Chapter 11; Nakakain love Siya!

3 1 0
                                    


Matapos ang usapan nola thunder at cloud tungkol sa tutorial sessions nito ay hindi na sila nag usap pa. Alam naman nila na busy sila sa paghahanda para sa nalalapit na school fair.

Dumating ang School fair , isang linggo ding gaganapin ito. Padamihan ng tickets na makukuha. Lahat ng club kasali kasama na din ang Basketball team. Ang music club ay ngset up ng videoke booth. Ang Basketball club naman ay nagset up ng heartrobs booth kung saan maaaring magpapicture or makakiss sa kahit sino mang member ng basketball varsity.
As usual si Thunder ang pinaka mabenta sa kanilang lahat. Hindi lang tickets ang natanggap niya para kanilang booth kundi pati na rin chocolates, plush toys at mga sulat mula sa kanyang mga tagahanga lalong lalo na sa thunder babies. Dahil dito ang panandaliang nakakalimutan ni thunder ang nangyari sa kanila ni Rain.
Nagkakasalubong pa din naman sila ng dati niyang kasintahan pero kusa na lang siyang umiiwas dito. Ilang beses na din siyang sinubukang kausapin ni Rain pero hindi niya ito iniimik at umiiwas na lang dahil baka kung ano pang ang magawa niya dito.

Kumpleto lahat ng makikita mo sa school fair. Ice cream, Cotton candy at mga estudyanteng napakasaya at kulang na lang ay magtakbuhan dahil dito. Meron ding booth kung saan pwede kang magpadala ng chocolates, bulaklak, stuff toys at love letters para sa crush mo sa school. Dapat lang ay alam mo ang pangalan at course nito para naipadala mo. Nandyan din ng dedication booth para sa mga malalakas ang loob na ihayag ang kanilang mga saloobin para s kanilang mga sinisinta.

Tuwang tuwa si cloud sa mga nangyayari. Walang pagsidlan ang kanyang mga ngiti. Si skye naman ay nakatingin lang dito.

Skye's POV

Cloud
Grabe ang mga ngiting iyan, nakakatunaw.
Napaka genuine at halatang napakasaya mo ngayon.
Sana makita ko pa din yang ngiting yan kapag nagtapat na ako sa iyo.
Huwag mo sana akong layuan
Huwag mo sana akong iwan

Napadaan sina cloud at skye sa videoke booth ng music club upang kamustahin sina chief. Nang makita nilang ok ang mga ito ay aalis na sana sila pero pinigil sila upang ipaalala ang band practice nila mmayang hapon.
Habang kausap nila ang club president ay biglang nagsalita ang isang babae mula sa dedication booth at binasa nito ang isang message.

"This message is for Mr. Kaizen Cloud Samaniego,

I know marami ka nang admirer, babae man yan, lalaki or lgbtq
Kahit saan or kahit kailan pa andito lang ako para sa iyo, nandito lang ako sa paligid na nagmamasid
Hindi kita sasaktan at pprotektahan kita sa lahat ng oras

From: Cookie monster 😀😀😀

Ok sobra namang nakakakilig yung message n yun with that eto ang isang song from Reo Brothers-Ako'y Tinamaan enjoy.
At tumugtog na nga ang kanta. Rinig na rinig ito sa buong campus

Bakit ba nang makilala ka
Hindi na makatulog sa bawat saglit ay iniisip ka
Di mapigil ang sarili na hindi ka makikita
Anong meron ka?
Meron kabang gayuma?
Sana ay muli kitang makita
Puso ko'y sapol sa'yong talaga
Ngunit pano mo maririnig
Pano mo mababatid
Ang tinitibok ngayon ng aking dibdib

Chorus
Akoy tinamaan puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip walang nalalaman
Kundi ikaw lang pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin
Pag iyong nararamdaman

Habang tumutugtog ang kanta ay napaisip si Cloud kung sino ang nagdedicate sa kanya. May mga pinaghihinalaan siya. Pero malakas ang kutob niyang malapit lang sa kanya ang taong iyo. Napakalapit lang talaga. At unti unti siyang napatitig kay Skye.

"Ano yun?" tanong ni Skye

"Ahh, wala naman" sagot nito

"Oi pre, if you are thinking na ako yung nagdedicate sa iyo. You are joking. Bakit ko naman gagawin yun? Di tayo talo pre!" sabay suntok ng marahan sa dibdib ni cloud

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon