Chapter 5

23 2 0
                                    

"HOY Miss, papakamatay kaba?"
Sigaw nang lalaki.

"Mukha bakong mag papakamatay?" Balik kong tanong at inirapan siya.

"Parang tanga lang Hendrix, kilala mo namang si Crizzie yan. May pa miss miss kapa." Si Lexie habang umaakyat din sa puno kung saan ako nakaupo ngayon.

Gaya gaya.

"Basag trip ka talaga Lexie." Ani ni Hendrix at umupo kung nasaan si Kalix.

Nag peace sign lang si Lexie kay Hendrix.

Si Kalix naman ay panay ang tawa. Habang yung dalawang PO1 at PO2 ay ayon nag luluto ng pagkain.

Last day nanamin ngayon. Para ngang hindi kami nag bakasyon e. Parang nakitulog lang kami paano ang iingay nila hindi ako makapag relax. Buti nga ngayon ay tumahimik naman sila.

"Last day na bakasyon na natin to. Mamimiss ko yung ganito lang tayo." Ani ni Lexie nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Jowa ba kita?" Pambabara ko sa kanya.

"Tss." Inirapan niya lang ako.

Napangiti ako sa kadramahan ng babaeng ito.

Sabagay, sa trabaho kase namin ay hindi rin madali, hindi namin alam kung isa sa misyon namin ang kamatayan namin.

"Mamimiss ko din yung ganitong bonding natin." Mahinang usal ko at alam kong narinig niya dahil ngumiti siya.

Ngumisi siya sa akin at humiyaw.
"Guys, mamimiss daw tayo makasama ni Capt. Admiral."

Takteng babae to. Ihulog ko kaya.

"Baby naman, hindi mo nako kaylangang mamiss. Palagi lang akong nasa puso mo." As usual banat nanaman ng malandeng lalake.

Inirapan ko lang siya.

"Mahal na mahal mo talaga ako." Hirit pa niya.

"Hendrix ang hangin." Sita ko sa kanya.

Nagtawanan naman sila.

May mga babaeng sumulpot kung saan nang nagtatanghalian kami. Hindi ko naman kilala. Panay ang landi nila sa mga lalake na gustong gusto naman kaya itong si Lexie ay dabog ng dabog.

Nang matapos kami ni Lexie ay nagpasiya nalang kaming iwan sila don. Bahala na kung anong gawin nila.

Tahimik lang kami ni Lexie na naglalakad sa tabi ng dagat.

Pinagmamasdan ko lang ang mga paa kong nakatapak sa puting buhangin.

Hindi namin namalayan na sa paglakad lakad namin ay mag hapon na. Bumalik kami sa aming tinutuluyan at tahimik na nagligpit nang gamit.

Ngayon ang uwi namin. Ang mga lalake naman ay tahimik lang din at sila sila lang ang nag uusap dahil ayaw naming mag salita ni Lexie.

Hindi naman ako nag seselos dahil wala namang kami ni Hendrix kaya wala akong karapatan na mag selos. Kahit pa na mayroon na yata ako sa kanyang pagtingin.

Sumakay kami sa bangka papunta sa daungan. Kaming dalawa ni Lexie ang nagtabi dahil wala kaming balak makipag usap.
Walang parin namang nag sasalita kaya matutulog nalang kami ni Lexie.

Hindi ko alam na bago ako makatulog ay naramdaman kong umiiyak sa gilid ko si Lexie.
Pinahilig ko nalang siya sa aking balikat at sabay kaming nakatulog.

Mga ilang oras din ay nagising ako, dahil malapit na kami.

Nang makarating ay wala paring nag sasalita. Kanya kanya din kaming pumasok sa Kotse na pagmamay ari ni Kalix.

Stop, Kill Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon