Chapter 8

18 2 0
                                    

"SO, Totoo nga?" Ani ko kay Hendrix

"Here." Binibigay ko sa kanya ang barrel ko.

"Para matigil na. Kill me now." Matigas kong usal sa kanya.

Tinitigan niya lang ako. Nakakunot ang noo.

"Plinano niyo ang lahat diba. Nakipag
sabwatan ka para pabagsakin ako at patayin." Nanginginig kong sambit sakanya.

"Bakit hindi mo nalang ako patayin ngayon."

"Letche mag salita ka! Ano pakitang tao lang lahat?! Niloko mo lang ako! Pinagmukha mo lang akong tanga. Sige patayin mo nako." Sigaw ko sakanya.

Pilit kong pinahawak sa kanya ang barrel at itinutok ko yon sa puso ko.

"Stop this pain. Pagod nakong mabuhay na puro sakit nalang. Kill. Me. Now. Police Officer Hendrix Santos." Ani ko.

"Huwag mong idamay sila Lexie at Kalix dito Hendrix. Inilagay mo sa kapahamakan ang buhay naming tatlo." Sumbat ko pa sakanya.

"Tapusin na natin 'to. Para matigil nayang paghihiganti niyo!"

Bumuntong hininga siya at bubuka na sana ang bibig niya para magsalita nang sumulpot nanaman si Julie.

Salamat naman at nagpakita na itong baliw na ito.

"Ako ang papatay sayo Crizzie." Ani ni Julie at pinaputukan ako. Hindi nako umiwas at hinayaan ko nalamang na tumama ang bala sa aking katawan.

Ano pang saysay kung iiwas ako, sapat na ang sakit na natanggap ko mula noon hanggang ngayon. Ang drama ko naman. Masyado ko naman yata ginampanan ang pagpapanggap.

Tumama ang bala sa kanang balikat ko.

Putcha. Ang bobo talaga babaril nitong babae nato.

"Ay dumaplis." Pang iinis ko.

"Mamatay kanang babae ka!"
Nagpaputok ulit siya at sa binti naman ako tinamaan.

"Hindi kaba marunong gumamit nang baril na hinayupak ka." Gigil kong sambit sakanya.

Pinaputukan niya lang ulit ako at tinamaan ako sa aking tiyan.

"Shoot!" Aniya at hinipan pa ang baril niya.

Dahan dahan akong napaluhod habang hawak ang aking tiyan. Punong puno na nang dugo ang aking damit at sobrang namamanhid narin ang katawan ko sa sakit. Napasuka nadin ako ng dugo.

Tumingin ako kay Hendrix na tulala lang sa gilid.

Ang lalaking minahal ko ay ipinagkalulo ang buhay ko para lang mahuli ang baliw na babaeng ito.

Alam kong binigyan siya ng misyon ni General Climente. Sinabi sa akin ni Chief Hizon nung dinalaw ako sa Hospital.

Isang putok pa ng baril ang narinig ko kaya napapikit ako.

Ngunit sumapit ang ilang minuto na wala naman tumatamang bala sa akin.

"Bull's eye!" Boses ni Lexie sa di kalayuan.

Nakita ko nalamang na bulagta si Julie kung saan man siya nakatayo kanina.

Maraming nagdatingang police at inaresto ang mga kasamahan ni Julie at pati narin si Hendrix ay sumama.

"Ang Oa talaga niyang si Julie, sa sikmura ko lang din naman binaril. Nahimatay na." Pag iinarteng usal ni Lexie.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Huwag kang ngumiti mukha kang zombie." Ani ni Lexie sa akin.

"Ang galing mo aarte maldita ka. Pwede kana mag artista."

Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon