Chapter 10

20 2 0
                                    

SUMALUBONG sa akin ang ingay ng mga Police officers. Nagkakagulo kase ngayon sa Police station dahil napakaraming taong nag rereklamo kung bakit daw pinapaalis sila sa lugar.

Nag sasabay sabay ang pag sasalita nila kaya hindi magkaintindihan. Naririndi ako sa ingay dapat kase ay isa nalang ang pinapasok hindi isamg katerba.

But nevermind. May karapatan naman silang ipaglaban ang karapatan nila bilang mamamayan. Pero sana sa maayos na paraan.

Umalis ako roon dahil sobrang ingay na talaga. Hindi kona kaya sumasakit lang ulo ko.

Habang papalabas ako ay nakita ko sa likod ng Police car ang dalawang taong ng uusap. Si Hendrix at Kalix. Nakatalikod sila kaya hindi nila alam na papunta ako sa likod nila.

"So, wala ka paring balak aminin Police officer Hendrix Miguel Santos?"

"Hindi ko alam na importante pala ang buhay ko sa isang tulad mo Police officer Sanchez. Pinaimbestigahan mo ako at nag hanap ng record. Nice."

Ha? Bakit inimbestigahan ni Kalix si Hendrix? Ano bang pinag uusapan nila.

"Hendrix Miguel Santos, Kapatid nang pinaghahanap na Criminal na pumatay sa Kapatid ni Capt. Admiral at mga magulang nito."

Natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang tungkol sa pamilya ko.

"Ano paba?" Tumawa si Kalix "Ikaw ang nag bigay ng maling impormasyon sa kaso ng mga magulang niya. Smart ass but not as smart like me."

"Tinatago mo ang mga kaibigan mo na dati nang gumago sa buhay ng pamilya niya at ngayon ginugulo mo ang buhay niya. Para saan kaya?"

Mabilis na kinuwelyuhan ni Hendrix si Kalix.

"Shut up! Hindi mo alam ang totoo."

"I know the truth. I know whats your thinking. Alam ko kung anong binabalak mo. Hindi mo ako maloloko sa totoong pagkatao mo dahil isa kadin sa-"

"Shut up! I said shut up." Pagpuputol ni Hendrix sa sasabihin ni Kalix.

"I- dont belong to them. Hindi ako katulad nila."

"But you are now Hendrix. Huwag mong hayaan na malaman niya."

Binitawan ni Hendrix si Kalix at umalis. Nakatayo lang ako dahil hindi nag proproseso sa akin ang mga nalaman ko.

Saan? Saan isa si Hendrix?
May kinalaman siya sa pagkamatay ng magulang ko.
Nag sinungaling siya? Ibang impormasyon?
Ano ang totoo sa pagkamatay ng pamilya ko.

"Capt. Admiral..."

"Kalix, ano yon? Bakit? Ano yung narinig ko?" Tuloy tuloy kong tanong dahil hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman.

"Sumama ka." Hinila niya ako at dinala sa isang tahimik na lugar.

"ANG kapatid ni Hendrix ay isa sa pumatay sa mga magulang mo. Lulong sila sa droga nung mga panahon nayon."

"Pero namatay ang mga magulang ko dahil sa ayaw nilang gumawa ng masama.." mahina kong usal.

"Hindi totoo yon. Ginawa lang ni Hendrix ang patungkol doon. Ang totoo ay pinagsamantalahan ang Ina mo sa harap ng Ama mo. Sinubukang lumaban ng Ama mo ngunit tatlong beses siyang sinaksak kaya hindi na naka laba. Nakahiga lang na pinapanood ang Ina mo kung paano ang mga demonyong gahasain ito."

Napaiyak ako habang naririnig ko yon. Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko.

Ang Mama ko na pinagsamantalahan... Ang Papa ko na pinagtanggol ang mama ko ngunit walang magawa..

"Pagka tapos nilang gawin yon ay pinatay nila ang Ama't Ina mo."

"Nalaman ko 'to dahil nahuli namin ang isa sa mga kaibigan niya. Si Kurt Salazar ang nagpahayag ng buong pangyayari."

"Inimbestigahan ko si Hendrix dahil baka may binabalak siya sayo. Sorry ngayon ko lang sinabi."

Para akong nabingi dahil hindi matanggap ng isip ko kung bakit mga magulang at kapatid ko pa.

Iniwan ako ni Kalix mag isa para maka pag isip isip.

Iniyak ko lang ang lahat dahil hindi ako makapaniwala na naniwala akong napakulong ko na ang mga gumahasa sa kapatid ko at ang pumatay sa mga magulang ko.

"CRIZZIE, Bakit ngayon kalang? Kanina pa kita hinahanap. Te-ka umiyak kaba? Bat maga yang mata mo, may nagpaiyak ba sayo?" Ani ni Lexie.

Naabutan ko siyang nakaupo sa loob ng office ko.

"Why are you here?"

"Ahm. Kalix send me here. Comfort daw kita kase break na kayo ni Hendrix totoo ba?"

"Balak ko palang makipag break advance naman yang Police officer mo."

"Bakit?"
Naguguluhang tanong niya.
"I mean, kaka -on niyo palang diba bakit break agad?"

"Hindi ko kaya." Yun lang ang isinagot ko sakanya.

"Anong hindi kaya. Dapat kapag may konting hindi pagkakaintindihan ayusin hindi tapusin." Makahulugan niyang paliwanag.

"Ikaw ba ang makikipag break?"

"Hindi pero syempre masakit yan. Baka isama mo kong maglasing lasing. Hindi nako pwede offlimits nako don."

"Trabaho ang mahalaga sa akin ngayon Lexie. At may aayusin pako. Mag sasampa ako ng kaso kay Hendrix."

"Hala! T-eka lang. Easyhan lang natin best. Bakit naman may pa kaso pa. Idaan nlang yan sa usap. Huwag ka namang mag sampa ng kaso, isipin mo nalang pinagsamahan niyo."

"Police officer Baldez." Pinakatitigan ko siya ng sobrang talim. "Mag sasampa ako ng kaso hindi dahil may L-Q o nag away kami. Mag sasampa ako dahil may kasalanan siya sa batas."

Tumaas naman agad ang kamay niya sa ere.

"Wala kang kaaway dito ah. Nagtatanong lang ako."

"Ang OA mo kase."

"So, you know na pala."

"Bakit alam mo ba?!"

"Chill. Kakasabi lang din sa akin ng Babe ko. Don't be mad. Lets get drunk."

Anong konek. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa babaeng ito.

Lalo na sa tag-lish niyang linyahan.

"Iwan mo nalang muna ko Lexie. Sumasakit ulo ko sayo." Sabi ko at binagsak ang ulo sa lamesa ko.

It's so tiring today. I can't - hindi ko kinayakaya. Sobrang gulo.

Nahahawa pako sa kaartihan ni Lexie.


Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon