Shanaiah.
Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Vince, ngunit pag dating ko ay palabas sila ng bahay nila dala ang madaming gamit.
"V-Vince, saan k-kayo pupunta?" maluha-luhang tanong ko.
"I'm sorry, Shan" banggit nya saka sya tuluyang umiyak,"kailangan naming umuwi ng probisya ni Mama dahil namatay ang tita ko, kailangan kitang iwan!" garalgal na ang boses nya at kasabay ang pag hikbi nya.
No way. . .
"Naiintindihan ko, Vince. Mag-iingat kayo" walang emosyong usal ko.
Sumakay na sila ng tricycle at umalis, ngunit hindi pa nawawala sa paningin ko ang tricycle pero nakatanggap ako ng text mula kay Vince.
From: VinceEey
Shan, hindi ko gustong iwan ka. Gusto kong manatili sa tabi mo dahil alam ko ang pinag dadaanan mo. I wanted to stay but I need to save my family first, Shan. Binayaran ako ng pamilya mo para magpakalayu-layo at iwan ka. Shan, I'm sorry, til' we meet again.at doon na tuluyang bumagsak ang luha ko.
Iba talaga ang nagagawa ng pera, tss.
Ryven.
Si Ryven na lang ang tangi kong malalapitan! Binuksan ko ang cellphone ko at dali-daling tinawagan ang number ni Ryven.
"Hello, Ry!" banggit ko na parang nabuhayan ng pag-asa.
"Hello?" babae ang sumagot. Alam kong mama nya yon.
"Ay, tita hello po! Nasan po si Ryven?"
Narinig ko na biglang humagulgol si tita bago sya mag salita,"Wala na si Ryven, Shan. Wala na sya!"
"Bakit po? Umalis po ba ng hindi nag paalam?" curious na tanong ko. Hindi naman ganon si Ryven.
"Hindi, Shan. Iniwan na nya tayo, patay na si Ryven!" Humahagulgol na dagdag nya pa, "Noong finals nyo, tsaka lang namin nalaman na may cancer sya, pero stage 4 na at hindi na namin kaya ipa-therapy pa"
Para akong binuhusan ng malamig na malamig na malamig na tubig sa narinig ko!
Napapagod na kong umiyak!!!
"Sige po, tita, pupunta po ako dyan ngayon. Kailan po ba ang libing nya?" humihikbing tanong ko.
"Huling lamay na bukas, sa susunod na araw ay ililibing na sya"
"Sige po, on the way na po ako." saka ko binaba ang linya.
Napa-upo na lang ako sa kalsada at saka inilabas ang hinagpis ko. Napakabuting tao ni Ryven, bakit sya pa??!!! wala na akong pakealam sa taong nakakakita sakin, wala na akong pake sa itsura ko dahil hindi ko problema yon sa sitwasyong 'to.
Sandali pa akong tumitig sa bahay nila Vince.
KAKALIMUTAN KONG NAGING KAIBIGAN KITA...
Sambit ko bago tuluyang tumalikod at umalis.
Problema ko ay onting pera lang ang dala ko para sa pamasahe. Sana madala ng alindog ko yung driver para di na ko pag bayarin... Natawa ko sa naisip ko. Mag 1..2..3 na lang ako sa jeep, or mang hingi ng discount. Leche namang buhay 'to! Bahala na nga!
SHANE
Pagka-alis ni Shanaiah ay bahagya akong natigilan. Naaalala ko yung mga panahon na kaming dalawa ang nag tutulungan.
YOU ARE READING
Atleast we met
Teen FictionShanaiah is a campus role model. She has many admirers and friends because of her beauty and personality. But, no one knows that Shanaiah is an roleplayer, she's escaping the world where she's not famous, she hides her identity by using other's face...