Shanaiah.
"Psychology says it only takes four minutes to fall inlove" sabi ng prof ko. Lagi syang nag bibigay ng psychological facts bago mag simula sa discussion nya. Pero hindi ko alam kung legit, ginagagsti lang yata kami nito ni miss.
"Psycbology says, If the crush on someone lasts more than 4 months, it is considered as love" dagdag pa n'ya. "Good morning, students, please just listen to my discussion for whole time and tomorrow we will have your summutive review for mid-term."
hala, mid term na pala, bakit di ko alam?
Dahil nagulat ako, slight, sa sinabi ng Prof kinalabit ko si Vince para mag tanong.
"Oy! magmi-mid term na pala?" tanong ko.
"Oo, shunga mo kasi, absent ka nang absent"
"ah" sagot ko na lang at nakinig na ulit.
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung mag simula ang laro. At imbes na makinig ay nag layag at isip ko, muling bumalik sakin yung reply ni Ashton, dalawang araw na ang nakakalipas. I love you. Anak ng mayor naman oh! Bakit kasi ganun reply non! naalala ko tuloy convo namin nung gabing yon.
Ashton: I love you.
Carlie: Totropahin.
Ashton: Hahaha! 'di ka ba kinilig?
Carlie: Hindi beh, naisip ko kung saang mental kita ire-refer.
pero sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko doon. Marami namang nagkakagusto sa akin, humahanga, pero hindi ko alam ang pakiramdam ko doon. Ngayong nakaka-usap ko at naipaparamdam nya sa'kin ang sincerity kahit sa chat, para akong nakalutang.
Ashton: Ay! sayang naman, gagawin ko lahat para ma-fall ka sakin hehehe.
Carlie: Why? You like me na ba?
Ashton: Yes. So much.
Carlie: Ngek, sana all.
'Di ko kasi alam kung paano ako mag rereact don, posible kaya yung sinabi ni Miss kanina, na 4 minutes lang inlove ka na? uto-uto pa naman ako miss, baka maniw—
"Hoy! Shanaiah Lario! Nakalutang ka na naman. Vacant na wala ka bang balak?!" sigaw ni Vince sa mismong tainga ko.
agad ko syang sinabunutan, "BOBO KA TALAGA! NAG CRACK NA YUNG EARDRUMS KO, PWEDE NAMAN AKONG KALABITIN!" sigaw ko sa kanya.
"Tara na kasi!" tsaka nya ako hinila papunta sa Canteen.
Pag dating namin sa Canteen, andami na agad tao tsk, tinatamad na naman ako pumila nakaka inis kasi si Vince naputol tuloy yung iniisip ko kanina.
"Hoy, may problema ka ba?!" oh si Vince.
"Wala, bakit, bibigyan mo ba ko?"
"Kanina ka pa kasi tulala e, baka mamaya bigla na lang bumula yang bibig mo, mahirap na, kadiri ka pa naman"
"Baliw ka rin e, di ako umiinom ng lason bobo ka talaga" sagot ko pa.
"Malay ko ba! mamaya depress ka pala kasi tulala ka tapos maiisip kong lason ang gamot don BWUAHAHAHA!" halakhak pa n'ya.
YOU ARE READING
Atleast we met
Teen FictionShanaiah is a campus role model. She has many admirers and friends because of her beauty and personality. But, no one knows that Shanaiah is an roleplayer, she's escaping the world where she's not famous, she hides her identity by using other's face...