Chapter 12

19 2 0
                                    

"Police Officer Santos. Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Papatayin kita.. gustong gusto kitang patayin." Nakatingin ako sakanya na may punong puno ng galit sa mga mata.

"Hindi ko maintindihan kung bakit niyo nagawa sa kapatid ko yon."

"Hendrix. Nag iisa nalang ang kapatid ko sa akin nung mga panahong 'yon, kasama kong mangarap 'yon, kasama kong makakapagtapos pero ipinagkait niyo sakanya ang mga bagay nayon at ipinagkait niyo sakin na makasama ko siya."

"Alam mo ba kung gaanonang sakit na pinag daanan ko. Hendrix hirap na hirap ako ng panahon nayon... Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Pero nung dumating ka okay na." Tumawa ako ng mahina.
"Akala ko blessing ka na ibinigay sa akin. Pero isa ka pala sa pumatay sa kapatid ko at may kinalaman karin sa pagkamatay ng mga magulang ko."

"Gustong gusto kitang patayin.. gustong gusto kong gawin yon para makabawi man lang ako."

"Hinding hindi kita mapapatawad. Hinding hindi ko makakalimutan kung anong ginawa niyo sa kapatid ko."

"Kaya ilabas mo sila. Tinatago mo sila diba. Ilabas mo sila!"

"Nasaan ang kapatid mo. Papatayin ko kayong lahat.!" Umiiyak na usal ko.

"Kill. Me. Now. Captain Crizxie Admiral." Nakangiti na wika ni Hendrix ngunit malungkot ang mga mata.

Napahinto ako sa pagsasalita at tinitigan lang siya.

"Sinundan kita hanggang dito dahil gusto kong pagbayaran ang mga nagawa kong kasalanan, ginusto kong maging police dahil ito ang gusto mo, natutunan ko nading mahalin ang trabaho ko." Ani niya nang nakayuko.

"Kaya ngayong alam mo na ang kasalanan na nagawa ko. gusto kong ikaw ang pumatay sa akin dahil alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. Hindi ko natulungan si Mirna dahil natakot ako, naduwag ako. I'm sorry.."

"Gusto kong maka bawi sayo. Gusto kong protektahan ka. Na kahit dito man lang matulungan kita.. I know it's too late, lumapit ako sayo para humingi ng tawad, lumapit ako sayo dahil kahit masama akong tao hindi ko parin mapigilan na mahalin ka kahit bawal. " Tumingin siya sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagod, sakit, at galit.

"Sorry kung pinanigan ko ang kapatid ko kahit alam kong lumabag na sila sa batas."

"Sorry kung naging mahina ako at hindi kita nasamahan sa mga pagluluksa mo. Maniwala ka gustong gusto kong lapitan ka at yakapin noong mga panahong yon. Kaso paano ko gagawin yon kung  ako din ang dahilan kung bakit ka nasasaktan."

"I'm sorry... Sorry kung napakaduwag ko dahil kahit mahal na mahal kita hindi ko maipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Mas minahal ko ang kapatid ko."

"Sorry ang duwag ko."

"Ginusto kong makabawi sayo kaya nandito ako. Ginusto padin kitang samahan dahil kahit ang hirap hirap sa akin na kimkimin ang sakit na ginawa ko sayo... Nandito parin ako gusto kang samahan, protektahan.."

"Kill. Me. Now. Crizzie, ang hirap nading ilaban pa nitong nararamdaman ko dahil kahit anong gawin ko alam kong kakamuhian mo ako sa huli."

"Patayin mo na ako para makaganti kana. Handa na akong mamatay dahil nakausap at nakasama na kita."

"Actually, ito lang ang pinapangarap ko mula noon hanggang ngayon, ang makita ka ng malapitan. Ang makausap ka , makasama."

"Police Captain. Kill me now. I'm ready."

TIME stop for the first time. Gulong gulo ang isip ko kung bakit at paano ako nauto ng ganon nalang. Bakit ang bobo ko dahil hindi ko hinanap ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng pamilya ko.

Nabuhay ang galit sa puso ko dahil ang tanging nagawa ko lang ay ipakulong ang hindi naman pala pumatay sa mga magulang ko.

I'm Police Captain for fvckingsake!

Bakit.. bakit ang tanga tanga ko.

Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon