Hendrix Point of view.
"Crizzie Admiral, mahal na yata kita unang kita ko palang sayo. Sana mapansin moko. Pangako isang tingin mo lang papakasalan na kita agad." Ani ko nang nasa tambayan kami habang pinagmamasdan ang magkapatid.
Si Crizzie at Mirna Admiral.
"Malakas talaga ang tama mo kay Crizzie ah, ilalakad kita kung gusto mo. Kaklase ko yan." Sabi ng isa sa kaibigan ko.
"Huwag na kaya kong pa-ibigin yan ng ako lang." Usal ko
Tumawa lang sila.
"Kuya! I'm sorry. Hindi namin sinasadya. Wala kami sa tamang pag iisip nang mangyari yon. Sorry. Sorry hindi namin sinasadya. Si Kurt kase.." Ani ni Josh habang nasa harap ko.
Nasa bahay kami ngayon. Kakauwi ko lang galing sa trabaho.
"Ha?"
"Kuya napatay namin yung mga magulang nila Crizzie."
Para akong nabingi ng araw nayon. Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta man ay gumawa ako ng paraan para hindi makulong ang kapatid ko at ang mga kaibigan ko.
Gumawa ako ng kasinungalingan.
Ang unang nagawa kong kasalanan para sa mahal ko.
Nakita ko kung paano nadurog ang pinakamamahal kong babae. Nakita ko ang bawat pag hikbi niya.
Pinag mamasdan ko siya habang nililibing ang mga magulang niya.
"Mga pre tama na kaya." Pigil ko sa mga kaibigan ko.
"Huwag kang mangielam kuya, nag sisimula palang. Saka halika na sumali ka."
"Tama na..."
Hindi ko matingnan si Mirna dahil sobrang duwag ko dahil hindi ko siya matulungan.
"Tulong.. tululungan mo ako."
Nakatingin lang siya saakin. Nakikiusap.
"Masakit.. please tumigil na kayo.."
"Ate..."
"Kuya inumin mo 'to."
At doon nakagawa na naman ako ng kasalanan para sa babaeng mahal ko.
Pangalawang beses kong nakitang nag hihirap at nawasak ang babaeng hindi ko man lang kayang ipaglaban.
"Patay na siya."
"Hindi natin sinasadya. Kuya.. itago mo kami. Ayokong makulong."
"Sayang naman hindi pa ako tapos sakanya." Ani ni Kurt kaya mabilis ko siyang kinuwelyuhan.
"Nang dahil sayo, ang pamilya ng babaeng mahal ko namatay."
"Chill dude. Kasama kana sa pumatay."
"Tangina Kurt. Yang droga mo. Sinisira ang buhay nating lahat." Mabilis ko siyang sinuntok suntok.
"Kuya.. please itago mo kami."
"Umalis na kayo. Ako nang bahala."
Ang pangatlong kasalanan na nagawa ko ay sinagasaan ko pa ang kapatid ng mahal ko para palabasing aksidente.
Isa akong mamamatay tao.
"I'm sorry... Sorry kung napakaduwag ko dahil kahit mahal na mahal kita hindi ko maipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Mas minahal ko ang kapatid ko."
"Sorry ang duwag ko."
"Police Captain. Kill me now. I'm ready." Nakatingin ako sa kanya at pinagmasdan ang pinaka mamahal kong babae.
Nakasama ko na siya, nakakausap at higit sa lahat nakikita ko na ang maganda niyang mukha sa malapitan.
Pangarap ko lang ang mga yon na kahit sandali ay natupad.
Pinaiyak ko nanaman ang babaeng mahal ko.
Sinaktan ko nanaman ang babaeng mahal ko.
Pagmamahal paba yon? Deserve ko ba ang mahalin niya pabalik?
No. Hindi. Dahil kaylanman hindi ako natutong lumaban para sa mahal niya.
"Hindi kita papatayin. Hahayaan kong ang batas ang magparusa sa inyo."
Napangiti ako sa wika niya.
Hindi niya talaga tatalikuran ang pagiging Police niya.
"Batas ay Batas right?"
"Kaya kahit gusto kitang saktan hindi ko kaya dahil hinding hindi ako tutulad sa inyo."
Damn. I love her so much.
Tinalikuran niya na ako habang umiiyak.
Pinagmamasdan ko lang ang paglayo ng minamahal ko sa akin. Kagagawan ko naman kung bakit siya mawawala.
Hindi ko pala natanong kung break na kami.
Aasa pa kaya ako. Pwede naman siguro."Kalix. Aamin na ako."
"Tutulungan kitang mapagaan ang isasampang kaso sayo dahil hindi mo naman gusto."
"Huwag kang bumaligtad sa trabaho mo Police officer Sanchez."
"Right."
"Batas ay Batas." Sabay naming bigkas.
BINABASA MO ANG
Stop, Kill Me Now
Mystery / ThrillerCaptain Admiral and Police officer Santos. Completed.