10

13 3 3
                                    

Shanaiah

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung birthday ko. Ngayon lang nangyari 'to sa buong buhay ko na 'yong mismong birthday ko ay parang normal na araw lang na nag daan.

Madalas kasi ay lumalabas kami ni Vince at kinabukasan naman kami ni ate. Ngayon ay wala. Wala kasi si Ryven pero hindi nya rin ako binati, pati si ate aaminin ko na din na nag eexpect ako na babatiin ako ni Vince.

Naalala ko yung convo namin ni Ashton, bakit alam nya birthday ko. . .

Carlie: Engk? pano mo nalaman na birthday ko?

Ashton: Engk? Nag notif po sakin.

ay oo nga pala, sa rp ako nag lagay ng birthday, at wala sa ra.

Carlie: Paano pala kung hindi ko talaga birthday? HAHAHAHA

Ashton: Babatiin pa rin kita, ngayon, atleast alam ko na birthday mo BWUAHAHAHAHA

aba mautak ang kufal.

Sa ngayon, hinihintay pa namin ang susunod na prof. At sa tignan ko man o hindi, alam kong nakatitig sakin si Vince, nag tatanong ang mga mata, tsh, alam ko naman na mag tatanong sya kung totoong may ka-live in ako pero hindi nya magawa dahil alam nyang hindi ko sya papansinin.

hmm, masyado yata akong naging bato.

Tumayo ako at lalapit sana kay Vince kaso dumating na ang prof.

"Before we start our lesson, I want to ask each one of you, guys." putol na sabi ng prof, "If you compare yourself to something, where or what it is and why?"

napansin ko na nag taas agad ng kamay si Vince dahil kita sa  peripheral sight ko.

"Yes, Vince?" prof.

"I want to compare myself to an earphone," sabi ni Vince kasunod ang kapansin-pansin na buntong hininga.

"Hmm? earphone? explain yourself."

"because when I use earphones I can perfectly hear the sound and beats of a song. And as a person, I want you to hear all my thoughts when I have something to say, thank you" saka sya umupo.

ako lang ba? medyo natamaan ako hehe.

"Wow, what an impressive answer from you, Vince. Keep it up!" bati ng prof, "okay, who else wants to answer?"

hays, okay aykendudis.

I raised my hand, "Miss, I want to answer"

"Yes, Shanaiah"

"I want to compare myself to a rose. Because no matter how pretty I am, still, people can see my imperfections which is represented by the thorns. Sometimes, I get to have a bad moments with people, like when you touch the rose, it has a thorns to protect its beauty."malungkot akong ngumiti, "But because of this toxic society, the innocent pretty rose na nananahimik lang, ay pinutol ng mga tao dahil sa tinik nito. Please understand, I have a deep meaning on that, thank you." saka ako umupo.

parang nag speech ako ah, miss universe ka girl?

"Wow, I don't think I should say this but I am more impressed by your answer than Vince." lawak ng ngiti mo, miss ah. "I know you're not only referring to yourself in your answer but also for all of us, here. Because I know we all experienced to be judged and be a bad in other's story. I really loved your answer, Shanaiah." inulet! "So let's move on and go on to the topic."

Lumipas ang ilang oras at dismissal na.

Aish! I can't take it anymore, bwiset ka, Vince! grr.

"Vince!" sigaw ko nung nakita ko sya palabas ng gate.

"Oh, S-shan!" nagbaba sya ng tingin. "bakit?"

"Uhm, sorry" tinitigan ko sya pero hindi sya sumagot,"ya! sorry-rageu!" pang gagaya ko kay Aera sa fight for my way, nung bata pa sila ni Dong Man. HEHE.

"La, ano ka si Aera?"

"Medyo, kaya sorry na nga!"

nauna na ako mag lakad, humabol naman sya at sumabay sakin mag lakad.

"Bakit ka ba nag so-sorry kasi?!"

"Kasi nga hindi kita pinapakinggan!" I shouted. "Feeling ko ako pinatatamaan mo doon sa sagot mo kanina." I pouted. -_-# di bagay vro.

"Hahahaha! tinamaan ka ba!?"

"Oo!"

"Tanga, para sayo naman talaga yon! Hahahaha!"

sampalin ko kaya 'to ng isang libong barya, tsh.

"Na-miss ko 'to, Shan. Wag na tayo mag away ulit ah?" dagdag pa nya.

"Bakit? ayos na ba tayo? galit pa din ako!"

"Eh, bakit mo ako kinausap!?"

"Libre mo muna ako para bati na tayo" yihihi

"As usual, tara na!"

Yeeeeyyyy!!!

Pagtapos namin bumili ng ice cream sa 7/11 ay naupo muna kami sa labas.

"Hindi mo ako binati nung birthday ko, Vince" galit-galitang sabi ko.

"Huh? binati kita 'no! Sa twitter at FB pa nga e, kaya first time ko ang madaming retweets at reacts, may pakinabang ka din pala"

"lul, wala nga nag notif sakin e!"

"La, sabi ko pa nga @Shanieee hafi berthdey sana kausapin mo na ko lahbyoh bhie,,,," pinakita nya ang sulat nya kung anong pinost nya sa twitter," yon nga, I got 2,789 retweets yey! mag vlog na ba 'ko?"

"Shhhkkk, vlog your face! wala ngang nag notif sakin, kung meron edi sana matagal na tayong okay!"

nilabas nya ang cellphone nya at binuksan ang twitter, "eto, ipapakita ko sayo, baka gusto mo iprint ko pa?" tinarayan ko na lang sya, habang patuloy syang nag sscroll. "Asan na ba yun, bakit nawala?"

"alin?"

"yung post ko nung birthday mo, nakita ko nga din post nung boyfriend mo kunwari, binati ka din nya"

eh? wala talagang nag notif sa akin e, shhhkk bakit ganon.

"Shan, tignan mo 'to" kinuha ko ang cellphone ni Vince.

'People reported your post because it's against to our community policy' sabi ni peysbuk.

"May nag report?! anong against don?! tawagan mo nga yang may ari ng facebook at bibilhin ko" sabi ko.

"Bibilhin mo, Facebook? bakit may lima ka?"

"Oo, bibilhin ko, yung flower pot nila don sa labas ang ganda kasi e, bet ko"

"HAHAHAHAHA! baliw ka na naman, Shanaiah. Uwi na tayo" yaya ni Vince.

Pag dating ko sa bahay ay ako na naman mag isa. Lagi naman e, pero hindi talaga maalis sa isip ko, bakit nireport yung post di naman against yon!

Kung sino man nagpakana nyan, lintek na sasampalin ko ng kotse yan, bwiset! Alam na alam nya paano ako asarin!
 

Atleast we metWhere stories live. Discover now