Final ChapterSUMALUBONG sa amin ang malamig na hangin, at tunog nang mga umaalon na tubig sa dagat.
Nasa isang Isla ulit kami dahil binigyan o should I say , tinakot ni Lexie si General Kalbo ay este Climente na mag reresign ako kung hindi niya kami papayagan sa Tatlong araw na pahinga o bakasyon.
Ang tapang talaga nang babaeng yon, pero malakas lang talaga ang loob niya kase Tito ni Kalix si General Climente. Kaya kapag napatalsik siya e baback up-an siya ni Kalix.
Ganon siya ka utak.Anyway, kasama namin ang ibang Police Officer dahil talaga naman pala na day off naming lahat ang araw naito dahil maganda ang ipinakita namin sa mga misyon namin. Kami lang kampo ha, hindi kasama ang ibang Police.
At ayon nagwala lang naman si Lexie dahil nautakan siya nang Kalbong General.
"Umayos kayo ah." Rinig kong usal ni Hendrix sa kanila.
Lumapit ako para magtanong. "Ano yong sinabi mong umayos?"
"Wala baby. Maingay kase sila." Ani ni Hendrix at hinila na ako papalayo sa ibang mga Police officers.
Nailagay na namin sa loob ng pansamantalang tutuluyan namin ang mga gamit namin kanina.
"Ano ba kase yon." Tanong ko.
Naiirita kase ko kapag hindi ko alam na may pinag uusapan sila.
Masuyo lang niya akong hinalikan saglit sa labi at kinurot sa pisngi.
Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya kaya lang ay tumawa lang siya.
"Crizzie, halika sumama ka sakin dali." Sigaw ni Lexie at hinila ako papalayo kay Hendrix.
Natawa lang si Kalix sa ginawa ng Girlfriend niya.
"Ano bang problema mo." Galit kong sabi at hinila ko amg braso kong hawak niya.
Ngumuso lang siya. Pabebe talaga 'to.
"May itatanong kase ako sayo. Kaylangan ko ng payo mo." Aniya at napagpatuloy sa paglalakad.
Sinabayan ko siya sa paglalakad sa gilid ng dalampasigan.
"Sa tingin mo may babae kaya si Kalix?" Aniya sakin kaya ayon nabatukan ko.
"Sira ulo kaba, walang babae yon. Kita mong palagi mong kasama halos dikit na dikit kayo tapos magdududa kapa." Galit kong sita sa kanya.
"E kase nung isang araw may katawagan siya." Nakangusong aniya.
Naalala kong kausap ni Hendrix si Kalix nung isang araw.
"Si Hendrix yon. Bugak!" Hinampas ko na siya dahil ang oa na niya.
Tumawa lang siya ng tumawa. Ang galing niya talaga mantrip.
Naglakad lang kami ng naglakad. Hindi na namin pinansin kung hinahanap naba kami.
Huminto siya at pinagmasdan ang dagat. Ganon din ang ginawa ko.
Sariwa pa ang mga alala ko kung paano ako napagtaksilan. Oo nga't napatawad ko sila pero nandito pa din ang sakit.
Ang ganda talaga kapag kapayapaan ang nakikita mo sa paligid.
"Halika na balik na tayo baka hinahanap kana ng paepal na si Hendrix." Aniya.
Tumawa lang kami at naggaguhan habang papabalik kung nasan sila.
"Nasaan sila? Bakit wala?" Sambit ko habang tumitingin sa paligid.
Nakita ko lang ay mga pirapirasong bulaklak ng rosas na nagkalat sa buhangin na may pupuntahang direksyon.
"Suot mo 'to." Sinuot niya sa akin ang isang korona na gawa sa bulaklak.
"Anong nangyayari." Tanong ko pero hindi niya ko pinansin.
"Lakad na." Usal niya kaya naglakad nako.
Sinundan ko lang kung saan patungo ang mga pirapirasong bulaklak.
Natanaw ko ang mga Police Officer na nakapila pahaba habang may hawak na pulang pulang mga rosas.
Naluluha akong lumapit at tinatanggap ang inaabot nilang mga rosas.
Ngumingiti sila sa akin. Kaya ngumingiti din ako kahit naiiyak na.
Sa dulo ay nandoon si Hendrix. Nakatayo.
Pinagmasdan ko ang paligid at namangha ako sa sobrang ganda. May mga nakasabit na bulaklak at mga ilaw na nagbigay ng liwanag sa buong lugar. May mga kandila ding nakahugis puso sa harap ni Hendrix.
Nang magtama ang mata namin ay tuluyan na akong naiyak dahil sobrang manghang mangha ako.
Gulat at kinakabahan kung ano ang mangyayari.
Nang magtapat kami ay kinakabahan siyang ngumiti.
Bigla siyang lumuhod sa gitna ng mga pusong kandila.
"Will you marry me?" Aniya at tiningnan ako sa mata.
Umiiyak na tumango ako.
Sinuot niya ang singsing sa akin at hinalikan ako.
Nagpalakpakan ang lahat at tumili pa si Lexie.
"Pangakong hindi ka mag sisisi dahil ako ang papakasalan mo. Gagawin ko ang lahat para palagi tayong masaya, iintindihin kita kapag magiging moody at mamahali ng sobra araw araw."
Sabi niya nang bumitaw siya at tiningnan ako sa mata.
"Ganon din ako. Pangakong nasa tabi mo lang ako kapag kaylangan moko at mamahalin kita sa oras oras na lilipas." Naiiyak kong usal sa kanya.
Nanggigilid di ang luha niya habang nakangiting nakatitig saakin.
"Mahal na mahal kita Capt. Crizzie Admiral-Santos."
"Mahal na mahal din kita Police Officer Hendrix Santos."
End.
❣️
Thank you for reading. Salamat at tinapos niyo ang kwentong ito.
Sana po nagustuhan niyo ang kwento nila Captain Admiral at Police officer Santos.
BINABASA MO ANG
Stop, Kill Me Now
Mystery / ThrillerCaptain Admiral and Police officer Santos. Completed.