it's too personal." sagot ni Skye

"Ok, but this is my advice to you:
If it's a guy or a girl that you really love or someone that you hold dear huwag mo siyang bibitiwan.
Kahit binasted ka niya or na friendzone ka, ituloy mo pa din ang pagsuporta sa kanya. Mahirap mawalan ng minamahal lalo na kapag marami na kayong pinagsamahan.
Hindi mo kailangang maging kasintahan ng mahal mo, you can be a friend who supports him,
Tandaan mo mas mahalaga ang friend kesa sa lover dahil ang lover kayang palitan pero ang kaibigan hindi. " sabi ng lalaki

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon