SUMALUBONG sa akin ang puting kisame sa pagmulat ng mata ko.
"Sa wakas gising kana." Ani ni Lexie na umiiyak sa gilid ko. Tiningnan ko siya.
"Ilang araw bakong walang malay?" Tanong ko sakanya.
"Isang taon." Aniya
Nanlaki ang mga mata ko.
"Huwag OA Lexie. Ilang araw nga." Tanong ko , akala naman niya e madadala niya ko sa prank niya.
"Parang tanga naman kase Crizzie, Isang taon nga!" Umiiyak na sabi niya.
"Wala kang kwentang kausap." Ani ko at inirapan siya.
"Nag bibiro lang. Ang hirap mo talgang paniwalain kainis." Aniya at hinampas ako.
Aray. Sadista ng babaeng 'to. Tinaasan ko lang siya nang kilay.
"Maldita! Dalawang araw kalang tulog." Aniya at kumuha ng apple at kumagat siya doon.
"Kuhanan mo nga ako tubig inuuhaw ako." Utos ko sa kanya.
Sinimangutan niya ko pero sinunod naman ang utos ko. Umayos ako para makaupo.
"Capt. Admiral!" Ani ni PO2
Akala ko si Lexie lang ang kasama ko pati pala sila.
Nakaupo sila sa medyo mahabang sofa. Si Kalix na seryoso sa gilid, si PO1 na kumakain nanaman ng pandesal, at si PO2 na nakatingin sa akin.
"Alam mo naba?" Tanong niya
"Tumigil ka nga PO2 Castillo!" Sita ni Lexie.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.
Tiningnan ko sila isa isa. Aligagang aligaga si Lexie habang seryoso naman yung tatlo.
"Anong dapat kong malaman?" Tanong ko.
"Si Hendrix." Mahinang usal ni PO1.
"Nasaan nga pala yon?" Ani ko dahil napansin ko ngang wala si Hendrix.
Huling natatandaan ko ay siya ang bumuhat sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay. Bakit wala siya dito.
"Siya ang naglagay sayo, saatin sa kapahamakan." Pagsasalita ni Kalix ng seryoso.
Nagtataka ko silang tiningnan. Hindi ko kase maintindihan.
"Pagkatapos nating maharang doon sa daungan at ang pagdala sayo ni Julie sa isang liblib na lugar ay plano nilang dalawa. Binigyan ni Hendrix ng impormasyon ang ating kalaban." Pagpapatuloy pa nito.
"Paanong nangyari yon siya pa nga ang nagbuhat sa akin palabas diba?" Gulong gulong tanong ko.
"Oo, siya nga ang naglabas sayo, pero pagka tapos non ay umalis na siya." Ani ni Lexie at ibinigay na saakin ang tubig.
"Siya ang may kasalanan Capt. Admiral." Malungkot na ani ni PO2 Castillo.
"Hindi ko alam kung paano niya nagawa na pagtaksilan tayo." Malungkot ding ani ni PO1 Torres.
"Ano ba, huwag kayong maniwala agad sa sabi sabi. Hindi magagawa ni Hendrix yon kitang patay na patay siya dito kay Capt. Crizzie Admiral." Pahayag ni Lexie.
Napangiti sila pero alam kong pinipilit lang nila yon.
"Sigurado akong naipit lang siya o may dahilan siya." Ani ko sakanila.
"Sana nga Capt. Admiral." Sabi nila at nag buntong hininga.
Kung totoong may kinalaman nga si Hendrix sa nangyayaring ito sigurado akong may dahilan.
BINABASA MO ANG
Stop, Kill Me Now
Mystery / ThrillerCaptain Admiral and Police officer Santos. Completed.