Chapter 14: She's Straight to the Point

3 1 0
                                    


Gugulatin sana ni Skye ang babaeng nakatalikod sa kanilang terrace ngunit bigla na lang itong humarap sa kanya.

"Kuya, if you are planning to startle me to death don't do it na lang pagod ako." pagalit na saad nito

"Oh, little sister bakit galit agad? Also bakit ka biglang umuwi dito?" tanong nito sa kapatid

"Ugh, I'll be staying here na for good. Napakastressful and toxic ng culture sa States, sumabay pa sila mommy and daddy"

"Teka alam ba nila ito?" tanong ni Skye

"Yes and actually sila ang nagsuggest na uumuwi at magstay na lang dito for good. I'll be continuing my last year of college here. Also dahil under din naman sa course ko yung business natin, our parents want me to train in managing them, especially yung cafe"

"Uhhhmmm ok? So it's settled then? Ipapaakyat ko na yung mga gamit mo sa kwarto mo tapos mag-ayos ka na then we'll celebrate your homecoming, THE GREAT STORM JAYA CRUZ. My treat!"

"HAHAHA! Yaaay! Ang bait talaga ng Kuya ko... Hahaha!" parang batang sabi ni Storm habang tumatalon talon sa kinakatayuan nito.

"Ugh, naku bola!..hahaja" tawang sabi ni Skye

Dumating na nga ang inorder nilang mga pagkain. May pizza, pasta, cake at softdrinks. Agad silang kumain ng dinner kasama ang kanilang mga kasambahay. Matapos maghapunan ay agad na naglipit ang mga kasama nila at agad na nagpaalam sa magkapatid para matulog. Lumipat naman sina Storm at Skye sa may pool at nag inom doon.

"Sis, I have a question? What are you going to do when you suddenly felt that you're in love with your bestfriend?" tanong ni Skye sa kapatid

"Ugh! That scenario again? Earth! My god!?!" biglang sabi ni storm

"Hey? What's with the cringe? Sagutin mo yung tanong ko" nakangiting skye

"Owhk" pabuntonghiningang sabi ni storm
"Like what I have said sa mga nagtanong na din sa akin nyan is, I'll tell my feelings to my best friend, hindi ko itatago. Isusugal ko lahat dahil may 33.3333333333 % na chance na same kayo ng feelings sa isa't isa"

"33.333333333333%?" tanong ni skye

"Yah? May three scenarios kasing pwedeng mangyari: 1) He also loves you 2) He just loves you as a bestfriend and 3) May mahal siyang iba" paliwanag ni Storm

"Grabe naman! Ang sakit naman ng number 2 at 3?" pabuntong hiningang sabi ni Skye

"Actually no, walang masakit sa mga yan kasi kailangan mong itanim sa puso at utak mo na kahit anong mangyari bestfriend ka pa din nya. Those times na pinagsamahan nyo. Yung mga masasaya at malulungkot na bahagi na ng buhay nyo napagdaanan nyo. Yung mga luha at iyak. Yung mga oras na para kayong baliw na nagkakapikunan then bigla na lang susuyo yung isa at makakatawanan. Andyan pa din yan, di yan mawawala sa memories nyo kahit magkalayo pa kayong dalawa." nangingilid ang luhang sabi ni Storm

"Ahhhm, wait lang? Ikaw ba talaga yung little sister ko na si Storm? My brat, stubborn and naggy sister? What happened to you? You're mature na?" gulat na tanong ni Skye

"Skye! Kainis naman panira ka talaga ng moment eh? Grrrr" inis na sabi ng dalaga

"Wait? Why are you asking suddenly about that topic? Dont tell me you're in love with your bestfriend? Tell me! Who's the lucky girl?" mausisang tanong ni Storm sa kapatid

"May bestfriend isn't a girl, but he's a guy" nakayukong sagot ni Skye habang nilalaro ang tubig sa pool

"What? Weh kuya? You're joking?" nabiglang tanong ng dalaga

"No!?" sagot ni skye

"You're gay kuya? Oh my god?" nanlalaking mata na sigaw ni storm

"I'm not really a gay maybe just a bisexual?" nahihiyang sagot naman ni Skye

"Then ok? Who's the lucky guy? Kilala ko ba?" tanong ni storm

"Hmmm, I think naririning mo na yung name nya kasi naiikwento ko na siya sa inyo nina mommy at daddy pero di mo pa siya nammeet" wika ni Skye

"Ugh ok? Anyway anong plano mo? Are you going to tell him? Are you going to court him?" excited namang tanong ng dalaga

"Ahhmm, not yet I need to take time to gather all the confidence around me and be ready na masaktan, malungkot at mag-emo sa kung ano mang isasagot niya." nag aalalang wika ni Skye

"Pero I am planning to let him know my presence. Actually nung school fair, I dedicated a message and a song sa kanya sa dedication booth pero di ko sinabi kung sino ako I left a pen name. " paglalahad uli ni Skye

"Shit that's so high school pero kakakilig yun ha?... In front of the whole campus? Hehehe" kinikilig na sabi ni storm habang binabasa ng tubig si skye na galing s pool.

"But...
Regarding sa pagwwait ng tamang time para sabihin sa kanya yung feelings mo?
We'll good luck sa iyo at baka maunahan ka pa ng ibang may gusto din sa kanya, kapag nagkaganoon ay baka tumakbo ka na lang sa akin ng umiiyak at magsusumbong na meron siyang mahal iba and NA-BESTFRIEND'S ZONE ka.
Pag ganun ang nangyari, tatawanan na lang kita and I will tell you na "I TOLD YOU SO...hahaha" tawang pang aasar ni storm sa kuya

"Haiizzt anyways thanks for the advice sis! You're a big help!" sabi ni Skye sabay yakap kay Storm

"You're welcome and so let's fix this na "coz I know na may pasok ka pa bukas and I also need to rest then I'll go shopping tomorrow." yaya ni storm sa kapatid

"Hey! Napakagastos mo talaga! Kapag naubos yang perang hawak mo di kita paahiramin" nang iinis na sabi ni Skye

"Kuya?!?" nakangusong yakap ni Storm sa kapatid

Pagkatapos nun ay niligpit na nila yung mga pinag inuman nila pati yung box ng pizza na pulutan nila. Agad na umakyat sa kanya kanyang kwarto ang magkapatid. Nakatulog agad si Storm samantalang si Skye naman ay nagchat kay cloud.

"Pre gising ka pa? "

Ilang minuto din ang hinintay ni Skye subalit mukhang tulog na nga si Cloud. Sinilip niya ang oras, alas dos na pala ng madaling araw. Pinikit na niya ang kanyang mga mata at naging malalim naman ang tulog nito

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon