Chapter 23: The Lady in Burgundy

4 1 0
                                    


Nang makalapit sa kanya ay saka lang naaninag ni Skye kung sino ang lalaki. Si Thunder. Yung lalaking nagpabugbog sa kanya at nambully sa kanila ni Cloud. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng binata, parang alam nito ang pinagdadaanan niya/nila ngayon ng kaibigan niya.

"I am sorry! I'm sorry I woke you up also I am sorry that you caught me in my most vulnerable state." paghingi ng paumanhin ni Skye habang nagpupunas ng mga luha nito

"No! I am sorry! I am sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo ni Cloud. For at least giving you a hard time. Pero now I've realized what I had done wrong and I am really sorry for it" wika ni Thunder sa kausap habang nakabow.

"It's ok Thunder, medyo matagal na iyon kaya kalimutan mo na. Actually nakalimutan ko na nga eh. You are forgiven." sabi ni Skye

"Thank You! Now? Is this about what's happening between you and Cloud?" muling tanong ni Thunder

"How did you know?" gulat na tanong ni Skye

"I have this habit of observing people, that's why. Ilang araw ko na din kayong inoobserbahang dalawa. Malaki ang pinagbago ng samahan nyo simula nung una. You dont talk much with each other. Almost di kayo nagpapansinan. Nag iba ka din ng sinasamahan. And naconfirm ko lang iyon kanina, when Cloud sang a song and narinig ito sa buong campus. There is longing, pain and sadness in his voice."

"Actually we had a big misunderstanding. A really big one....

I fell in love with him and I am friendzoned. And also that cookie monster thingy I'll guilty about it." sagot ni Skye

"If I were you, think about what I said a while ago. Masakit talaga yan pero you'll eventually find a way para magkaayos kayo. Don't be a fool.

Sige, mauna na ako! May exams pa kasi ako." paalam ni Thunder

"Sige!"

Matapos ang exams nila nang araw na iyon ay agad umalis si Cloud ng campus. Kailangan niyang maglakad lakad. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin. Nakarating siya sa may Roxas Blvd. Malapit na sa CCP Complex. Umupo siya sa may breakwater at nag umpisang mag isip. Habang nag-iisip ay hindi na namalayan ng binata na siya ay lumuluha na, humihikbi. Hanggang sa may isang babaeng humawak sa balikat nito.

Ang babaeng nabanggit at nakasuot ng pulang flowy pants at blazer. Nakasuot din siya ng hat na pula na wari mo'y nasa beach lang siya. Halata mo sa babaeng ito ang pagka sopistikada at pagiging nakakaangat sa buhay.

"Excuse me? Why are you crying?" tanong ng babae

"Oh, I am sorry! May pinagdadaanan lang ako." sagot ni Cloud habang nagpupunas ng luha

"Ahh ganun ba? Would you mind sharing it? I can be your shoulder to lean on, by the way I am Alda, Esmeralda Rubio, and you are?" pagpapakilala nito

"Kaizen Cloud Samaniego." sabay abot ng kamay nito

"I know a place where we could talk, let's go?" yaya ni Alda

"Ok!" nagdadalawang isip na sagot ni Cloud

Tumawag ng Grab si Alda para sa sasakyan nila. Hindi alam ni Cloud ang mangyayari o kung saan siya dadalhin ng babaeng ito. Hanggang sa makarating sila sa May Salcedo Village, Makati.

"Here we are!" sabi nito habang papasok sila sa isang restaurant.

Halatang high end ang bar na iyon. Maganda ang interiors, classy at sopistikado. Lahat ng servers ay naka puting long sleeves at bowtie. Mayroon ding grand piano sa isang gilid at katabi nito ang isang maliit na stage. Kung saan pwedeng magperform. Nung gabing iyon ay kasalukuyang nagpeperform ang isang violinist. Malungkot ang kantang tinutugtog nito. Nang marinig ito ni Cloud ay napaluha na naman siya dahil naalala niya ang bestfriend niyang si Skye. Nang makaupo na sila ay tinawag ni Alda si Cloud.

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon