Chapter 9

24 2 0
                                    

BALIK trabaho ulit ako. Sa Office lang ay marami ang nangamusta at bumati sa pagbabalik ko.

"Capt. Admiral." Si PO2 Castillo.

Tinaasan ko lang siya nang kilay.
Tumawa naman siya at niyakap ako.

"Welcome back, na miss ka namin. Namiss namin yung pagtataray mo." Aniya at tumawa nanaman.

Tumawa nalang din ako.

Humahangos na sumulpot sa aming harapan si PO1 Torres.
"Capt. Admiral, nandito ka nanga. Grabe namiss ka namin. Gusto mo nang pandesal." Alok niya sa akin ng nakanguso.

Inirapan ko lang siya at natawa nalang din ako.

Nauna nang bumati si General Climente sa akin.
Malaking misyon ang naresolba namin dahil natugis namin ang isa sa pinakamalaking transaksyon ang aming napabagsak.

Paniguradong mag iingat na ngayon ang ibang mga gumagamit ng droga. Dahil sa pag kakaalam ko ay ibinalik ng Presidente ang pagbibitay sa mahuhulihang nag drodroga. Kumbaga shoot to kill o death penalty.

Sa mga Police din ay sinubaybayang mabuti, dahil ang iba ay nagpupuslit ng droga at ibinebenta sa iba. Kaya mas lalong pinag iingat ang lahat.

Tungkol naman sa rape case ay pinatawan nadin ng Death penalty.

Unti unti na sanang umayos ang mundo upang walang magkasala at walang maparusahan.

"Capt. Admiral!" Tili ni Lexie habang papasok sa opisina ko.

Kung maka sigaw naman siya ay parang hindi kami mag kausap at magkasama kahapon.

"Ano nanaman yon Police Officer Baldez." Tanong ko.

"Ang maldita talaga." Bulong bulong niya kaya nag tawanan sila.

"May good news ako." Masayang masayang usal niya.

"Ano bayon at mukhang masaya ka?" Tanong kong natayawa.

"Kase nakulong na ang Tatay nung batang narape." Aniya.

"Mabuti naman." Ani ko sa kanya.

"Kaya nga mag celebrate tayo. Masaya ako dahil balik trabaho kana at naresolba ko ang misyong hawak ko." Usal niya.

"Sasama ba kayo?" Tanong ko sa dalawang Police officer na nakaupo sa sofa ko at kumakain nanaman ng pagkain.

Kinakain nila yung mga binigay na pagkain sa akin ng ibang mga Police officer at ni General Kalbo.

"Oo sasama kami, body guard niyo kami e." Ani ni PO1 Torres.

Napahagikgik naman si Lexie.

Si PO1 Torres ay may edad na, may asawa at anak na siya samantalang si PO2 Castillo naman ay single pero may anak.

Masaya naman sila sa kanilang mga buhay at magaan ang loob namin sa kanila dahil parang Tito na namin sila ni Lexie. Tinuturing nadin naman nila kaming pamilya kaya minsan ay over protective din sila sa pagbabantay.

Kaya nga lang ang minsan talaga ay madulas kami ni Lexie at nakakawala sa kanila.

"Tatawagan ko si Kalix." Biglang ani ni Lexie

Napatingin kami sakanya at sabay sabay na nag sabing. "May label na kayo?"

Humalakhak siya.

"Meron na kaya mainggit kayo!" Aniya at malakas na tumawa.

Sana all may label.

"Edi sana all." Ani ni PO2
Nagtawanan naman kami.

"Kaylan lang?" Tanong ko dahil paniguradong pinilit lang niya si Kalix.

Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon