Chapter 44: As Planned

2 1 0
                                    


Katahimikan, yan ang bumabalot ngayon sa lugar na pinagdalhan kay Thunder. Wala ang mga boses ng mga lalaking dumukot sa kanya na kasalukuyan ay sinasaktan si Cloud. Nag aalala siya para sa binata pero wala siyang magawa dahil nakatali ang mga kamay niya at nakapiring pa siya.

Napaiyak na lang siya dahil nangako siya na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang binata ngunit dahil sa mga kalokohan na ginawa niya noon ay nadamay pa ito.

"Cloud,  sorry! Cloud!.. Huhuhu😢😢" sambit nito

"Napakaiyakin mo naman pala?" turan ng isang boses galing sa malayo

Hindi mawari ni Thunder kung kanino galing ng boses na iyon dahil medyo malayo ang pinanggalingan nito. Matapos marinig iyon ay nakarinig siya ng mga yabag n papalapit sa kinaroronan niya at nang nasa harap na niya ito ay muli itong nagsalita.

"Grabe naman ang batang iyan,  napakaiyakin." sambit nito

"Cloud? Cloud? Ikaw ba yan?" Sigaw ni Thunder

Hindi na nagsalita ang binata at pumunta ito sa likod ni Thunder at tinanggal ang tali sa mga kamay nito. Nang matanggal na ang tali ay inalalayan nitong tumayo si Thunder at tinanggal nito ang piring ng binata.

Nang matanggal na ang piring nito ay bumungad sa harapan nito si Cloud na walang galos at walang pasa. Agad niya itong niyakap at napahagulgol n lang ang binata sa tuwa.

"Shhhh,  tahan na" sabay yakap ni Cloud sa binata

Medyo naawa si Cloud sa kasalukuyang kalagayan ni Thunder. Mukhang asa state of shock ito at hindi makausap. Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay tumahan na din ai Thunder. Dito ay nagsalita na si Cloud.

"Thunder" tawag nito sa binatang nakasandal ang ulo sa balikat niya

"Yes?" tanong naman nito

"Anong ginawa mo sa akin?" tanong ni Cloud

"Ginawa?" balik tanong ng binata

"Oo ginawa, kasi noong una aaminin ko sa iyo kinamumuhian kita. Kumbaga halos gusto na kitang patayin noon,  pero simula noong magsimula na yung tutorial sessions natin..." paghito ng binata sabay baling sa katabi

"Simula noong tutorial sessions natin, nagsubside na yung galit. Until one time hinahanap hanap ko na lang yung presence mo. Kapag may kasama kang iba nagseselos ako. Tapos kapag hindi mo ako pinapansin naiinis na lang ako bigla. Kumbaga nagiging selfish at possessive ako pagdating sa iyo.

Gusto ko palagi kang asa tabi ko.
Yung ako lang palagi ang kausap mo.
Yung nasa akin lang palagi ang atensyon mo.
Gusto ko palagi na lang Cloud Time.
Pero hindi pwede eh."

Habang nagsasalita si Cloud ay nakatingin lang sa kanya si Thunder na parang tulala at naghihintay.

"Noong humingi ako ng two weeks break dahil nga finals na,  I longed for your presence. Gustong gusto kitang puntahan pero pinigilan ko ang sarili ko. But now hindi ko na kailangang magpigil, di ko na rin kailangang mangamba sa sasabihin ng mga tao sa paligid. I am willing to risk everything. Ayoko na ding magpanggap,

I LOVE YOU THUNDER!..😊😊😊
WILL YOU BE MY BOYFRIEND? "

Hindi alam ni Thunder kung paano magreact sa mga tinuran ni Cloud. Shocked siya, totally shocked. Ang akala niya kasi noong ay baka "hindi" ang maging sagot sa kanya ni Cloud dahil sa nangyari sa kanila two weeks ago. Pero ngayon kabaliktaran na nga ang nangyari.

"Yes Cloud! I wanna be your boyfriend.." sagot ni Thunder sa tanong ng binata.

Matapos makuha ang sagot n pinakahihintay ay agad na hinalikan ng binata ang kasintahan. Nang maglapat na ang kanilang mga labi ay bigla naman bumukas ang ilaw sa buong gym.

