Shanaiah.
Nagising ako na nasa higaan ko na. Umaga na pala. Naalala ko ang senaryo kagabi at hindi ko matanggap na ganon na lamang ang pakikitungo sakin ni Vince. Nagulat ako dahil nasa lapag sya ng higaan ko. Natutulog.
"Vince, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo." sambit ko sabay pag kalabit dito.
napamulat agad sya ng mata at mukhang nagulat pa.
"Shan, yung kagabi, pasenya na. Hindi ko intensyon na—"
"Umuwi ka na." pag putol ko sa sasabihin nya.
"Sabay pa rin naman tayo palagi diba? diba? diba? Shan?"
"Pasensya na, Vince. Matapos mo akong sabihan ng kung ano-ano, sa tingin mo papayag pa ulit ako? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin? kung oo, bakit ganon mo nalang ako pag salitaan, ha, Vince? hindi kita maintindihan. Pasensya na, kaibigan pa rin naman kita pero hindi na tulad ng dati." napabuntong hininga pagkatapos kong sabihin ang mga iyon.
Mahirap din para saakin na bitiwan si Vince dahil mula Senior High ay sya na ang tropa ko, pero bakit kailangang sa ganito humantong ang pag kakaibigan namin?
Seryoso syang tumitig sakin, may mababasang galit sa mata nya pero lamang ang lungkot. "Sigurado ka ba sa sinabi mo, Shanaiah? Okay. I'm glad that we had a great friendship, and I'm sorry to lose it." at saka sya lumabas para umuwi.
Napahilamos ako sa mukha ko, dahil ako man ay hindi sigurado sa mga sinabi ko. Mukhang mahihirapan ako sa mga dadaang araw, mag-isa, malungkot.
Binuksan ko ang RP account ko para tignan ang mga message ni Ashton. Wala namang nakakaiyak sa mga message nya pero tuloy tuloy ang pag luha ko dahil nag p-play sa utak ko ang sagutan namin ni Vince.
Ashton: Hey, bakit hindi ka nag online kagabi? busy ka ba?
Carlie: Uh, yeah. I'm sorry.
Ashton: It's okay. Nag bonding nga pala kayo ng friend mo kahapon. So how was it?
napaiyak ako lalo dahil sa sobrang saya namin ni Vince ay napalitan ng kalungkutan at umabot pa sa pag kakalimutan.
Carlie: Love, let's make it official.
Ashton: Really?!!!! gaaaaaaaaaahhhh! I'm so happy, love. I love you so much.
Carlie: I love you.
Ashton: So tell me about your bonding? you're avoiding it.
Kinwento ko kay Ashton na nalaman ni Vince na may RP account ako. Tinanong nya kung anong kataka-taka sa pag kakaroon ng RP account ang sagot ko nalang ay "ganito kasi sa panahon ngayon, kailangang umakto ka sa gusto ng tao sayo dahil pag hindi nila nakita yung ugali na gusto nila para sayo ay sisiraan ka at ikaw pa ang mapapasama." Iyon naman ang totoo. Pero ayokong kontrolin ng taong nasa paligid ko kung ano ang dapat ako. This is me, this is who I meant to be wala silang pake sa kung ano ako.
Ashton: Sorry to hear your story, love. Don't worry, you have me, always. Hindi man kita nakakasama, huwag mo sanang kalimutan na dadamayan kita palagi.
Carlie: That's why I love you. Thank you for making me feel special. Please don't hurt me.
Ashton: Wala sa plano ko ang saktan ka, mahal ko. Be right back, babe, gonna wash the dishes.
Carlie: Haha, sabi mo 'yan ah. Ingat po.
Pagkasend ko ay agad kong inopen ang Real Account ko, at bahagyang nagulat sa dami ng tags, hindi ko naman birthday.
'Shanaiah Loria is a slut. Porque maganda napakataas ng tingin sa sarili'
'Shanaiah, so fake lang pala ang pinapakita mo sa mga followers mo dahil nasa role player world ang totoo mong kulay. Why don't you show your true self? bet you are afraid hahaha!'
'What the hell, Shan. Tinitingala ka ng lahat pero bakit ang landi mo pati si Vince ay hinaharot mo! Yuck! kinaibigan para gawing boyfriend!'
at marami pang iba.
Naiiyak ako dahil ako pa ang lumabas na masama. Alam kong si Vince ang nagpakalat nito, dahil wala namang iba, diba? Hindi ko akalain na ganito katindi ang paninirang puri na lalabas. Grabe, ano ba ang salitang malandi para sa kanila? naiiyak na ko sa sobrang inis at bagot dahil sa gamunggong utak ng mga bobong 'to.
Agad akong nag post para maagapan ang mga ito. Hindi malabong makarating pa ito sa iba, dahil ako si Shanaiah Lario, ang role model at panlaban ng college.
'Hi, I just want to express my opinion about those posts that addressed about me. Please guys, open your mind! Don't judge just by what you've seen! Don't judge if you don't know the whole story! Alam ko kung sino ang nag sabi sa inyo ng mga bagay na itina-tag nyo sakin. And I'm not that stone para hindi makaramdam, alam nyo ba ang 'think before you click'? Oo, alam nyo yan. Pero sana nag tanong muna kayo sa'kin kung ano talaga ang tunay na nangyari, hindi yung dahil narinig nyo ay mag j-judge na kayo. Lemme' tell you the story. Vince is courting me. But I didn't gave him a chance 'cause I love someone else. Nagalit si Vince dahil hindi ko sya mabigyan ng pag-asa at kung anu-anong sinabi sa akin, at tinatago ko ang tunay kong ugali sa RPW. Yeah, so what? Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong mag paliwanag sa inyo. Get a life, everyone! At hindi ako mabubuhay sa buhay na gusto nyo para sa'kin.
pagkatapos kong ipost iyon ay sumabog agad ang notifications ko sa reacts and comments and shares. Mas madami pa din ang positive na comments kaysa negative and I'm so overwhelmed dahil sa pag tatanggol nila sa akin.
'Fightings ate Shan! Love ka namin and wala kaming pake kung siraan ka nila dahil maniniwala kami sayo kase ikaw ang nakakakilala sa sarili mo'
'Shan! kung ano man yan, lilipas din yan, dahil sarado pa mga isip nila.'
at marami pang iba. Hindi ko namalayan na hapon na pala. Hindi pa ko naliligo at kumakain. Padating na si ate kailangan ko nang mag linis.
Darling unmei ga kekkan wo hashiru yo
Ugoki hajimeta sekai..... ai...
Dare yori ko tokeaitai yo darling
Boku wo kowagaranai de, kiss me now!
Soundtrip ko yan habang nag lilinis, opening song ng Darling in the franxx. Mas ginaganahan kasi akong mag linis pag may tugtog eh. Ikaw din diba? owyeas. Nagulat ako dahil may kumatok sa pinto, wala naman akong inaasahan bwisita at mamayang gabi pa naman si ate.
"Hi, Shan"
O_O
YOU ARE READING
Atleast we met
Teen FictionShanaiah is a campus role model. She has many admirers and friends because of her beauty and personality. But, no one knows that Shanaiah is an roleplayer, she's escaping the world where she's not famous, she hides her identity by using other's face...