Chapter 53: Minahal Mo Talaga No?

3 1 0
                                    


Isang linggo na simula noong huling nakita ni Thunder si Cloud. Palagi din niyang tinatawagan ang telepono nito pero hindi niya sinasagot. Maski si Skye hindi rin alam kung nasaan ito. Sinubukan din niyang imessage ito via text, viber at messenger ngunit wala pa din itong paramdam, maliban na lang sa pagbasa nito sa message na iniwan niya sa Messenger.

Simula noong huli silang magkita ay hindi pa din maalis sa utak ng binata ang masaktan at isipin ng mga nangyari kung bakit wala si Cloud ngayon sa tabi niya. Sinubukan na din ng binata na tanungin ang ate ni Cloud kung nasaan ito pero wala din siyang nakuhang sagot mula dito. Ang sinabi lang niya ay lumayo muna si Cloud para makapag-isip isip.

Matapos ang pasok niya noong araw na iyo ay agad na dumiretso si Thunder sa Service Center ng Alda Motors para magbakasakaling andun na si Cloud. Nang makarating na siya doon ay naabutan niya si Skye na papalabas papunta sa sasakyan nito. Agad niya itong tinawag at nagtanong dito.

"Skye" tawag ni Thunder

"Pumasok ba si Cloud ngayon?"dugtong nito

"Wala pa din eh,  nag-aalala n nga ako doon. Tinanong ko na nga din yung mga supervisor namin kung nakapagpaalam ba si Cloud sa kanila,  ang sagot nila hindi daw." paliwanag ni Skye

Hindi mawala sa mukha ni Skye ang pag-aalala kay Cloud. Si Thunder naman ay malungkot pa din. Halos maglawa na ang knyang mga mata ng luha. Hindi rin niya maalis na sisihin ang sarili dahil sa mga nangyayari.

Agad na nagpaalam si Thunder kay Skye. Sumakay ito sa kanyang sasakyan at tinahak ang daan pauwi. Dumaan muna ito sa isang convenience store at bumili ng mga alak. Habang bumibili ay may kausap siya sa telepono.

"Pre,  daan ako dyan ha? Inom tayo?" sabi ni Thunder sa kausap

"Sige pre,  basta ikaw" sagot naman ng kausap nito

Agad na binayaran ni Thunder ang mga pinamili at tumungo na sa kanyang kaibigan. Dumating siya sa isang high-end condo sa may Ortigas. Agad siyang tumungo sa unit ng kaibigang si Paul.

"Oh pre,  biglaan naman yata ang pagyayaya mo may problema ba? May dapat icelebrate? Ano? " bati sa kanya ng kaibigan

Napatahimik si Thunder. Agad naman itong pumasok sa unit dala ang mga alak na binili nito. Nasense ni Paul na may problemang dinadala ang kaibigan kaya pinaupo niya muna ito at inalok ng tubig. Minsan lang kasing magyaya ng inuman ito simula noong maging sila ni Cloud.

"Ano pre? Tubig?" alok nito

"No thanks, inom na lang muna tayo." malungkot na sagot nito

"Sige sige, order na lang ako ng pulutan natin."

Tumawag si Paul at nag-order ito ng pizza. Matapos ang 30 minutes ay dumating ito at saka lang sila nag-umpisang mag-inom. Nakakailang bote na din sila nang biglang tanungin ni Paul si Cloud

"Pre," sabay hawak sa balikat ni Thunder

"Ano ang problema?" dugtong ng binata

"Nalaman na ni Cloud na nabuntis ko daw si Rain."

"And?" tanong ni Paul

"Nasaktan siya ng sobra, nalaman niya kasi iyon face to face right after our monthsary. Right now nakipagcool-off siya sa akin, on the rocks na ang relationship namin. He is nowhere to be found. I asked Skye and Storm,  even yung ate niya pero wala din silang alam except sa ate niya na I think is hiding something from the three of us." paliwanag ni Thunder

"Lam mo pre, natural defense mechanism lang yan para sa isang taong nasaktan. He's just taking a break and time para makapag-isip isip.  I am sure na nakapag-usap naman kayo bago siya nawala. Give him time and space, mahirap kasing gumawa ng isang major decision when you are emotional lalo na ngayon at may isang batang involved." lahad ni Paul

When Positives CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon