NASA kalagitnaan ako ng misyon ng may tumawag sa akin.
"Hello?"
Walang nagsasalita.
"Hello?! Ano ba? Nasa misyon ako kung wala kang sasabihin at pinagtritripan mo lang ako. Go to hell!" Mariin kong usal.
"Hindi ka parin nagbabago. Crizzie or should I call you Capt. Admiral." Ani nang nasa kabilang linya.
"Sino to?" Tanong ko dahil hindi naman nakaregister ang kanyang number sa akin.
Stalker ko siguro.
"Long time no talk. Crizzie my dear friend."
Malamig na usal nito."Boba. Sino bato?" Tanong ko. Ayaw pa kasing sabihin, may pa mysterious effect chuchu pa. Ayan na boba ko tuloy.
"Stupid, This is your nightmare remember. Ako ang magpapabagsak sayo. Papatayin kita dahil sa dami mong atraso sakin." Ani nito.
Ay grabe naman to baka prank lang to. Kung wala lang ako sa Misyon sina bayan ko nato sa trip niya kaso nasa misyon ako.
"Ate, Kuya o kung sino kaman. Sana okay ka lang." Ani ko.
"Matakot kana. This is Julie---" pinutol ko na ang tawag nang matanaw ko na ang sinusundan ko na papauwi na yata at kaylangan kong sundan.
Nako kaylangan na malaman ko ang pinagtataguan nitong si Mr. Chua kung hindi ay malalagot ako kay General kalbo.
Si Mr. Chua ay pinaghihinalaan naming isa sa Druglord, kung saan nagbebenta at umaangkat siya ng mga droga at ipinagbibili.
Oo at may ebidensiya na kami,ngunit hindi pa sapat kaya sa akin na iniatas para matunton na kung saan nagpupugad itong druglord na mukhang bumbay.Sinundan ko lang si Mr. Chua kung saan man siya nag pupunta at ngayong gabi na ay tiyak kong uuwi na siya kaso anong ginagawa niya at sa hotel siya nag tuloy kasama ang isang babae.
Kinunan ko sila nang litrato.
Nag hintay ako nang matagal at nakita si Mr. Chua na lumabas ngunit hindi na niya kasama yung babae.
Sinundan ko siya at nalaman ko ang kaniyang kampo. Sinabi ko kay General kung saan ang kampo ni Mr. Chua at gumawa kami ng plano.
Pagkatapos ay biglaan na may nagreport na may nag suicide daw sa isang hotel.
Kahit pagod ay pinuntahan namin.
Suicide.
May mga dugong nagkalat sa kama at sahig. Paanong magiging suicide ito.
Lumapit ako sa crime scene at nakita ko nang malapitan na may hawak na patalim sa kanang kamay ang babaeng nag suicide daw.
Apat na saksak sa leeg at isa sa dibdib ang bumawi sa buhay niya.
This is not suicide this is murder.
Kumalap ako nang impormasyon at nagtanong sa mga nakakakilala sa kanya.
Napagkaalaman ko na siya si Michelle Ferrer, a college student. At may nakapag sabi sa mga kaklase niya na left handed siya.
She's a left handed kaya bakit nasa right hand ang patalim. Ang nakapagtataka pa ay gulo gulo ang kama at sira sira ang damit ng biktima. Sigurado akong hindi suicide ito, sino ba ang malabo ang mata na nag sabing suicide ito.
Dalawang araw akong nagtatanong at pabalik balik sa crime scene at baka makakuha ng impormasyon.
Lalo na at pamilyar sa akin ang suot nang babae para bang nakita ko na ito."Capt. Admiral, diba siya ang babaeng kasama ni Mr. Chua sa kinuha mong litrato nila?" Sabi ng isang police officer na kasama sa misyon ko kay Mr. Chua.
Pinagkumpara ko ang mga litrato sa babae at tama nga iisa lang ito.
Mabilis akong gumawa nang aksyon at tinawagan si General Kalbo para ngayon na ang gawing pag lusob sa kampo ni Mr. Chua.
Napangisi ako dahil paniguradong hindi niya aasahan ang pagdakip namin sa kanya ngayon.
Pinalibutan namin at nang ibang mga kasamahang police ang bahay ni Mr. Chua.
Tumango ako sa kanila at nauna nang pumasok sa bahay ni Mr. Chua. Nagtilian ang mga kasambahay ngunit hindi na ako nag aksaya nang oras.
"Nasaan si Mr. Chua?!" Tanong ko.
"Na-nasa taas po." Ani ng isang kasambahay.
Inakyat ko ang mahabang hagdan kasunod ang ibang mga Police Officer at hinalughog ang mga kwarto roon. Sinipa ko ang medyo malaking double doors at nandon si Mr. Chua.
"Arestado ka Mr. Chua sa pinagbabawal na gamot at sa salang pagpatay kay Michelle Ferrer." Tinutukan ko siya nang baril at ipinataas ang kamay. Bago pa siya makatakbo.
"What? Michelle Ferrer? Why would I murder my own daughter! Fucking dumb! Stupid men for not guarding my house!!" Sigaw ni
Mr. Chua habang pinoposasan siya ng isang police officer.Hinalughog ang bahay ni Mr. Chua at nakitaan nga nang kahong kahong droga at ibat ibang klase nang ipinagbabawal na gamot.
"It is true? My daughter is dead?" Tanong ni Mr. Chua nang nasa presinto na kami at pinapaamin siya nang isang Police kung saan pa ang ibang mga transaksyon na hawak niya.
"Pinatay mo, hindi mo alam?" Ani ko.
"No! I didn't kill my daughter." Nagwawalang aniya.
Siguro dahil sa droga at sa dala nitong nakakaadik na epekto ay pinagsamantalahan niya ang kanyang anak kaso lumaban ang anak niya kaya ayon napatay niya.
Nagagawa nga naman ng droga. Konting kasiyahan lang naman ang dulot nito, na kung magtuloy tuloy ang gamit mo dito tiyak sira ang buhay mo.
A Parricide ha? Art. 246 Parricide a person who kill his father, mother or child.
"Very good Job, Capt. Admiral." Ani ni General Kalbo este ni General Climente.
"Trabaho lang General, hindi dapat natin ibaba ang ating trabaho para lang sa pera." Ani ko at tiningnan ang ilang mga police na nandon.
Napayuko naman ang iba siguro natamaan.
Tumawa lang si General.
"Let's drink." Ani ni Lexie na sumabay sa akin papasok ng office ko.
"Let's Celebrate." Ani naman ni PO2 Castillo.
"Ang galing talaga nang sweetie ko kahit mag isa lang sa misyon." Paepal na usal ni Hendrix.
Tumawa lang sila dahil sinikmuraan ko si Hendrix. Napaka lande talaga.
Mahirap ang trabaho ng Police lalo na kapag seryoso ang Police sa kanyang trabaho. Kahit nakakapagod at nakakatakot ay kaylangan kang sumugal sa araw araw para lang mahuli ang masasamang tao.
Hindi lang dahil pinasok ng iba ang pag popolice para mangharang lang sa daan at mngolekta ng mga lisensiya. May mga police na pinapasok ang trabahong ito dahil gusto naming mapalaganap ang kapayapaan.
BINABASA MO ANG
Stop, Kill Me Now
Mystery / ThrillerCaptain Admiral and Police officer Santos. Completed.