Agad na lumapit ang mga kakilala nila. Sina Skye, Amanda, Kieffer, Linus at pati na din ang coach ng basketball team kasama na din sina Paul at ang buong basketball team.

"Hay salamat naman din at kayo na din sa wakas! 😉😉" bungad ni Skye

"Ang saya naman talaga, love wins!..😍😍" sabi naman ni Amanda

"Naku kung alam mo lang Thunder kung gaanong hirap ang sinuong ni Cloud para dito... Hahaha😂😂" saad ni Kieffer

"Pre! Congrats ha? Alagaan mo boyfriend mo.. Hahaha" sabi naman ni Paul kay Thunder

"Ayos?! Mukhang may happy ending story niyo ah?" sabi naman ni Linus

"Naku hindi pa yan,  mag-uumpisa pa lang love story namin di ba my king?" sabi ni Thunder sabay baling kay Cloud

"Oo, marami pang dadating na pagsubok yan pero am sure makakayanan naman namin yan."  masayang sabi ni Cloud

"Oh basta mga anak ha? Tiwala lang sa isa't isa ha?  Kapag mag-aaway wag niyong papaabutin hanggang bukas,  pag-usapan at ayusin niyo agad. " payo naman ng coach ng basketball team

"Yes coach, salamat po!.. 😁😁" nakangiting sagot ng dalawa

"Oh siya!  Mga bata free day muna tayo!  By friday start n ulit ng practice and also Paul at Thunder? By Friday, Saturday at Sunday mgsstart na tayong mamili ng susunod na Captain at Asst Captain ng team." paalala ng coach nila.

"Yes Coach!" pagsang-ayon ng dalawa

Nang maiayos na nila ang mga ginamit nila ay agad na nagyaya si Skye sa restaurant nila para sa celebration.

"Guys! Doon tayo sa restaurant namin celebration..yaya ni Skye"

"Sure sige!  My treat!" sigaw ni Thunder

"Yun oh!" sabay sabay na sigaw nila

Agad silang pumunta sa parking lot at binaybay ang daan papunta sa Salcedo village kung nasaan ang restaurant nila Skye. Tatlong kotse silang nakaconvoy. Sa unang kotse ay sina Cloud at Thunder, sa pangalawa naman ay Sina  Skye, Keiffer at Amanda,  sa pangatlo naman ay si Paul at Linus naman.

Nang makarating na sila ay nandoon si Storm at agad silang inassist nito papunta sa upuan nila. Niyaya na din siya ni Cloud na sabayan sila sa dinner. Pumayag naman ito dahil wala naman masyadong tao noon.

Umupo si Storm sa isang upuan sa tabi ni Skye. Nang makaupo ito ay nagulat na lang siya sa taong nasa harapan niya.

"Ikaw?" sigaw nito

"Jaya?"Gulat n sabi ni Keiffer

"Ehem,  anu meron?" tanong naman ni Skye

"Ahhmm guys,  usap lang muna kaming apat ha?"

Agad na hinila ni Storm sila Thunder, Cloud at Skye

"Ahhm,  guys" bungad ni Storm

"Siya yung ultimate crush ko nung elementary kami." sabi ni Storm

"Really? Small world?" sabi naman ni Thunder.

"Eh anung nangyari?" tanong ni Skye

"Ahhm,  bigla na lang siyang umuwi dito then dito na din siya nagstay" paliwanag ni Storm

"Ohhh, sige kami na ang bahala..😉😉" sabi naman ni Skye sabay kindat.

"Nga pala, dadating sila Ms. Alda ngayon dating gawi. Also Cloud? Sa da drinks?" tanong ni Storm kay Cloud.

"Dating gawi baby, no alcohol. May mga magddrive sa atin kaya wala munang alcohol." sagot ni Cloud

"But..." sabat ni Skye pero agad itong pinutol ni Cloud

"No buts!.." sabi nito na medyo nanlilisik ng mga mata

"Naku,  galit na naman yung baby Cloud ko.." paglalambing ni Thunder dito sabay halik sa pisngi

Agad namang namula si Cloud sa ginawa ni Thunder.

"Baby Cloud?" takang tanong ni Storm

"Yah,  that's what you think. Sila na" sagot naman ni Skye sa kapatid

"Well congrats then, anyways lets go na baka lumamig pa yung pagkain." yaya ni Storm

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon