1

55 6 9
                                    

Shanaiah.

"Bolshet", ani ko pag mulat ng mga mata ko. Bangag na naman akong papasok nito dahil nag puyat na naman ako, nakakainis kahit may pasok 'di ko magawang matulog nang maaga.

Nasapo ko ang noo ko nang marealize kong late na ko! 10 AM na! Break time na nila tapos ako, ito, nakahiga pa rin, bwiset. Lagot na naman ako kay ate, I turned my ears to ready mode for sermonsssss.

"Shan! ano bang ginagawa mo!?" si ate. Ayan na bhie...

"Ano bang ginagawa ko?" inosente kong tanong habang nag susuklay. 'Di ko po talaga alam kung anong ginagawa ko!

"Hindi ka na naman naka pasok dahil nag puyat ka na naman! Pangalawang beses na yan Shan, ah! Hindi ka na makaka-tatlo pa! Babawiin ko yang cellphone mo!"

"Sorry po, matutulog na 'ko nang maaga sa susunod, promise!" naka-ngisi ko pang sabi pero ang totoo kabado bente dyis na 'ko kasi mababawian na ko ng cellphone pocha kasalanan mo 'to, yokai.

"Siguraduhin mo lang, Shanaiah! matanda ka na 'di ka pa din disiplinado sa pag gamit ng cellphone!"

loh ka jan, nag so-sorry na nga.

"Opo" sagot ko na lang.

Matanda na ba yun? I'm a 2nd year college student taking BS secondary education, major in Science. Matanda na? I'm just  19 years old, still a teen hehe. Pero isip bata, pasensiya na ganito kasi mag isip mga nakakasalamuha ko sa RP eh. Mga bata ang laman ng Role Play World. 12 years old ang pinakabata na kilala ko doon, isa sa mga member ko sa sisterhood namin, grabe. Tapos ang mga shinishare pa, bakit wala daw s'yang jowa ay bhie nahiya naman ate ko sayo, gurang na wala pa ding jowa hmp.

Napuyat ako kagabi kasi may sinalihan akong Falling game doon sa RP. Nasisiyahan kasi ako sa partner ko, ka-edad ko lang sya and ang saya n'ya kausap. Fan boy sya ng kpop group na Seventeen. Medyo ka-vibes ko s'ya ron kasi ini-stan ko din 'yon hehehe.

May prize kasi yung game kaya sumali ako, 100 load, certificate at isang account. Sa totoo lang, kahit wag na yung certificate at account kahit load na lang bhie, tag hirap ako sa load ngayon wala akong naitatabi sa allowance ko kasi puro lamon kung saan-saan mga kaibigan ko kasi napaka spg. "Super Patay Gutom"

Load ko ay All text 10, pantext lang kay ate, like "Te, uwi ba u?", "te anong oras ka uwi?", "Te" telepon, char.

Since hindi ako pumasok, nag kulong na lang ako sa kwarto at nag cellphone mag hapon. Nag open ako ulit ng RP account ko para i-chat yung partner ko, act like a real couple daw e yoc.

Carlie : Hi, bb kwah good afternoon, 'di ako nakapasok napuyat ako kagabi, ikaw kasi e HAHAHAHA.

Ashton : Hi! HAHAHA bakit kasalanan ko pa ha? kung gusto mo kasi talaga pumasok, nag alarm ka diba HAHAHAHA

Carlie : ok. oo nga sabi ko nga di ako nag alarm diba? oo sinabi ko.

parang tanga, Shanaiah.

Ashton : HAHAHAHA buang ka talaga! Anong ginagawa mo ngayon?

Carlie : Eto, kachat ka tapos iniisip ka luklukluk!

Ashton : Yay! pa-fall!

Carlie : Kaya nga 'to falling game, darling.

Nag usap pa kami sandali tsaka ako natulog. Kailangan kong matulog para tumaba naman ako kahit 1 inch.

zzZzzZ

zZzZzZzzZzZ

zZzZzzZzzzzzZzZ

"Shanaiah!"

napabangon ako kaagad nung may sumigaw ng pangalan ko. Akala ko panaginip, totoo pala. Si Vince yung sumigaw bestfriend ko. Oo bhie, bestfriend lang talaga. Ala-singko na pala, uwian na kaya pala 'to nang gugulo.

"Ano?! Wala kong sakit bakit ka nandito!" sigaw ko din sa kanya.

"Tanga ka! Malamang di ka pumasok! Hinahanap ka sakin nung mga lalaki mo"

lalaki ko amp.

"Bologs ka talaga! ikaw lang lalaki ko!"

luh, bakit na mumula ka pri.

"Hoy! natahimik ka jan!" sigaw ko ulit.

"Tanga ka kasi talaga andaming nag hahabol sa'yo wala ka pa ding boyfriend! at hindi lang ako ang lalaki mo, pati papa mo kaya" si Vince.

"Hindi naman kasi ako nag mamadali mag boyfriend! I have many men in Seoul pri" sambit ko pa tsaka tumawa ng malakas.

"Hindi ka naman kilala ng mga 'yon!"

bobo neto 'di  nalang nakisama.

"Hindi na lang sinakyan biro ko e!"

"Wala kong pamasahe" pilosopong sabi n'ya.

bwiset!

"Oh, bakit nga hindi ka pumasok?" tanong ni Vince.

"Tinamad ako" sagot ko na lang, kasi mag tatanong na naman nyan ng kung ano ano 'di na lang umuwi eh!

"Wow, sana all, porket brainy kapag tinamad a-absent na lang kasi matalino naman"

"Borlogs, umuwi ka na lang mag kikita pa naman tayo bukas, at sa susunod pang bukas, 'di mo ko ma-mimiss tapos i-cha-chat mo pa ko hahahaha!" sabi ko pa.

"Ge, uwi na ko, tawag na lang ako sayo mamaya"

"Hahahahaha! sige, ingat!"

Hinatid ko si Vince sa labas namin dahil baka madapa sana sya, atleast may audience sya hahahaha.

Pagkabalik ko sa loob ay kumain na muna ako at naligo bago bumalik sa kwarto ko, alas otso pa kasi uuwi yon si ate, mag isa lang ako dito sa bahay, sanay naman na ako. Pero minsan dalawa kami nandito ni Vince nag mo-movie marathon kami wag kang ano bhie.  At as usual, nag cellphone na ulit ako dahil yun lang naman talaga ang gagawin ko. I opened my RP account.

Nagulat ako dahil andaming message ni Ashton, yung partner ko OMG why is that hahaha.

Ashton: Carlieeeeeee
Ashton: Hoy, ano na patay ka na ba? hahaha joke lang.
Ashton: Tagal naman neto gumising.
Ashton: Oy, ano na Carlie, ghosted na ba ko? hahaha.
Ashton: Bahala ka d'yan
at yung iba ay puro 'Carlie' na.

Mahina ako sa ganito, yung tatambakan ako ng message pag di ako online, kahit walang kwenta basta may message. Naa-appreciate ko kasi 'yong ganoon na talaga hinahanap ang presence ko. Mukhang matatalo ako sa larong 'to.

Carlie: Hi, bebe kwaaaah! Sorry 'di ako nakapagchat 5pm na ako nagising tapos dumating pa yung bestfriend ko hahaha.

Ashton: I love you.

Sinasabi nito?

Atleast we metWhere stories live. Discover now