Chapter 11

19 2 0
                                    

The one who killed my parents. My family.
Hendrix Santos.

Hindi ko akalain na mamahalin ko ang lalaking nag bigay ng hirap at sakit sa buhay ko.

Sila ang may kagagawan.

Akala ko nag tagumpay nakong makamit ang hustisiya ngunit hindi pala. Mali ang taong ipinakulong ko.

Nasa tabi ko lang pala ang lalaking isa sa may kagagawan ng paglalapastangan sa aking Ina at kapatid.

Tadhana nga naman.

Ang sakit kung mag parusa. Bakit nahulog pako sa lalaking mamamatay tao.

Ngunit sa tuwing maaalala ko ang mga turo ni Mama ay pinapawi nito ang galit na nararamdaman ko.

Mag patawad ka, panatilihin mong mabuti ang iyong puso.

Mag isa lang ako sa kadilimn ng gabi, nakatanaw sa mga bitwin.

Masaya kaya sila Mama, Papa at Mirna.

Sana masaya sila at ginagabayan ako.

"KALIX. Nakita mo ba si police officer Santos?"
Tanong ko dahil kakausapin ko siya ngayon.

Umiling siya. "Hindi e, hindi pa nagpapakita simula nung isang araw."

Tumango ako. "Sige salamat."

"Lexie nakita mo si Hendrix?" Tanong ko sakanya.

"Hindi e." Lumingon siya kila PO2 at PO1
"Nakita niyo ba si Hendrix?"

Parehas na umiling ang dalawang police officer.
"Kahapon pa hindi pumapasok."

"Salamat."

Tatlong araw ng hindi pumapasok si Hendrix paulit ulit akong nagtatanong sa mga police officer kung nakita siya o pumasok na siya.

Nag aalala man ay mas nangibabaw sa akin ang galit sa tuwing na aalala ko na nag sinungaling siya sa akin.

Parang kapag siguro ay makita ko lang siya ay puputok na lang ako bigla.

Habang nag hihintay sa kanya ay mas pinag buti ko pa ang aking trabaho. Hindi na nga ako umuuwi sa bahay dahil halos bahay ko narin itong Police station dahil may office naman ako at sofang ginagawang tulugan.

Kumukuha lang ako ng damit at dito mag papalipas ng magdamag.

Trabaho. Trabaho. Trabaho. Puro trabaho lang ang inaatupag ko para mawala kahit papano sa isip ko si Hendrix.

"Capt. Admiral tara kain sa labas." Aya ni Lexie.

"Ayoko."

"Tara na ang choosy mo."

"Ayoko nga. Bilhan mo nalang ako."

"Libre ko ayaw mo pa?"

"Libre?"

"Kapal talaga ng mukha mo."

"Libre ba?"

"Oo nga."

"Libre pala, madali lang naman ako kausap. Hindi mo kase sinabi agad."

"Ang makapal ang mukha bow. Crizzie Admiral."

Tinawanan ko lang siya.

"Pretty face kaya ang mukha ko." Sabi ko sa kanya at nag pacute.

"Oo maganda ka nga. Pero kapag nagpakalunod ka dyan sa trabaho mo magiging Matanda ka."

"Walang ganon Police Office Baldez."

"Edi wow."

Pikon talaga ng bugak.

"Saan kayo punta?" Tanong ni PO2 Castillo.

"Kakain sa labas." Ani ni Lexie

"Libre niya kaya sumama ako." Nakangisi kong usal.

"Ayos sama din ako libre pala e." Wika ni PO2 at hinila din si PO1 para sumama.

"Police officer Sanchez si Lexie manlilibre daw halika na sumama kana." Wika ni PO1.

Tumaw ako dahil hindi na maipinta ang mukha ni Lexie.

Ako lang kase ang sinama niya at ililibre ngayon nadagdagan pa ng tatlo.

Paniguradong butas ang bulsa ng wallet niya na may lamang kakasweldo nya lang na pera.

Kumain kami sa labas at pumayag naman si Lexie na ilibre din sila napilitan ang bugak.

"Sa susunod kayo na manlilibre." Madiin niya usal at tiningnan kami ng masama.

Tinawanan lang namin siya at sabay sabay na ulit kaming bumalik sa trabaho.

Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon